Rodrigo Roa Duterte, the first Mindanaoan to become the country's Chief Executive and the former mayor of Davao City took his oath of office as the 16th president of the Philippines at noon on Thursday, June 30.
Before
hundreds of guests at Malacañang's Rizal Hall and on national TV, he
articulated in simple terms his governance in five minutes, reiterating his
call for change: “Change must start with us and in us... We have become our own
worst enemies, and we must have the courage and the will to change ourselves.”
So
far, the president could be sensed with sincerest and fervent desire for the
Philippine transformation in governance which I could recapitulate as a good
sign that he is predisposed to clean up the government against oppression of
the poor brought by corruption and violation of rights and justice in the realm.
Ecclesiastes
5:7 If you see oppression of the poor, and violation of rights and justice in
the realm, do not be shocked by the fact, for the high officialhas another higher
than he watching him and above these are others higher still.
Expressing
his passionate service for the Filipino people, he concluded in his inaugural
speech with this excerpt: "Why am I here? Because I am ready to start my
work for the nation."
Here
is the full text of his speech:
RODRIGO ROA DUTERTE
16th Pesident of the Philippines
Inaugural Speech
June 30, 2016
|
|
English Version
|
Tagalog Version
|
President Fidel Ramos, sir, thank you for
your help for making me President; President Joseph Ejercito Estrada; Senate
President Franklin Drilon and the members of the Senate; Speaker Feliciano
Belmonte and the members of the House of Representatives; Chief Justice Maria
Lourdes Sereno and Associate Justices of the Supreme Court; His Excellency
Guiseppe Pinto and the members of the Diplomatic Corps; incoming members of
the Cabinet; fellow workers in government; my fellow countrymen.
|
Pangulong Fidel Ramos, sir, salamat po sa tulong mo sa paglikha sa
akin bilang pangulo; Pangulong Joseph Ejercito Estrada; Pangulo ng Senado
Franklin Drilon at ang mga miyembro ng
senado, Speaker Feliciano Belmonte at ang mga miyembro ng House of
Representatives; Chief Justice Maria Lourdes Sereno and Associate Justices of
the Supreme Court; His Excellency Guiseppe Pinto at ang mga miyembro ng
Diplomatic Corps; mga mauupong kabinete; mga kapwa ko manggagawa sa gobyerno;
mga kababayan.
|
No leader, however strong, can succeed at
anything of national importance or significance unless he has the support and
cooperation of the people he is tasked to lead and sworn to serve.
|
Walang pinuno, sa kabila ng kasigasigan, ang magtatagumpay sa
anumang may importansiya o kahulugan kung wala ang suporta at kooperasyon ng
mga tao sa inaatang sa kanya ng paggiya at sinumpaang paninilbihan.
|
It is the people from whom democratic
governments draw strength and this administration is no exception. That is
why we have to listen to the murmurings of the people, feel their pulse,
supply their needs and fortify their faith and trust in us whom they elected
to public office.
|
Sa mga tao kumukuha ng lakas ng gobyernong pandemokratiko, at
hindi naiiba ang administrasyong ito.
Kung kaya ay kailangan nating pakinggan ang mga hinaing ng mga tao,
maramdaman ang kanilang pulso, ibigay ang kanilang pangangailangan at palakasin
ang kanilang kumpiyansa at tiwala sa atin bilang kanilang mga halal sa
pampublikong paninilbihan.
|
There are many amongst us who advance the
assessment that the problems that bedevil our country today which need to be
addressed with urgency, are corruption, both in the high and low echelons of
government, criminality in the streets, and the rampant sale of illegal drugs
in all strata of Philippine society and the breakdown of law and order. True,
but not absolutely so. For I see these ills as mere symptoms of a virulent
social disease that creeps and cuts into the moral fiber of Philippine
society. I sense a problem deeper and more serious than any of those
mentioned or all of them put together. But of course, it is not to say that
we will ignore them because they have to be stopped by all means that the law
allows.
|
Marami sa atin ang kumakalkula na ang mga suliraning nagpapahirap
sa ating bansa sa kasalukuyan na nangangailangan ng agarang pagtugon, ay ang
korapsiyon, maging ito man ay nasa mataas at mababang kapulungan ng gobyerno,
kriminalidad sa mga lansangan, walang habas na pagbebenta ng mga ilegal na
droga sa lahat ng lebel ng sosyedad sa Pilipinas. Tama, ngunit ito’y hindi eksakto. Dahil ang tingin ko sa mga ito ay pawang
mga sintomas lamang ng mapanganib na sakit ng lipunan na gumagapang at humihiwa
sa karakter ng sosyedad ng Pilipinas.
Nararamdaman ko ang mas malalim na problema at mas seryoso kaysa sa
mga nabanggit o ang mga pinagsama-sama.
