Ano’ng dahilan ng inyong mga labanan
at mga alitan? Hindi ba ang inyong masimbuyong mga damdamin na nagdidigmaan sa
inyong kalooban? Naghahangad kayo at wala kayong matamo; pumapatay kayo dahil
naiinggit at wala kayong makamit; kaya naglalaban kayo at nagdidigmaan kayo.
Humingi man kayo, hindi rin kayo tatanggap, sapagkat masama ang inyong
paghingi, na para sundin lamang ang inyong layaw. (Jaime 4:-14)
Hinahamon ng Banal na Kasulatan ang mga Kristiyano na pangalagaan ang nilikha ng Panginoong Diyos at lahat ng mga anak ng Diyos. Kung nakita ng Maylikha na ang lahat ng Kanyang gawa ay "napakabuti" (Genesis 1:31) kung ganun ay responsibilidad ng sangkatauhan ang panatalihin ang kabutihan nito kaysa sa sirain ito.
Tinawag ng Panginong Diyos ang lahat ng tao bilang
Kanyang katiwala para pangalagaan ang hardin na Siya ang may likha, ang Lupa. Kasabay
ng mga mga kuwento sa Bibliya, Salmo at mga parabola, at ang kagandahan ng
natural na mundo, lubusang nakikilala ng lahat ang Panginoong Diyos .
Tinatawag ang lahat para pangalagaan ang
kapaligiran bilang paggalang sa buhay
at dignidad. Ang pangangalaga sa kapaligiran ay nangangailangan ng isang
espesyal na responsibilidad sa mga mahihirap at mahihina, na siyang pinaka-apektado
at bihirang mapakinggan.
Bilang mga katiwala sa pagpapanibago ng Mundo, dapat alamin ng bawat isa at galugarin ang kaugnayan sa pagitan ng
pag-aalala para sa mga tao at para sa Lupa, sa pagitan ng natural na ekolohiya
at panlipunang ekolohiya, para sa ikabubuti ng lahat. Samakatuwid, ang sapot ng
buhay ay iisa.
Ang pagnanais para sa kabutihan ng lahat ay
nangangailangan din ng pag-aalala hindi lamang para sa mga tao sa kasalukuyan
ngunit para din sa hinaharap na henerasyon.
Ang pagbabago sa klima sa buong mundo (na itinuturong
sanhi ng higit pang mga pagbaha (bukod sa matinding tag-init, tagtuyot, at
bagyo) ay sanhi ng pinakamalaking
panganib para sa mga mahihirap sa hanay natin. Dahil sa kahirapan, edad,
kalusugan, at lokasyon, ang mahihirap ang siyang nalalagay sa alanganin sa mga
potensyal na mga negatibong epekto ng pandaigdigang pagbabago ng klima dahil
madalas sila ang walang pang-ekonomiya at pangteknolohikal na mga mapagkukunan upang
maiakma o maprotektahan ang sarili sa inaasahang mga epekto ng pagbabago ng
klima.
Dinisenyo ng Panginoong Diyos ang Mundo upang pagbabahagi-bahaginan
ng lahat ng Kanyang mga anak, ng patas at makatarungan. Ito ay hindi patas at makatarungan na ang
mga mahihirap na may mas mababang buga ng greenhouse gas ang malubhang maghihirap
kaysa sa mga bansang/industriyang may lubusang mapaminsalang ibinubuga.
Kung kaya upang yakapin ang gampanin ng bawat bansa
bilang mga katiwala ng nilikha ng Panginoong Diyos, ang lahat ng tao ay dapat
nagpapatupad ng pagkontrol at sapat na paggamit ng likas na yaman, upang maiwasan
ang pagnanais ng likas na yaman na lalagpas sa pag-alala para sa mga
pangunahing pangangailangan ng komunidad at ng kapaligiran.
Ang pagbabago ng klima ay nagaganap dahil sa
kasakiman. Ang katakawan ay ang hindi
organisadong pag-ibig sa kayamanan, na isa sa mga Pitong mga kasalanang
nakamamatay (tulad ng pagmamataas, kasakiman, katakawan, katamaran, galit, at inggit)
dahil ito ay nagbibigay-daan sa iba pang mga kasalanan.
