Katekismo ng Iglesia Katolika
IV. ANG BIGAT NG KASALANAN: Mortal at kasalanang
may kapatawaran
Ang mga kasalanan ay kaagad sinusuri ayon sa bigat
nito. Ang pagkakaiba sa pagitan ng mortal at kasalanang may kapatawaran, na
matutunghayan sa Banal na Kasulatan, (Juan 5:16-17) ay naging bahagi ng tradisyon ng
Iglesia. Ito’y pinatunayan sa pamamagitan ng karanasan ng tao.
Ang mortal na kasalanan ay sumisira ng pag-ibig sa
puso ng tao sa pamamagitan ng isang matinding paglabag sa batas ng Diyos; tumatalikod
ang tao mula sa Panginoong Diyos, na kanyang huling hantungan at ang Kanyang
kaginhawaan, sa pamamagitan ng pagpapabor sa walang halaga kaysa sa Kanya.
Ang kasalanang may kapatawaran ay pinahihintulutang
umiral ang pag-ibig, kahit na itoý nakakasakit at nakakasugat.
Ang kasalanang mortal, sa pamamagitan ng paglusob ng
mga mahahalagang prinsipyo sa kaibuturan natin - iyon ay, ang pag-ibig – ay
nangangailangan ng isang bagong hakbangin ng awa ng Panginoong Diyos at pakikipag-usap
ng puso na kadalasang napagtatagumpayan na napapaloob sa istruktura ng Sakramento
ng Pakikipagkasundo:
Kapag itinakda sa isang bagay ang kalooban na
taliwas sa kanyang likas na karakter na hindi tugma sa pag-ibig, na nagtutro sa
tao patungo sa huling hantungan, kung gayon isa itong mortal na kasalanan, sa ganang
ginagalawan nito. . . maging ito man ay komukontra sa pag-ibig ng Diyos, gaya
ng panlalait sa Espiritu Santo o pagsisinungaling, o ang pag-ibig sa kapwa,
tulad ng pagpatay o pangangalunya. . . . Ngunit kapag ang kalooban ng
makasalanan ay itinakda sa isang bagay na ayon sa kanyang pagkatao ay nangangahulugan
ng isang gulo, ngunit hindi tutol sa pag-ibig ng Panginoong Diyos at kapwa, kagaya
ng di kaaya-ayang tsismis o walang habas na katatawanan at ang mga kagaya nito,
ang ganitong uri ng kasalanan ay may kapatawaran. (St. Thomas Aquinas , STH
I-II, 88,2, corp. art.)
Para maging mortal ang isang kasalanan, tumutugma
ito dapat sa tatlong kundisyon: "Ang kasalanang mortal ay kasalanang
mabigat na alam lubos ng may katawan at sadyang ginawa ." (RP 17 § 12).
Ang mabigat na bagay ay tinukoy ng Sampung Utos, na
naaayon sa tugon ng Panginoong Hesus sa mayamang batang ginoo: "Huwag kang
pumatay, Huwag kang mangalunya, Huwag kang magnakaw, Huwag kang sumaksi sa di
katotohanan, Huwag kang magdaya, Igalang mo ang iyong ama at ang iyong ina.
" (Marcos 10:19). Humigit kumulang, ang kasalanan ay mabigat: ang pagpatay ay mas mabigat
kaysa sa pagnakaw. Dapat ding isaalang-alang kung sino ang ginawan ng
pagkakamali: ang karahasan laban sa mga magulang ay mabigat kaysa sa
karahasan laban sa isang estranghero.
Ang kasalanang mortal ay nangangailangan ng ganap
na kamalayan at buong pahintulot. Binabalewala nito ang alam ng makasalanang
katangian ng paggawa, sa kanyang pagsalungat sa batas ng Panginoong Diyos. Ito
rin ay nagpapahiwatig ng isang pahintulot na sapat na may panananadya upang
maging isang pansariling kagustuhan. Ang isang artipisyal na kamangmangan at katigasan
ng puso (Marcos 3:5-6) ; (Lucas 16:19-31) ay hindi nakakabawas, bagkus ay
nakapagpapabigat pa, isang kusang-loob na katangian ng isang kasalanan.