Pero siyempre, ito’y hindi sa pagsasabi na balewalain natin ang mga
iyon dahil kailangang supilin ang mga ito sa lahat ng pamamaraan na naaayon
sa batas.
|
Erosion of faith and trust in government –
that is the real problem that confronts us. Resulting therefrom, I see the
erosion of the people’s
trust in our country’s
leaders; the erosion of faith in our judicial system; the erosion of
confidence in the capacity of our public servants to make the people’s lives better, safer and healthier.
|
Ang pagkawala ng kumpiyansa at tiwala sa gobyerno – yan ang tunay
na problema na kumokompronta sa atin. Nang
dahil dito, nakikita ko ang paglaho ng tiwala ng mga tao sa mga namumuno sa
bansa; ang paglaho ng kumpiyansa sa ating hudikatura; ang paglaho ng tiwala
sa kakayahan ng ating mga lingkod-bayan para sa kapakanan ng mga mamamayan, mas
ligtas at mas malusog.
|
Indeed ours is a problem that dampens the
human spirit. But all is not lost.
|
Hindi maikakaila na ang sa atin ay problemang nagpapahina ng moralidad. Ganunpaman, hindi lahat ay napapariwara.
|
I know that there are those who do not
approve of my methods of fighting criminality, the sale and use of illegal
drugs and corruption. They say that my methods are unorthodox and verge on
the illegal. In response let me say this: I have seen how corruption bled the
government of funds, which were allocated for the use in uplifting the poor
from the mire that they are in.
|
Alam kong mayroon sa inyo ang ayaw sa aking pamamaraan ng paglaban
sa kriminalidad, sa pagbebenta at paggamit ng ilegal na droga at
korapsiyon. Sinasabi nila na ang aking
pamamaraan ay hindi tradisyunal at nahahanay sa ilegal. Bilang tugon, hayaan ninyong sabihin ko
ito: Nakita ko kung paanong dinungisan
ng korapsiyon ang pondo ng gobyerno, na inilaan para maitaas ang mga
mahihirap sa putikan kung nasaan sila.
|
I have seen how illegal drugs destroyed
individuals and ruined family relationships.
|
Nakita ko kung paanong sinira ng ilegal na
droga ang mga indibidwal at sinir ang mga relasyong pampamilya.
|
I have seen how criminality, by means all
foul, snatched from the innocent and the unsuspecting, the years and years of
accumulated savings. Years of toil and then, suddenly, they are back to where
they started.
|
Nakita ko kung paano ang kriminalidad, sa pamamagitan ng lisyang
pamamaraan, inagawan ang mga inosente at mga walang kalaban-laban, ang
kanilang mga taon at mga taon ng impok nila.
Ang mga taon na kanilang pinagpagalan, hanggang sa isang iglap, ay bumalik
sila sa kung saan sila ay nag-umpisa.
|
Look at this from that perspective and tell
me that I am wrong.
In this fight, I ask Congress and the
Commission on Human Rights and all others who are similarly situated to allow
us a level of governance that is consistent to our mandate. The fight will be
relentless and it will be sustained.
|
Tingngan ninyo sa perspektibong ito at
sabihin ninyo sa akin kung ako’y mali.
Sa labang ito, tinatawagan ko ang Kongreso,
ang Commission on Human Rights at lahat ng iba pa na nasa kaparehong
sitwasyon na hayaan ninyo kami sa lebel ng pangobyerhuhan na ayon sa aming
direktiba.
|
As a lawyer and a former prosecutor, I know
the limits of the power and authority of the president. I know what is legal
and what is not.
|
Bilang abogado at dating prosecutor, alam ko
ang limitasyon ng poder at awtoridad ng pangulo. Alam ko kung alin ang legal at hindi.
|
My adherence to due process and the rule of
law is uncompromising.
You mind your work and I will mind mine.
|
Ang aking pagtalima sa due process at
direktiba ng batas ay determinado. Intindihin
ninyo ang inyong responsibilidad at iintindihin ko ang sariling akin.
|
Real change –
these are words which catapulted me to the presidency. These slogans were
conceptualized not for the sole purpose of securing the votes of the
electorate. Real change. This is the direction of our government.
|
Tunay na pagbabago, ito ang mga katagang ibinato sa akin sa
pagkapangalo. Ang mga slogan na ito ay
linikha hindi lamang para sa pangangalap ng boto ng mga botante. Tunay na pagbabago. Ito ang tinatahak na direksiyon ng ating
gobyerno.
|
Far from that. These were battle cries
articulated by me in behalf of the people hungry for genuine and meaningful
change. But the change, if it is to be permanent and significant, must start
with us and in us.