Si Bhishma (isa sa mga haligi ng sinaunang
Indian epiko na Mahabharata) ay nagsabi: " Pakinggan mo, O Hari, ano ang
pundasyon ng kasalanan? Ang kasakiman lamang ang tagasira ng grasya at kabutihan.
Nagmumula ang kasalanan. Mula sa pundasyong ito nagmula ang kasalanan at ang
hindi relehiyosong daloy, kasama ng malawakang pagdurusa. Sa kasakimang ito ay bumulwak din ang ng lahat
ng mga pagkukunwari at kaipokritohan sa mundo. Sa kasakimang ito nagkasala ang
tao."
Ano ang sanhi
ng malakas na buhos ng ulan?
May tatlong iba't ibang paraan upang maging ulap
ang halumigmig kung kaya’t ay nagkakaroon ng ulan.[1]
Ang ulan (at iba pang mga anyo ng pag-ulan) ay
nangyayari kapag ang mainit na basang hangin at halumigmig ay nagaganap .
Sa kadahilanang ang mainit na hangin ay nagtataglay
ng mas maraming tubig kaysa sa malamig na hangin, sa sandaling lumamig ang
mainit na hangin, ang halumigmig ay nabubuong likido, kung kaya’t umuulan.
Walang isang kadahilanan ang maiuugnay ng ganap sa
malakas na buhos ng ulan.[2] Ang mas mainit na
temperatura at maraming halumigmig sa himpapawid ay tila higit na maiuugnay sa mas siksik na mga insidente ng pag-ulan kaysa sa mahihinang pagakakataon. Bagamat ang
pinakamalakas na insidente ng pag-ulan ay nagaganap kapag ang kapaligiran
ay hindi matatag kaysa sa pangkaraniwan sa mahinang pagkakataon, ang isang hindi
matatag na kapaligiran ay hindi laging nagpapahiwatig ng malakas na pag-ulan.
Ang pangsiyensyang prinsipyo ay nagsasabi na ang
mas mainit na hangin ay nagtataglay ng higit na singaw ng tubig.[3] Sa katunayan, ang dami ng
kahalumigmigan na maaaring taglayin ng himpapawirin ay mabilis na dumadami
habang tumataas ang temperatura. Kung
kaya, sa pangkalahatan,ang himpapawirin ay magiging mas basa habang umiinit ang
Mundo – basta may pinanggalinang halumigmig. Maaaring magdulot ito ng mas
matinding pag-ulan at yelo, na kung saan itoý humahantong sa mas matinding mga
pagbaha.
Ganunpaman, ang mas mainit na hangin ay maaari ring
magdulot ng ulan mula sa kapatagan; sa mga lugar na walang pag-ulan ay mas mabilis itong natutuyo.
Samakatuwid, maaari rin na ang ilang mga rehiyon ay makakaranas pareho ng tagtuyot
at higit pang mga pagbaha sa hinaharap (hindi sabay-sabay). Ang mga tagtuyot ay may mas mabilis na pagsingaw na nagiging sanhi ng pagkatuyo ng lupa.Ganunpaman,
kapag bumuhos ang ulan, itoý sadyang malakas na potensyal na nagiging sanhi ng
mas maraming mga pagbaha.
KAPASIYAHAN:
Bilang pangwakas, sa kadahilanang ang mundo ay umiinit
dulot ng pagbuga ng greenhouse gases na
nagpapainit sa planeta, na nagiging sanhi ng malakas na pag-ulan, marapat
lamang na isaayos ang nagdudulot nito sa pamamagitan ng normal na pagbubuga ng
init-patibong na nagmumula sa nagsusunog ng uling, at langis sa mga planta at mga sasakyan, sa
pagkokontrol ng pagpuputol ng mga puno at pagsusunog ng kagubatan, bilang ilan
sa mga naturan, ay magiging makabuluhan para mapangalagaan ang katatagan ng kalikasan.
No comments:
Post a Comment