Ang di sinasadyang kamangmangan ay nakakapagpagaan
o tumatanggal ng paratang sa isang mabigat na pagkakasala. Subalit walang
sinuman ang itinuturing na mangmang pagdating sa mga prinsipyo ng batas moralidad, na nakaukit
sa budhi ng bawat tao. Ang panghihikayat ng damdamin at kinahihiligan ay nakakapagbawas
din ng boluntaryo at libreng katangian ng pagkakasala, tulad ng panlabas na tensiyon
o walang habas na gusot. Ang kasalanang nagawa
sa pamamagitan ng malisya, sa pamamagitan ng sinadyang pagpili ng kasamaan, ay siyang
pinakamabigat.
Ang kasalanang
mortal ay isang matinding posibilidad ng kalayaan ng tao, tulad ng
pag-ibig mismo. Itoý nagreresulta sa pagkawala ng pag-ibig at ang kawalan ng grasya
ng nagpapabanal, samakatwid, ng estado ng biyaya. Kung itoý hindi matutubos sa
pamamagitan ng pagsisisi at kapatawaran ng Panginoong Diyos, ito ay nagiging dahilan
upang hindi makapasok sa kaharian ng Panginoong Hesus at ang walang hanggang
kamatayan ng impiyerno, dahil ang ating kalayaan ay may kapangyarihang
makapamili habangbuhay, ng wala nang balikan pa kailanman. Ganunpaman, bagamat tayoý puwedeng humatol na ang isang gawa mismo
ay isang mabigat na pagkakasala, kailangan nating ipagkatiwala ang paghatol ng
mga tao sa katarungan at awa ng Panginoong Diyos.
Ang isa ay nakakagawa ng kasalanang may kapatawaran,
sa isang di gaanong may kabigatan na bagay, kung binabalewala ang normal na
atas ng batas pangmoralidad, o kung sinusuway niya ang batas pangmoralidad sa
mas mabigat na paraan, ngunit walang
ganap na kinalaman o walang buong pahintulot.
Ang kasalanang may kapatawaran ay nakakapagpahina
ng pag-ibig; itoý nagtataglay ng masalimuot na pagmamahal pangmateryal; itoý
pumipigil sa pag-unlad ng kaluluwa sa kabanalan at pagsasanay ng mga moral na
mabuti; itoý nagdudulot ng pansamantalang kaparusahan. Ang sinasadya at hindi
napagsisihang kasalanang may kapatawaran ay nag-uudyok sa atin paunti-unti
upang gumawa ng kasalanang mortal. Ganunpaman ang kasalanang may kapatawaran ay
hindi binabali ang tipan sa Panginoong Diyos. Sa pamamagitan ng grasya ng Panginoong
Diyos ito ay nabababago. "Hindi tinanatanggal sa kasalanang may
kapatawaran ang grasyang lumilinis sa kasalanan, ang pakikipagkaibigan sa
Panginoong Diyos, ang pag-ibig at walang hanggang buhay " (John Paul II,
RP 17 § 9).
Habang siya ay nasa laman, ang tao ay hindi makakapigil
na gumawa ng mga mumunting kasalanan. Ngunit
huwag mamaliitin itong mga kasalanang tinatawag nating “maliit:” kung itoý inaaari
mong magaan, kapag ito’y tinimbang mo, manginig ka kapag itoý binilang mo. Ang bilang ng magaan na mga bagay na magagaan
ay nakakabuo ng mabigat na bilang; ang
bilang ng mga patak ay nakakapuno ng isang ilog; ang bilang ng mga butil ay
bumubuo ng isang gabunton; Ano kung gayon ang ating pag-asa? Higit sa lahat,
pag-amin (St. Augustine, In ep Jo 1,6:.. PL 35,1982).
