Habang nasa ensayo ng kasal, nilapitan ng ikakasal
na lalaki ang pastor na may bitbit na isang di- pangkaraniwang alok:
"Tingnan mong maigi, bibigyan kita ng $200 kung babaguhin mo ang pangako
sa kasal: Sa parteng ikaý dadako na
upang akoý papapangakuin na 'magmamahal, ikararangal; at tatalima' at 'magiging
tapat sa kanya magpakailanman,' bueno, akoý matutuwa kung lalagpasan mo ito.
" Agad-agad, ibinigay niya kung ano ang ipinangako ministro at inabutan ito ng
$ 200 at naglahong parang kidlat.
Dumating ang araw ng kasal, nang dumako na sa
parteng mangangako ang ikinasal na lalaki, tinitigan ito sa mata ng Pastor at
nagwika: "Nangangako ka bang magpapatirapa sa iyong asawa, susundin ang
kanyang bawat utos at kahilingan, pagsisilbihan siya sa kanyang almusal sa kama
tuwing umaga ng iyong buhay, at taimtim na nangangako ng habang-buhay sa harap
ng Panginoong Diyos at sa iyong kaibig-ibig na asawa na ikaw ay hindi kailanman
titingin sa ibang babae, habang kayo ay nabubuhay? "
Napalulon ang lalaking ikinasal at nagpalinga-linga
ng tingin, at dumaing sa Pastor sa mala-mikroskopikong boses, "Oo,"
pagkatapos ay sumandal sa pastor at bumulong: "Akala ko nagkaroon na tayo
ng kasunduan."
Sumagot ang pastor ay ibinalik ang $200 sa kamay ng
lalaki at bumulong: ". Mas malaki ang bigay ng asawa mo kaysa sa yo!"
No comments:
Post a Comment