Isang babae na nasa kalagitnaan Nna ng kanyang
edad ang inatake sa puso at itinakbo sa ospital.
Habang nakikipaglaban para sa kanyang buhay sa
isang operasyon, umabot siya sa nalalapit na nang kamatayan. Nang makita niya
ang Panginoong Diyos, siya'y nagtanong, "Katapusan ko na po ba ito?"
Sumagot ang Panginoon, "Hindi, mayroon ka pang 40 taon, 2 buwan at 8 araw
para mabuhay."
Nang siya'y gumaling na, mas pinili ng babae ang
mamalagi sa ospital at nagpabanat ng mukha, nagpatanggal ng taba at nagpabatak
ng tiyan. Pati kulay ng buhok niya ay binago. Sa pag-asang mayroon pa syang
mahabang panahon na ilalagi, napagpasiyahan niyang samantalahin ito.
Pagkatapos ng huling operasyon, siya'y pinakawalan
ng ospital. Habang tumatawid ng kalye patungong bahay niya, nahagip siya ng
kotse at biglaang namatay.
Pagdating niya sa harap ng Panginoong Diyos, siya'y
nagreklamo, Akala ko ba'y mayroon pa akong 40 taon, bakit hindi Niyo ako
inilayo sa kotse.?
Sumagot ang panginoon, "Hindi kita nakilala
eh!"
|
|
No comments:
Post a Comment