|
Higit diyan. Ito ang mga sigaw
na binigyan ko ng diin sa ngalan ng mga taong gutom sa tunay at makahulugang
pagbabago. Ngunit ang pagbabago, kung
ito’y magiging permanente at makabuluhan, dapat ay mag-umpisa sa atin at mula
sa atin.
|
To borrow the language of F. Sionil Jose, we have become our own worst
enemies. And we must have the courage and the will to change ourselves.
|
Bilang hiram sa mga katagang inusal ni F. Sionil Jose, tayo’y
naging napakalupit na kaaway ng ating mga sarili. At dapat at magkaroon tayo ng tapang at
kagustuhan na baguhin ang ating mga sarili.
|
Love of country, subordination of personal
interests to the common good, concern and care for the helpless and the
impoverished – these are among the lost and faded values that we seek to
recover and revitalize as we commence our journey towards a better
Philippines. The ride will be
rough. But come and join me just the same. Together, shoulder to shoulder,
let us take the first wobbly steps in this quest.
|
Ang pagmamahal sa bansa, pagsasantabi ng personal na interes para
sa kapakinabangan ng mas nakararami, ang pagtalima at pangangalaga sa mga mahihina
at mahihirap – ito ang ilan sa mga naglaho at kumukupas na mga magagandadang
asal na hinahanap nating maibalik mapalakas habang nag-uumpisa sa ating
paglalakbay patungo sa mas progresibong Pilipinas. Lubak ang daan. Ngunit halina kayo at samahan akong
muli. Sama-sama, balikat sa balikat,
tahakin natin ang unang baku-bakong hakbang sa misyong ito.
|
There are two quotations from revered figures
that shall serve as the foundation upon which this administration shall be
built.
“The
test of government is not whether we add more to the abundance of those who
have much; it is whether we provide for those who have little.”
– Franklin Delano Roosevelt
|
Mayroong dalawang kasabihan hango sa mga kapitag-pitagang
personalidad na magsisilbing pundasyon sa pagtatatag ng administarsyong ito.
“Ang pagsubok ng gobyerno ay hindi kung may maidagdag tayo sa
kasaganaan ng mga taong mayroon na; ito’y kung tayo’y makapagbibigay para
doon sa mga wala pa.”
– Franklin Delano Roosevelt
|
And from Abraham Lincoln I draw this
expression:
“You cannot strengthen the weak by weakening
the strong; you cannot help the
poor by discouraging the rich; you cannot
help the wage earner by pulling down the wage payer; you cannot further the
brotherhood by inciting class hatred among men.”
|
At mula kay Abraham Lincoln kinuha ko ang ekpresyong ito:
“Hindi mo mapapalakas ang mga mahihina sa pamamagitan ng
pagpapahina ng mga malalakas; hindo mo matutulungan ang mga mahihirap sa
pamamagitan ng pagpapahina ng mayayaman; hindi mo matutulungan ang mga
manggagawa sa paghila pababa ng mga namumuhunan; hindi mo mapapaigting ang
kapatiran sa pamamagitan ng paggatong ng galit sa lipunan.
|
My economic and financial, political policies
are contained in those quotations, though couched in general terms. Read
between the lines. I need not go into specifics now. They shall be supplied
to you in due time.
|
Ang aking polisiya pangpinansiyal at pampulitikal ay nakapaloob sa
mga kasabihang ito, bagamat nakapalaoob sa malawakang termino. Basahin ninyo ang napapaloob dito ng
maiigi. Ito’y magaganap sa
takdang-panahon.
|
However, there are certain policies and
specifics of which cannot wait for tomorrow to be announced.
|
Ganumpaan, may ilang mga polisiya at aspeto
na hindi na makapaghihintay ng bukas para ianunsiyo.
|
Therefore, I direct all department
secretaries and the heads of agencies to reduce requirements and the
processing time of all applications, from
the submission to the release. I order all department secretaries and heads
of agencies to remove redundant requirements and compliance with one
department or agency, shall be accepted as sufficient for all.
|
King kaya, inaatasan ko ang lahat ng department secretaries at mga
pinuno ng mga ahensiya na bawasan ang mga requirements at oras sa pagpoproseso
ng lahat ng mga applications, magmula sa pagsumite at pag-release. Inatasan ko ang lahat ng department
secretaries at mga pinuno ng mga ahensiya na tanggalin ang hindi mga kailangang
requirements at pagsunod sa iisang departamento o ahensiya, na tatanggaping
sapat na para sa lahat.
|
I order all department secretaries and heads
of agencies to refrain from changing and bending the rules government
contracts, transactions and projects already approved and awaiting
implementation. Changing the
rules when the game is on-going is wrong.
|
Inatasan ko ang lahat ng department secretaries at pinuno ng mga
ahensiya na iwasang baguhin at baliin ang regulasyon ng kontrata panggobyerno,
ang mga transaksiyon at proyektong naaprubahan na at naghihintay ng
implementasyon. Mali ang baguhin ang
regulasyon habang ang laro ay nag-uumpisa na.
