LENI ROBREDO
14th
Vice President of the Philippines
Inaugural
Speech
June
30, 2016
|
|
Tagalog
Version
|
English
Version
|
Minamahal
kong mga kabayayan:
May
mga sandali sa ating buhay na mas matingkad kaysa sa iba, noong nagkakilala
kami ni Jesse, noong nasilayan ko sa unang pagkakataon ang mukha ng aming mga
anak, noong bumagsak ang kanyang eroplano.
|
My
dearest countrymen: There are moments in our lives that stand out than
others, when I met Jesse, when I caught sight of my children’s faces for the
first time, when the plane he rode crashed.
|
Ngayon, narito na naman tayo sa isang mahalagang
yugto.
Nagpapasalamat akong kasama ko kayo sa oras na
ito. Kayong nagbigay ng inyong tiwala at umako ng ating laban bilang laban
niyo rin. Samahan ninyo ulit ako sa aking bagong paglalakbay.
|
Now,
we are here again in a significant episode.
I
am grateful that you’re with me in this hour.
You, who have given me your trust and embraced this fights as yours. Join
with me again in this new journey.
|
Ang sandaling ito ay hindi lamang tungkol sa
akin. Ito ang ating pagkakataong maisama ang mga nasa laylayan ng lipunan
tungo sa maginhawang buhay sa mas malawak na paraan.
|
This
journey is not all about me. This is our opportunity to bring those at the
fringes of society to prosperity, in a more influential means.
|
Sa
isang katulad nating nakikipagpulong sa riles ng tren, natutulog sa bangka at
sumasakay sa habal-habal para maabot ang ating mga pinaglilingkuran, ito ay
isang malaking biyaya para lalo pang makapaglingkod.
|
This
is a great blessing to further service, for us who hold consultation meetings
on train tracks, sleep on boats, and in horde riding motorcycles to reach
those we’re serving.
|
Tayo ay nasa posisyong ito dahil hindi natin
matalikuran ang tawag ng paninilbihan, at hindi natin sasayangin ang
pagkakataong paigtingin ang ating mga ipinaglalaban.
|
We
are in this position because we cannot and will not turn our backs on
servanthood, and we will not waste this opportunity to fortify our
advocacies.
|
Niyayakap
natin ang responsibilidad na ito, na may buong pagpapakumbaba, pasasalamat,
at pagsusumikap.
|
We
embrace this responsibility with humility gratefulness and endurance.
|
Ang
mga pangarap ng ating Pangulo at ating mga plano para sa bansa ay
nagkakatugma patungo sa iisang hangarin: ang mabigyan ng tunay na kaunlaran
ang ating mga kababayan, lalo na ang mga napag-iiwanan.
Marami
nang naumpisahan pero marami pa ring kailangang punan. Kaya ang ating panata
ay malagpasan ang kahit ano pang hamon.
|
The
vision of our President and our plans for the country harmonize towards a
unified goal: of bringing real prosperity to our countrymen, especially those
that have been left behind. Much has been started, but there’s more to be
done. That is why our promise is to excel in whatever challenge.
|
Hindi
natin hahayaang mapigilan tayo ng ano mang balakid upang makapagsilbi at
handa tayong makipagtulungan sa lahat.
|
We
will not allow any hindrance against service and we are eager to collaborate
with everyone.
|
Ang
tanging paraan para matupad ang hangaring ito para sa ating bansa ay ang
sama-samang pagkilos.
Naniniwala
ako na sa panahong tila may mga matitinding hidwaan na nangyayari sa mundong
kinagagalawan natin, ang hamon sa atin ay magsama-sama, paigtingin ang ating
pagkakaisa, at gawing lakas, hindi hadlang, ang ating pagkakaiba.
|
The
only way for all of us to realize our vision for our nation is through joint
forces.
