yourimagetitle
yourimagetitle
yourimagetitle
yourimagetitle
yourimagetitle

Adsense

Adsense

Adesense

Sunday, October 22, 2017

Aksidente at Sorpresa (Buhay Patutuo)



Kadalasan, ipinagdiriwang ko ang aking kaarawan ng tahimik lamang. Nagpapaliban muna ako sa opisina o di kaya’y nagpapaalam sa gawain sa komunidad. Nais kong gugulin ang bawat kaarawan ng isang araw ng pananahimik upang mas higit kong maririnig ang tinig ng Panginoong Diyos. Misa ang pinaka importante tuwing araw ng aking kaarawan.

Subalit iba ang taon ngayon. Kailangan kong dumalo sa Renewal ng Litcom sa Bagac, kung saan kailangan kong bumiyahe mula Balanga ng 30 minutos at dumalo sa hapon ng aming Believer's Fellowship.

Dahil alam kong di ako makakarating sa tamang oras galing Maynila, hiniram ko ang sasakyan ng aking kapatid. Maayos akong nakarating sa Bagac at nakapag renew ng aking pangako bilang Lector/Commentator sa Dambana ng Awa.

Pababa na kami ng Balanga upang mananghalian kasama ng mga lectors, nang sa di inaasahang pangyayari ay may bumanggang motor sa aking likuran. Unang pagkakataon na maranasan ko na may taong nakahandusay sa daan na ako mismo ang driver.

Malaking pagpapasalamat ko dahil may kasama akong lector sa aking sasakyan. Salamat Gerald. Sa bahaging ito ay nagkaroon ako ng lakas sa mga oras na yun. Una kong tiningnan ang kalagayan ng mamang naka motor. Hindi siya gumagalaw at sa aking pakiwari ay hindi humihinga. Wala akong nasa isip ng mga oras na yun kundi ang ipagdasal siya na maging ligtas.

Pinagbawalan ako na hawakan yung mama, at hintayin ang rescue at pulis. May nginig at takot pero ang dasal ay nagpapakalma sa akin. Hanggang dumating na ang rescue team, at siniguro ko na nagkamalay ang mama at maayos na nadala sa ospital.

Nagpunta kami sa presinto para sa police report. Nagpaalam muna kami para mabalikan ko ang aking mga kasamahan at makapananghalian.

Eksato alas 3 ng hapon, tumatawag ang mga pulis dahil nandun na ang mga kamag anak ng mamang nakabangga sa amin. Alam kong magiging maayos siya dahil iyon ay oras ng Banal na Awa ng Panginoong Diyos. Di nga po ako nagkamali. Sinabi ng mga kamag-anak na maayos siya at maari nang makalabas ng ospital.

Nagpaalam ako sa mga pulis na babalik na lang ako upang personal kaming makapag-usap at pareho naming maiayos ang aming police report. Mayroon pa akong Believer's Fellowship na dadaluhan.

Pagdating ko sa lugar, nakita ko na may naihandang sorpresa ang aking mga kasamahan. Sa totoo lang po, hindi ako nagpapakita tuwing aking kaarawan dahil hindi ako sanay sa sorpresa. Napalitan po ang aking agam agam ng galak sa mga ngiti na aking nakita. Sa pagsisikap, sa presensya, sa bawat gimik, pagbati at pagyakap - lahat yun nagpapatunay na Buhay ang Diyos. Na higit ang kanyang pagmamahal sa ano pa man.

Napagtanto ko ang paghahari ng Panginoong Diyos sa taong ito ng aking kaarawan. Hindi ko hawak ang aking buhay, pero kung kanino ko ito inihahabilin, yun ang mangunguna sa aking Buhay.

Sa tuwing hahawak ako ng manibela lagi kong dasal na makarating kami ng maluwalhati at wala akong masaktan na buhay sa daan.

Subalit sa mga panahong di maaiwasan, ninanais ipakita ng Panginoong Diyos ang kanyang kabutihan.
Noong ako ay nasa lugar ng aksidente, pakiramdam ko, napapikit ba ang Dios? Nagdasal naman ako, di ba Niya nadinig?

Ngunit nang nakita ko ang sorpresang inihanda para sa akin, alam kong kailanman hindi inalis ng Panginoong Diyos ang kanyang paningin sa akin. Sa dilim, mas makikita ang liwanag ng Panginoonh Diyos. At lagi sa tuwina, tutuo ang kanyang pangako. Walang sayang sa mga ginagawa mo para sa kanya.

Sa mga taong nagsikap, nagbigay ng oras at nag-ambag, ngumiti at yumakap - lahat yun nakapag patunay ng presensya ng Panginoong Diyos.

Maraming Maraming Salamat po! Ang pagpapala ng Mabathalang Awa ay maghari nawa sa inyo at sa inyong pamilya.

Tuloy po ang misyon. Marami pa po tayong ngingitian at yayakapin, upang tulad ko, maramdaman nila ang ngiti at yakap ng Panginoong Diyos.


No comments:

Post a Comment

Adsense

Adsense

Adesense



yourimagetitle
Visit us @ FRIENDS OF THE DIVINE MERCY
Visit us @ FRIENDS OF THE DIVINE MERCY

Adsense

Adsense