Katekismo ng Iglesia Katolika
Kabanata II
MGA PAMAMARAAN PATUNGO SA PAGKILALA
SA PANGINOONG DIYOS
Katesismo ng Iglesia Katolika #31
Nilikha sa imahe ng Diyos at tinawag
upang makilala at ibigin siya, ang taong humahanap sa Panginoong Diyos ay
nakakasumpong ng ilang mga pamamaraan patungo sa pagkilala sa Kanya. Tinatawag
din itong patunay para sa reyalidad ng Panginoong Diyos, hindi sa pamamagitan
ng kamalayan ng pruweba ng mga natural na agham, sa halipa ay sa kamalayan ng
mga"pinagtagpo at kapani-paniwalang argumento," na nagbibigay-daan sa
atin upang matamo ang katiyakan tungkol sa mga katotohanan. Ang mga
"paraang" ito ng paglapit sa Pangnoong Diyos mula sa paglikha ay
mayroong dalawang puntos ng kahahantungan: ang pisikal na mundo, at ang
pagkatao.
Katesismo ng Iglesia Katolika #32
Ang mundo: magmula sa kilusan,
nagiging possible, at ang kaayusan ng mundo at kariktan, maaaring makasumpong
ang sinuman ng kaalaman patungkol sa Panginoong Diyos bilang simula at wakas ng
sanlibutan.
Kagaya ng tinuran ni San Pablo sa mga
Hentil: Anuman ang masumpungan patungkol sa Panginoong Diyos ay lantaran sa
kanila, sapagkat ipinakita ito ng Panginoong Diyos sa kanila. Simula pa sa
paglikha ng mundo ang kanyang hindi maarok na Kanyang katangian, kagaya ng,
hindi masukay na kapangyarihan at pagka-Diyos, ay malinaw na masusumpungan sa
mga linikhang bagay-bagay. ( Roma 1: 19-20; Gawa 14: 15,17; 17: 27-28.;
Karunungan 13: 1-9)
Si San Augustine ay nagbigay ng
hamong ito: Tanungin ang kariktan ng mundo, tanungin ang kariktan ng karagatan,
tanungin ang kariktan ng himpapawid na lumalawak at umiinog sa kanyang sarili
mismo, tanungin ang kariktan ng kalangitan. . . tanungin ang lahat ng mga
reyalidad. Ang lahat ay tutugon: "Kita, tayo ay kaaya-aya." Ang
kanilang kariktan ay pag-angkin. Ang kariktang ito ay maaaring magbago. Sino
ang may likha sa kanila kundi ang Isang Marikit na hindi nagbabago? (St. Augustine, Sermo 241, 2: PL 38,1134)
Katekismo ng Iglesia Katolika #33
Ang pagkatao: sa kanyang pagiging
bukas sa katotohanan at kagandahan, ang kanyang kamalayan sa moral na
kagandahan, ang kanyang kalayaan at ang tinig ng kanyang budhi, kasama ang
kanyang mga kagustuhan para sa mga walang katapusan at kaligayahan, ang taoy
nagtatanong sa kanyang sarili tungkol sa reyalidad ng Paginoong Diyos. Sa lahat
ng ito, napagtatanto niya ang palatandaan ng kanyang kaluluwang espiritwal. Ang
kaluluwa, ang "binhi ng kawalang-hanggan na bitbit ng ating mga sarili, hindi na basta-basta na
mababawasan ng material lamang", (GS 18 § 1; cf. 14 § 2) ay maaaring
magkaroon ng pinagmulan sa Diyos lamang.
Katekismo ng Iglesia Katolika #34
Ang sanlibutan, at ang tao, ay
naninindigan na sila ay nababalot hindi ng unang prinsipyo o ng katapusan,
bagkus ay nakikibahagi sa pagkaDiyos mismo, na walang pinagmulan o
katapusan. Kung kaya, sa iba't ibang
paraan, maaaring masumpungan ng tao na mayroong isang umiiral na katotohanan na
siyang unang sanhi at wakas ng lahat ng mga bagay, ang lahat ng bagay
"isang katotohanan na ang bawat isa ay tumatawag sa Panginoong Diyos". ( St. Thomas
Aquinas, STH ko, 2,3.)
Katekismo ng Iglesia Katolika #35
Man's faculties make him capable of
coming to a knowledge of the existence of a personal God. But for man to be
able to enter into real intimacy with him, God willed both to reveal himself to
man and to give him the grace of being able to welcome this revelation in
faith. The proofs of God's existence, however, can predispose one to faith and
help one to see that faith is not opposed to reason.
Katekismo ng Iglesia Katolika #35
Ang mga abilidad ng tao ang siyang
nagbibigay sa kanya ng kaalaman para masumpungan ang kaalaman ng reyalidad ng
personal na Panginoong Diyos. Ngunit para sa tao upang pumasok sa tunay
pagkikipagtipan sa Kanya, ipinapahintulot ng Panginoong Diyos na ipakita ang
Kanyang sarili sa tao at upang pagkalooban siya ng biyaya sa kakayanan nitong
salunungin an papapahayag na ito ng may pananampalataya. Ang patunay ng
pag-iral ng Panginoong Diyos, samakatwid, ay maaaring maglantad kaninuman aa
pananampalataya at makatulong sa isa upang makita na ang pananampalataya ay
hindi taliwas sa lohika.
Mga Sanggunian:
Mga Sanggunian:
No comments:
Post a Comment