I
believe that in occasions when there seem to be extreme conflict in the world
where we are evolving, the challenge is to unify, reinforce our unanimity,
turning our differences into strengths.
|
Kailangan nating gawin ang tama para sa
karamihan, hindi lang sa iilan. Ang katapatan ay dapat ibigay sa ating
pinangakuang pagsisilbihan kahit labag ito sa pansariling interes. Namulat
tayo sa ganitong uri ng pagsisilbi at itutuloy natin habang tayo’y nabubuhay.
|
We
must do right not for the interest of the few but for the common good. Our
loyalties must be bestowed on those we are sworn to serve, even at the cost
of personal interest. We were sculpted in this type of servanthood and this
will be for a lifetime.
|
Bukas ang pintuan ng Tanggapan ng Pangalawang
Pangulo sa lahat – anuman ang katayuan sa buhay, paniniwala, o partido.
|
The
doors of the Office of the Vice Presidency are always open – whatever social
status, belief and political party.
|
Tayo
ay magiging tanggapan na palaging nakikinig sa boses ng taumbayan. Hangad
nating maging magkatuwang ang pamahalaan at pribadong sektor tungo sa
pagbabago, para sa mga nasa laylayan ng lipunan na dapat nating paglingkuran.
|
We
will be an office that seeks the voice of the people. We’re aiming to create
partnerships between the government and the private sector towards real
change, for those at the fringes of society that we must serve.
|
Ang
ating pagtutulungan ang ating pinakamabisang puhunan.
Napatunayan
na nating hindi sagabal ang anumang kakulangan sa totoo, tapat at pursigidong
paglilingkod. Ang pagsubok ay kabilang mukha lamang ng pagkakataon.
Itong
ito ang kwento ng ating paglalakbay. Noong nagsimula tayo, parang walang
naniniwalang may pag-asang manalo. Ngunit dahil sa pagbubuklod ng ambag ng
bawat isa – tulad ni Nanay Alberta na nagsangla ng singsing para makatulong
sa ating kampanya, tulad ng paglalakbay muli ng Sumilao Farmers, tulad ng
mag-amang pinagtagpi-tagpi muli ang napunit nating posters, tulad ng marami
sa inyong kasama ko ngayon na nagsakripisyo – nanaig tayo.
|
Collaboration
is our most significant resource.
We
have proven that insufficiency is not a barrier for a sincere and persevering
service. Trial is only the other side
of the opportunity.
This
is the story of our journey. When we
started, it seemed that no one believed for a hopeful triumph. However, because of everyone’s combined
involvement - like Nanay Alberta who pawned her ring to help with the
campaign, like the Sumilao farmers who
traveled by foot again to Manila, like the father-and-son efforts which we by
chance witnessed fixing our destroyed posters, like many of you with me today
who sacrificed – we indeed prevailed.
|
Kapag naninindigan tayo para sa mga
pinaniniwalaan natin, kapag handa nating pagsakripisyuhan ang ating mga
layunin, ang imposible ay kinakayang gawing posible.
|
Impossible
can be made possible when we stand for what we believe in, when we are ready
to forgo our personal interests.
|
Kaya
buo ang loob ko na marami tayong magagawa sa anim na taon. Inaaya ko kayong
lahat na nais tumulong na magtungo sa ating tanggapan para sabay tayong
mangarap at kumilos para mabigyan natin ng mas magandang buhay ang ating mga
kababayan.
|
That’s
why I’m confident that we can accomplish many things in the next six years. I
invite all of you who are willing to help, to visit our office so we can
dream and work together for the betterment of our countrymen.
|
Pagsama-samahin
natin ang ating mga hangarin at kakayahan upang makalikha tayo ng
makabuluhang pag-unlad.
|
Let
us bring all our aspirations and aptitudes together so we can create the most
significant advancement.
|
Ang
pangunahin nating tututukan ay gutom at sapat na pagkain, kalusugan para sa
lahat, kaunlaran ng kanayunan, edukasyon at people empowerment. Sa mga
larangang ito, walang dapat sayanging oras. Ang pangarap natin ay maibsan ang
paghihirap sa lalong madaling panahon. Niyayaya ko kayong muli akong samahan
sa paglalakbay na ito.
|
Our
top priority is to address poverty and food security, universal health care,
rural development, education and people empowerment. No time should be wasted
in these areas.
Our
dream is to eradicate impoverishment the soonest possible. I am inviting you
to join me in this journey once more.
|
Sa
unang isandaang araw, plano nating magtungo sa malalayo at maliliit na
barangay sa bansa, upang alamin ang mga bagay na nais niyong matugunan.
Ito
ang sinimulan na nating gawin sa ating distrito sa lalawigan ng Camarines Sur
– kung saan ako isinilang, nag-aral, nagtayo ng pamilya, namulat sa mga
problema ng lipunan at kung saan napudpod ang
ating mga tsinelas sa paghahanap ng mga mabisang solusyon sa kahirapan.
|
In
first 100 days, we plan to go to the far-flung and the smallest barangays of
the country, to identify the areas of concern that need to be addressed.
