yourimagetitle
yourimagetitle
yourimagetitle
yourimagetitle
yourimagetitle

Adsense

Adsense

Adesense

Sunday, December 31, 2017

Islam: Relihiyon ba ng Katahimikan o ng Kaguluhan?



Inulit ang sinabi ni Robert A. Pape (Siyentipiko Pampulitika sa University of Chicago), sinabi ni Mehdi Hasan, isang Ambasador para sa Islam, maliit lamang ang koneksiyon sa pagitan ng suicide terrorism at Islamic fundamentalism).  Bagkus, ang halos pagkakapareho ng mga atake ng terorista  at ng partikular na layuning pangsekular: ang pilitin ang modernong demokrasya na lisanin ng puwersang armada ang teritoryo na tinaguriang tinubuang-bayan ng mga terorista.

Binigyan din ng diin ang kanyang argumento sa pagbanggit ng survey ng Great Gallup's (isang global performance-management consulting company na mananaliksik na nakabase sa Amerika, na itinatag ni George Gallup noong 1935), sinabi niya:

- 93% ng populasyon ng Muslim ay “matino.”
- 7% lamang ng populasyon ng Muslim ay “radikal.”
- Ang pagiging relihiyosong Muslim ay hindi nangangahulugan ng pagiging radikal.
- Ang mga “Radikal” ay mga teroristang pampulitika, hindi mga radikal pangrelihiyon; at nagbibigay ng dahilan pampultika, hindi dahilang pangrelihiyon, para sang-ayunan ang terorismo.
- Ang mga “Radikal” ay mga edukado, may mga magagandang trabaho, at lubos na umaasa para sa hinaharap kaysa sa mga “matitino;” sinusuportahan din nila ang demoksasya, naniniwala sa demokrasya ng higit pa kaysa sa mga “matitino,” ngunit sila’y nawalan na ng pag-asang matamo ito.
- Hindi gusto ng Muslim ang sekularismo o estadong umaayon sa doktrina ng relihiyon, kundi ng demokrasyang nakabase sa magagandang moralidad ng  relihiyon.
- Hindi kinamumuhian ng Muslim ang  Kanluran, hindi lamang nila gustong ipilit ang pamamamaraan ng Kanluranin sa kanila.

PAGMUNI-MUNIHAN:

Mateo 22:36-40 (Bibliya) Guro, ano ang pinakamahalagang turo ng batas? Sumagos si Hesus: "Mahalin mo ang Panhginoon mong Diyos namng buong puso, nang buo mong kaluluwa at nang buo mong pag-iisip.  Ito ang una at pinakamahalagang utos.  Ngunit may ikalawa pa tulad nito; Mahalin mo ang iyong kapwa gaya ng iyong sarili. Sa dalawang utos na ito nabubuod ang buong Batas at Mga Propeta

Surah 2:120 (Koran) Kailanman, ang mga Hudyo at mga Kristiyano ay hindi masisiyahan sa iyo (O Muhammad) malibang iyong sundin ang paraan ng kanilang pananampalataya. Ipagbadya: “Katotohanan, ang Patnubay ng Allah (ang Islam), ito lamang ang (tanging) patnubay.” At kung ikaw (O Muhammad) ay susunod sa kanilang nais, pagkaraan na iyong matanggap ang Karunungan (ang Qur’an), kung magkagayon, ikaw ay hindi makakatagpo ng anumang Wali (Tagapangalaga o Kawaksi) laban sa Allah.

Surah 2:62 (Koran) Katotohanan! Ang mga sumasampalataya (sa Qur’an at ang mga sumusunod sa Kasulatan (sa Torah, [mga Batas]), ang mga Hudyo, ang mga Kristiyano at  mga Sabiyano, at sinumang nananampalataya sa Allah at sa Huling Araw at nagsisigawa ng kabutihan ay tatanggap ng kanilang biyaya mula sa kanilang Panginoon at sa kanila ay walang pangangamba, gayundin naman, sila ay walang kalumbayan. 

Pareho bang nasasangkot sa  bayolenteng pamamaraan ang ilang grupo ng Muslim at Kristiyanismo?  Sa anong mga paraan, kasalukuyang gawain, nasasangkot ang parehong panig na hindi umaayon sa katuruan ng Bibliya o Koran?

No comments:

Post a Comment

Adsense

Adsense

Adesense



yourimagetitle
Visit us @ FRIENDS OF THE DIVINE MERCY
Visit us @ FRIENDS OF THE DIVINE MERCY

Adsense

Adsense