|
I abhor secrecy and instead advocate
transparency in all
government contracts, projects and business transactions from submission of
proposals to negotiation to perfection and finally, to consummation.
|
Kinasuklaman ko ang sekreto at sa halip ay ipatupad ang transparency
sa lahat ng kontratang pangobyerno, proyekto at transaksiyon pangnegosyo
magmula sa pagsumite ng proposals hanggang sa negosasyon hanggang perpeksiyon
at higit sa lahat, hanggang sa ito’y matapos.
|
Do them and we will work together. Do not do them, we will part sooner
than later.
|
Gawin ninyo ang mga ito at gagawa tayo ng sabay-sabay. Huwag ninyong gawin ang mga ito, magkakahiwalay
tayo ora mismo kaysa pagkalipas.
|
On the international front and community of
nations, let me reiterate that the Republic of the Philippines will honor
treaties and international obligations.
|
Sa usaping pag-internasyonal at komunidad ng
mga bansa, inuulit ko na igagalang ng Republika ng Pilipinas ang mga
kasunduan at obligasyon pang-internasyonal.
|
On the domestic front, my administration is
committed to implement all signed peace agreements in step with
constitutional and legal reforms.
|
Sa hanay ng usaping pang-nasyonal, ang aking administrasyon ay obligado
sa implementasyon ng lahat ng pinirmahang pangkapayapaang kasunduan na
nakabatay sa konstitusyon at repormang legal.
|
I am elated by the expression of unity among
our Moro brothers and leaders, and the response of everyone else to my call
for peace.
|
Ako’y natutuwa sa pagkakaisang ipinahayag ng ating mga kapatid at
lider na Moro, at ang tugon ng bawat isa para sa tawag ng pangkapayapaan.
|
I look forward to the participation of all
other stakeholders, particularly our indigenous peoples, to ensure
inclusivity in the peace process.
|
Ako’y umaasa sa partisipasyon ng lahat ng iba pang mga
kinauukulan, lalung-lalo na ang mga katutubo, para siguruhin ang
komprehesibong prosesong pangkapayapaan.
|
Let me remind in the end of this talk, that I
was elected to the presidency to serve the entire country. I was not elected
to serve the interests of any one person or any group or any one class. I
serve every one and not only one.
|
Hayaan ninyong ipaalala ko sa katapusan ng talumpating ito, na
ako’y hinalal sa pagkapangulo para pagsilbihan ang bansa. Ako’y hindi hinalal para pagsilbihan ang
interes ng iisang indibidwal o grupo o anumang iisang uri.
|
That is why I have adapted as an article of
faith, the following lines written by someone whose name I could no longer
recall. He said:
“I have no friends to serve, I
have no enemies to harm.”
|
Kung kaya ay ninamnam ko bilang doktrina, ang mga sumusunod na
linya na isinulat ng isang tao hindi ko na matandaan ang pangalan. Sinabi
niya: “Wala akong mga pagsisilbihang
kaibigan, wala akong sasaktan na mga
kaaway.”
|
Prescinding therefrom, I now ask everyone, and I mean
everyone, to join me as we embark on this crusade for a better and brighter tomorrow.
|
Halaw sa mga naturan, tinatawagan ko ang ang bawat isa, at ibig kong
sabihin “ang bawat isa,” na samahan ako habang tayo’y pumapalot sa kampanyang
ito tungo sa mas progresibo at maliwanag na bukas.
|
But before I end, let me express to the
nations, on behalf of the people, our condolences to the Republic of Turkey
of what has happened in the place. We offer our deepest condolences.
|
Pero bago ko tapusin ito, hayaan ninyong ipahayag ko sa mga bansa,
sa ngalan ng mga mamamayan, ang ating pakikiramay sa Republika ng Turkey sa
naganap sa lugar. Ipinaabot natin ang
taus-pusong pakikiramay.
|
Why am I here? This is not included there (referring and joking
at the projectionist/in-charge of prompter perhaps that this portion is not
included in the draft). The past tense was, I am here because I love my country and I
love the people of the Philippines. I am here. Why? Because I am ready to
start my work for the nation.
|
Bakit ako nandito? Hindi
kasali ito diyan. (Marahil ay binibiro
ang projectionist/nakatoka sa prompter na ang bahaging ito ay hindi kasali sa
inihandang talumpati). Ang nakaraan ay, ako’y narito dahil mahal ko ang aking bansa at mahal ko ang mamamayang
Pilipinas. Ako’y narito. Bakit?
Dahil ako’y handang umpisahan ang aking trabaho para sa bansa.
|
Thank you and good afternoon.
|
Salamat at magandang hapon.
|
|
No comments:
Post a Comment