This
is what we did in our district in Camarines Sur - the place where I
was born, studied, raised family, the place that formed my awareness of
society’s predicaments, and where my sleepers were fossilized to find
solutions that’s best suited to address poverty.
|
Umaasa
tayo na sa pagdala natin sa Tanggapan ng Pangalawang Pangulo sa inyong mga
barangay, mas mararamdaman ninyo na totoong nariyan ang pamahalaan para sa
inyo.
|
We
hope that as we bring the Office of the Vice Presidency to your barangay, you
will feel the government is there for you beyond doubt.
|
At
kapag nadama ninyo iyan, magkakaroon din tayo ng inspirasyon na simulan ang
pagbabagong loob.
|
And
when you feel that, we will also be inspired to start with transformation.
|
Nakita natin ito sa mga magsasaka at mangingisda
na ating natulungan, sa bawat inabusong asawa na ating binigyang lakas, o sa
bawat katutubo o manggagawang nakasalimuha.
|
We
have witnessed this from our farmers and fishermen we have supported, to each
battered woman whose morale we tried to boost, in each indigenous person, or laborers
we have communed with.
|
Anumang
pagbabago sa ating bayan ay nagsisimula sa pagpupursigi ng bawat Pilipino. At
kapag nagkaisa tayo, walang imposible. Sabi nga ni Jesse nuong siya ay nabubuhay
pa: “What brings us together as a nation is far more powerful than what pulls
us apart.” (Ang nagbibigkis sa atin bilang isang bansa ay hindi hamak na mas
malakas kaysa nagbabaklas sa atin)
|
Any
transformation in our country will begin from determination of every
Filipino. Nothing is imposibble when
there is unity. As Jesse (her late husband
who was reputed for servanthood) says, “What
brings us together as a nation is far more powerful than what pulls us
apart.”
|
Sa panahon ng matinding hidwaan, ang pagkakaisa
ng bansa ang tanging pag-asa. Iba iba man ang ating pinanggagalingan, iisa
ang ating hangarin: na ang bawat pamilyang Pilipino ay mamuhay ng may dangal.
|
In
the moment of extreme conflict, unity of our countrymen is the country’s
hope. We may come from different walks of life or different advocacies, but
our aspirations are no different: that each Filipino family will live with
dignity.
|
Ang sandaling ito ang simula ng sama-samang
pagtupad sa hangaring ito.
Maraming salamat sa inyong lahat at mabuhay ang
Pilipinas.
|
This
moment is the birth of collective fulfillment of these aspirations.
Thank
you very much and long live
Philippines!
|
Adsense
Adesense
Thursday, June 30, 2016
Leni Robredo: 14th Vice President's Inaugural Speech
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Adsense
Adsense
Adesense
Adsense
Adsense
Saintly Journey With Saints
More Posts Here
Conditioning of the children’s/adult's mindset when disciplining them |
The good news when you feel like being punished |
Kobe Bryant’s defining moment after a rock-bottom |
|
Tips on Pacifying the Irrepressible Crying Baby |
Featured Post
102 Famous personalities of past and present generation transformed and defeated by drug addiction
2 Timothy 3:7 People will be self-centered and lovers of money, proud, haughty, abusive, disobedient to their parents, ungrateful,...
Popular Posts
-
Canticle of Mary Luke 1:46-55 My soul proclaims the greatness of the Lord, My Spirit rejoices in God my Saviour For He has loo...
-
Calamansi or Calamonding (Citrus Microcarpal) is very abundant in the Philippines, not to mention its affordability and accessibility...
Drug addiction: Another innovation of pleasures that man explores |
Life after marriage ripens in phases which has to be managed in a different approach |
Parents’ heartrending testimonials and recommendations on drug addict siblings |
|
Reality and injurious effects of death penalty |
Search This Blog
Total Pageviews
More Deepening Thoughts Here
Eucharist: Partaking of and participating in are real than symbolic |
Images are manufactured not as objects of worship but as a method of honoring Mary and the Saints for their zealous quest of doing God’s will |
God prepares Mary & the Ark of the Covenant as a carrier of His presence freed from contagion |
No comments:
Post a Comment