"Kaya nga sinasabi ko sa inyo, Ang bawa't
kasalanan at panlalait ay may kapatawaran; ngunit ang panlalait laban sa
Espiritu Santo ay walang kapatawaran (Mateo 12;31; Marcos 3;29; Lucas 12:10)." Walang hangganan ang awa ng Panginoong Diyos, ngunit sinuman ang sadyang
tumangging tanggapin ang Kanyang awa sa pamamagitan ng pagsisisi, ay tumatanggi
ng kapatawaran ng kanyang mga kasalanan at ang kaligtasan na inaalok ng
Espiritu Santo. (John Paul II, DeV 46). Ang ganitong katigasan ng puso ay humahantong
sa kawalan ng pagsisisi at walang hanggang kawalan.
V. ANG PAGSANGA-SANGA NG KASALANAN
Ang kasalanan ay lumilikha ng isang pagkagumon sa
kasalanan; itoý lumilikha ng bisyo sa pamamagitan ng paulit-ulit na parehong mga
gawain. Nagreresulta ito ng sinasadyang pagkasadlak na bamabalot ng budhi at dumudungis
ng kongkretong paghatol sa pagitan ng mabuti at masama. Kaya ang kasalanan ay maaaring
mapalakas ang sarili nito, ngunit hindi nito
masisira ang kamalayang moralidad mula sa ugat nito.
Ang mga bisyo ay binubuo ayon sa mga kabutihang
kanilang tinututulan, o puwede ring maikonekta sa mga mabibigat na kasalanan na pinagdaanan ng Kristiyano
na hango kay St. John Cassian at St. Gregory the Great. Ang mga
ito ay tinatawag na "mabigat" dahil nagbubunga sila ng iba pang mga
kasalanan, iba pang mga bisyo (138 Cf. St. Gregory the Great, Moralia in Job,
31,45: PL 76,621A). Ang mga ito ay pagmamataas, kasakiman, inggit, poot, kahalayan,
katakawan, at katamaran.
Ipinapalala din ng tradisyonal na Katekismo na may
mga "kasalanang nanaghoy ng hustisya": ang dugo ni Abel, (Genesis 4:10, ang kasalanan ng Sodoma, (Genesis 18:20; Genesis 18:20; 19:13); hiyaw ng mga taong inapi sa Ehipto, (Exodo 3:7-10) hiyaw ng mga taga ibang lupa, ng babaeng
balo, at ulila, (Exodo 20:2-22), kawalan ng katarungan sa arawang
suwelduhan (Deuteronomio 24:14-15); James 5:4).
Ang kasalanan ay isang personal na gawain. Bukod dito,
mayroon tayong responsibilidad para sa mga pagkakasalang nagawa ng iba kapag tayoý
nakipagtulungan sa kanila:
- sa paglahok direkta at kusang-loob sa mga ito
- sa pag-utos, pagpayo, pagpuri, o pag-apruba ng mga ito
- sa hindi pagsisiwalat o hindi paghadlang ng mga ito kapag tayo ay may responsabilidad gawin ito
- sa pagprotekta ng gumagawa ng masama
Kaya ang kasalanan ay nagdadala sa mga tao na maging kasabwat
ng isa't isa at nagiging sanhi ng kamunduhan, karahasan, at kawalan ng
katarungan na maghari sa sinuman sa kanila. Ang mga kasalanan ang nagpapalala ng panlipunang
sitwasyon at institusyon na salungat sa kabanalan. "Ang istruktura ng
kasalanan" ay ang pagpapahayag at epekto ng personal na mga kasalanan.
Sila ang nag-uudyok ng kanilang biktima na gumawa ng masama sa kanilang pagkakataon.
Sa isang kahalintulad na kahulugan, ang mga ito ay bumubuo isang
"panlipunang kasalanan." (Juan Pablo II, RP 16).
No comments:
Post a Comment