Tiyak tayo’y maalarma at magagalit kapag tayo’y
nakakita ng taong sinasaktan, maging ito man ay hindi natin kaanak, hanggang sa
puntong para bang gusto nating sunggaban yung nananakit.
Ito’y natural na reaksiyon lamang dahil minsan sa
yugto ng buhay natin ay nakapanakit din tayo ng ating kapwa pampisikal o maging
pang-emosyon man.
Ganunpaman, kapag dumating na tayo sa punto na
napatawad na natin ang ating sarili at nakahingi na ng kapatawaran sa nagawang
masasakit na salita at gawa, ang inisyal na reaksiyon ay nagbabago, magmula sa
malupit na reaksiyon patungong habag, sa pagbibigay ng panahon sa ating kapwa
na mapag-isip-isip niya ang kamalian at baguhin ang kapamaraanan.
Nakababagbag damdamin ang makita na sinasaktan ng
anak ang sariling ama. Pero kung titingnan
din,may mga magulang ding nananakit ng mga anak na wala ding
kamuwang-muwang.
Kung susuriin ang nakaraan, tayo mismo sa ating
mga sarili, maaaring hindi pisikal, ngunit nakapanakit din tayo ng ating kapwa
sa pamamagitan ng tsismis na unti-unti nakakasira ng emosyon ng ating kapwa,
hindi makatarungang paghawak ng sitwasyon na nagiging sanhi ng paghihiwalay ng
pagkakaibigan, sumisira ng magandang relasyon ng magkakapatid, naghihiwalay ng
magandang samahan ng magkaklase., atbp.
Katolikong Katuruan hinggil sa paggalang sa mga magulang
Sinabi ng ika-apat na kautusan, “Igalang ninyo
ang inyong ama’t ina, upang lumawig ang inyong buhay sa lupang ibinigay sa inyo
ng Panginoong Diyos” (Exodus 20:12; Deuteronomy 5:16).
Ipinaalala mismo ng Panginoong Hesus ang tatag ng
kautusang ito ng Panginoong Diyos (Mark 7:8-13). Siya mismo ay masunurin sa
kanyang mga magulang, kay Birheng Maria Joseph (Luke 2:51).
Itinuro din ng mga apostoles: Mga anak,
magsitalima kayo sa inyong mga magulang sa Panginoon: sapagka't ito'y matuwid.
Igalang mo ang iyong ama at ina (na siyang unang utos na may pangako), Upang
yumaon kang mabuti, at ikaw ay mabuhay na malaon sa lupa (Ephesians 6:1-3;
Deuteronomy 5:16).
Ipinapakita ng kautusang ito sa mga tao ang
kaayusan ng pag-ibig. Ipinahintulot ng Panginoong Diyos na sumunod sa kanya, dapat igalang ng bawat isa ang
kanilang mga magulang na pinagkakautangan ng kanilang buhay, na siyang nagdala
sa kanila ng kaalaman patungkol sa Panginoong Diyos. Obligasyon ng bawat isa
ang igalang at iakarangal ang lahat na
pinagkalooban ng kapangyarihan ng Panginoong Diyos para sa
kapakinabangan ng bawat isa (Katekismo ng Iglesia Katolika 2197)
Ang ika-apat na kautusan ay ipinag-uutos lalung-lalo na sa mga anak, sa
kanilang relasyon sa mga magulang, sa dahilang pinaka-pangkalahatan ito. Layunin din nito ang pagkakasundo ng
kaanak. Ang kautusang ito’y
nanangangailangan ng paggalang, pagmamahal, at utang na loob sa mga nakakatanda at mga ninuno. At panghuli, sakop din nito ang tungkulin ng
mga guro sa mag-aaral, ng mga empleyado sa kanyang amo, tagasunod sa kanyang
lider, mamamayan ng bansa, at sa mga namamahala at namumuno nito. Sakop at nangangahulugan din ang kautusang
ito ng obligasyon ng mga magulang, tagapagturo, mga guro, mga lider,
mahistrado, mga namumuno, mga nasa katungkulan, mga nasa awtoridad (Katekismo
ng Iglesia Katolika 2199).
May gantimpala ang pagtalima sa kautusang ito:
"Igalang mo ang iyong ama at ang iyong ina: upang ang iyong mga araw ay
tumagal sa ibabaw ng lupa na ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Dios. "
(Exodus 20:12; Deuteronomy 5:16). Ang paggalang sa kautusang ito ay nagkakaloob
hindi lamang ng bungang makalangit kundi maging kapayapaan at kasaganaan.
Kasalungat nito’y malaking kapahamakan sa komunidad at kapwa tao (Katekismo ng
Iglesia Katolika 2000)
PAGMUNI-MUNI:
Hango sa mga nabanggit, Nagkaroon ba sa yugto ng
inyong buhay na hindi ka nagpakita ng kahalagahan sa iyong kapwa, maging siya
man ay kapamilya, kaeskuwela, kaopisina, o kapitbahay? Paano mo nabago ang iyong sarili sa kahinaang
ito?
BABALA: GABAY NG MAGULANG AY IPINAGPAPAYO DAHIL ITO'Y
NAGLALAMAN NG PALABAS NA HINDI ANGKOP PARA SA MGA MENOR DE EDAD.
|
|
No comments:
Post a Comment