IKATLONG BAHAGI
BUHAY KASAMA NG PANGINOONG HESUKRISTO
Unang Seksiyon
BOKASYON NG BUHAY NG TAO SA ESPIRITU
UNANG KABANATA
Ang Dignidad ng Tao
ARTIKULO 8
ANG KASALANAN
I. AWA AT KASALANAN
Katekismo ng Iglesia Katolika # 1846
Ang Ebanghelyo ay ang paghahayag ng awa ng Panginoong Diyos sa mga makasalanan sa pamamagitan ng Panginoong
Hesukristo (Lucas 15). Ipinahayag ng anghel kay Jose: "Papangalanan mo Siyang Jesus, sapagkat ililigtas Niya ang Kanyang
bayan sa kanilang pagkakasala"(Mateo 1:21). Ganoon din sa Eukaristiya, ang sakramento ay pagtubos: "Ito tipan ng aking
dugo, na ibinubuhos para sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan "
(Mateo 26:28)
Katekismo ng Iglesia Katolika # 1847
"Tayo’y nilikha ng Diyos nang wala tayo: nguni't hindi niya ipinahintulot na iligtas tayo nang wala tayo” (St Augustine, Sermo 169,11,13.
PL 38,923). Upang makatanggap ng Kanyang awa, dapat nating aminin ang ating mga
pagkakamali. "Kung sinasabi nating tayo'y walang kasalanan, dinadaya natin
ang ating sarili, at ang katotohanan ay wala sa atin. Kung ikinukumpisal natin
ang ating mga kasalanan, siya ay tapat at makatwiran, at patatawarin ang ating
mga kasalanan at tayo'y lilinisin sa lahat ng pagkakasala" (I John 1:8-9).
Katekismo ng Iglesia Katolika # 1848
Si St. Paul ay nanindigan, "Kung saan
dumagsa ang kasalanan, lalot higit umaapaw
ang grasya" (Roma 5:20). Ngunit upang ito’y umiral, dapat
maalis ang nagkukubli ng kasalanan para sa pagbabalik-loob at maipagkaloob
sa atin ang "matuwid na walang hanggang buhay sa pamamagitan ni Hesucristo na ating Panginoon" (Roma 5;21). Tulad ng isang manggagamot na sinusuri ang sugat bago ito gamutin, ang Panginoong
Diyos, sa pamamagitan ng Kanyang Salita at sa pamamagitan ng kaniyang Espiritu,
ay nagtatanglaw ng buhay na liwanag sa kasalanan:
Ang pagbabalik-loob ay nangangailangan ng
paghihimok ng kasalanan; kabilang dito ang taus na pagsusuri ng konsensiya,
at sa pamamagitan nito, bilang isang patunay ng pagkilos ng Espiritu ng
katotohanan sa pagkatao ng isang indibidwal, nagiging simula rin ng isang
bagong kaloob na biyaya at pag-ibig:
"Kamtin ang Banal na Espiritu." Kaya sa pamamagitan nito "ang paghihikayat patungkol sa kasalanan" nakakatuklas tayo ng isang dobleng regalo: ang regalo ng katotohanan ng konsensiya at ang kaloob ng katiyakan ng pagtubos. Ang Espiritu ng katotohanan ay ang Tapagpapagaan. (John Paul II, DeV 31 § 2).
"Kamtin ang Banal na Espiritu." Kaya sa pamamagitan nito "ang paghihikayat patungkol sa kasalanan" nakakatuklas tayo ng isang dobleng regalo: ang regalo ng katotohanan ng konsensiya at ang kaloob ng katiyakan ng pagtubos. Ang Espiritu ng katotohanan ay ang Tapagpapagaan. (John Paul II, DeV 31 § 2).
No comments:
Post a Comment