ANG KATEKISMO NG IGLESIA KATOLIKA
II. ANG
KAHULUGAN NG KASALANAN
Ang kasalanan ay taliwas sa katuwiran, katotohanan,
at matuwid na konsensiya; ito ay pagkabigo sa tunay na pag-ibig sa Panginoong Diyos at sa kapwa
sanhi ng isang pagkagumon sa ilang materyal na bagay. Ito ay sumusugat sa likas
na katangian at pagakakaisa ng tao. Ito ay tinukoy bilang
"isang pagbigkas, isang paggawa, o isang pagnanais na taliwas sa makalangit na batas." (St. Augustine, Contra Faustum 22: PL 42,418; St. Thomas
Aquinas, STH I-II, 71,6).
Ang kasalanan ay isang insulto laban sa Panginoong Diyos:
"Laban sa iyo, sa iyo lamang ako nagkasala, at nakagawa ng kasamaan sa Iyong paningin." (Salmo 51: 4) Ang kasalanan ay nagtatakda mismo laban sa
pag-ibig ng Diyos para sa atin at lumalayo ang ating puso dito . Tulad ng unang kasalanan, ito ay pagsuway, isang pag-aalsa laban sa Panginoong Diyos
sa pamamagitan ng kagustuhang maging "tulad ng mga diyos," (Genesis 3:5) na alam at tukoy ang mabuti at masama. Kung magkagayon ang kasalanan ay "pag-ibig
sa sarili hanggang sa pag-aalipusta sa Panginoong Diyos." (St Augustine, De civ
Dei 14,28:.. PL 41,436). Sa ganitong pagtataas ng sarili, ang kasalanan ay
ganap na kabaligtaran sa pagtalima sa Panginoong Hesus, na napagtagumpayan ang
ating kaligtasan (Filipos 2:6-9).
ItoĆ½ tiyak sa pamamagitan ng pag-ibig, nang malupig
ito sa pamamagitan ng awa ng Panginoong Hesukristo, ang kasalanang yan ay malinaw
na mababanaag sa bayolente at marami nitong pamamamaraan: kawalan ng
pananampalataya, mapagpaslang na pagkapoot, pagsasawalang-bahala at pangungutya ng ating mga pinuno at ng
bayan, ng karuwagan ni Pilato at kalupitan ng mga sundalo, pagtatraydor
ni Hudas – na napakapait sa Panginoong Hesus, pagkakaila ni Pedro at ang paglayo
ng mga disipulo. Ganunpaman, sa pinakarurok ng oras ng kapighatian, ang oras ng
Prinsipe ng sanlibutang ito, (Juan 14:30)
ang sakripisyo ng Panginoong Hesukristo ay naging daluyan kung saan ang
kapatawaran ng ating mga kasalanan ay ibinuhos pabalik ng walang kapaguran.
Mga Sanggunian:
Mga Sanggunian:
No comments:
Post a Comment