yourimagetitle
yourimagetitle
yourimagetitle
yourimagetitle
yourimagetitle

Adsense

Adsense

Adesense

Wednesday, April 11, 2018

Humingi ng pangalawang opinyon sa isang Espesyalista kung na-diagnos ng operasyon


Nang nakaraang taon, ang aming Nanay (Julia E.Ecleo) ay ooperahan dapat.  Upang maharang ang naka-schedule niyang operasyon sa dahilang sinamantala niya ang libreng serbisyong ito kaloob ng Healthcard ng bunsong kapatid na babae, kinausap ko ang aking hipag na kumbinsihing humingi muna ng pangalawang opinyon sa pag-asang makinig ito sa kanya, at para sa kabaliktarang preskripsiyon sapag-asang madadala pa ito sa gamutan. 

Malaking pasasalamat ko na nakinig siya sa aking hipag.  Ang pangalawang opinyon ay gamutan kaysa operasyon.

Humigit kumulang isang taon din, ang aming (Ely T. Ecleo) ay na-diagnos na mayroong stage 4 prostate cancer at pinayuhan ding magpa-opera.  Dala ng kanyang edad na 78, napagkasunduan ng magkakapatid na ipaliban ang operasyon at sinubukan ang isang gamot mula sa isang produkto ng networking. Interesanteng bigyan-diin na sa Estados Unidos, inirekomenda ng Preventative Services Task Force ang Prostate-Specific Antigen( PSA) (ang kaukulang eksaminasyon test na sumusukat sa  lebel ng PSA sa dugo ng tao; kalimitang mataas ang lebel ng dugo sa mga lalaking may prostate cancer) na di na kailangan gawin pa itong naturang eksaminasyon, samantalang ang Cochrane (isang di-negosyong, di-gobyernong organisasyon sa London, United Kingdom na binuo upang mag-organisa ng mga findings hango sa pagsasaliksik pangmedikal) ayon sa pag-aaral nito na sa pangkalahatan ay walang benepisyong makukuha sa PSA screening na ito.

Awa ng Panginoong Diyos, sila’y parehong nanatiling malusog ng hindi dumaan sa isang operasyon.

Sa isang banda, ang aking pinsang lalaki (Joseph Villamin) na isang Seafarer na kasalukuyang nag-aayos ng kanyang medical requirements upang makasay ulit sa barko ay pinayuhan ding ipaopera ang kanyang gallstones.  Dahil kung hindi, siya’y hindi papayagang makabalik ulit sa kanyang trabaho.  Sa kasalukuyan ay sinubukan niya muna ang isang produkto ng networking sa pag-asang matunaw nito ang gallstone kaysa dumaan pa ng operasyon, na bukod sa malaki ang kinakailangang gastusin ay may pangambang epekto ito sa kalusugan.

Hindi ako isang Doktor ngunit ako’y nagmamalasakit sa preserbasyon ng normal na kondisyon pampisikal kaysa tingnan ang isang tao na naghihirap sa sari-saring karamdaman dulot ng epekto ng operasyon.  Sa kadahalinang laganap ang mga impormasyong medikal ang makakalap sa apat na sulok ng mundong ito sa pamamagitan ng teknolohiya, kahit papano’y makakasumpong tayo ng mga sari-saring pagbubunyag na nagdadala sa atin para maging maingat.

Kalimitan, ang eksaminasyong medikal ay isinasagawa bilang requirement para malaman kung ang isang empleyado ay pupuwedeng magtrabaho, o di kaya ay para sa mga indibidwal na isinasagawa ito taun-taon upang hayaang ang kani-kanilang mga Doktor na makapagrekomenda sa pagpigil ng posibleng sakit, at matukoy ang nakini-kinitang isyung pangkalusugan na  maaaring lumala – para mapangalagaan ang kalusugan sa maikling salita.

Masarap sa pandinig ang eksaminasyong medikal lalo na kung ito’y libre na kaloob ng kumpanyang pinapasukan – natutukoy ang sakit sa maagang panahon, habang ito’y maaari pang gamutin – ngunit ang reyalidad ito’y kumplikado at may epekto.

Ayon sa isang pagsasaliksik, alam ng mga Doktor at mga mananaliksik ang mga kahinaaang ito sa loob ng mga dekada, ngunit ang kamalayang ito ay hindi nakakarating sa mga pasyente.

Malaking isyu sa halos lahat ng programang ekasminasyong pangmedikal

Ang overdiagnosis ay siyang itinuturong problema dito – ang makasagap ng “mga sakit” na di naman makakapekto ng anumang problema.

Halimbawa, ang isang kaso ng kanser sa dede, makakakita ang mammogram ng mga sugat na hindi eksakto ang implikasyon – mga kanser na hindi agresibong kumikilos. Dahil wala tayong sapat na kamalayan para matukoy kung alin sa mga kanser na ito ang kakalat at magdudulot ng kamatayan, ang mga kababaehan ay bibinbigyan ng lunas, kagaya ng mastectomy at radiation therapy. Nagdudulot ng panganib ang mga lunas na ito.

Ang radiotherapy halimbawa ay dahan-dahang nagdudulot ng sakit sa puso pagkalipas at ang operasyon ay kalimitang nagdudulot ng mga panganib at potensiyal na impeksiyon sanhi ng anestesya. Ang mga panganib na ito ay dapat lamang na tugunan kung ito’y panganib sa buhay ng isang tao, ngunit malabo sa kung ano ang dapat na gagawin ayon sa natukoy na sugat sa eksaminasyon na maaaring magdulot ng panganib, ayon sa artikulo.

Sa ibang pagkakataon, sa kaso ng dalawang lalaki na may prostate cancer na ng-umpisa noong 2011. Sa una, nasagap ito sa pamamagitan ng eksaminasyong Prostate-Specific Antigen (PSA), samantalang ang isa ay natukoy ng taong 2013, dahil sa namuong sintomas. Parehong namatay ang dalawa noong 2015. Bagamat lumabas na parang nabuhay pa ng matagal  ang una na natukoy sa pamamagitan ng diagnosis kumpara sa huli na natukoy sa sintomas nito. Pero ang katotohanan ang eksaminasyon ay hindi naging daan upang humaba pa ang buhay. Sa ganitong patibong lagi nasasadlak ang analisa  ng eksaminasyon, ang magmukhang mas maganda ito kaysa sa katotohanan.

Karaniwang klase ng pandaraya ng mga di mapagkakatiwalaang tagapagkaloob 

Ayon sa  National Health Care Anti-Fraud Association (NHCAA)na base sa Washington, DC, ang mga karaniwang uri ng pandaraya na ginagawa ng mga di-mapagkakatiwalaang providers ng Health Card na binabalikat ng insurer o di kaya ng empleyado nito ay ang mga sumusunod: 
  • Pagsingil ng mga serbisyo na hindi isinagawa sa pamagagitan ng pagnanakaw ng pagkakakilanlan ng ibang pasyente.
  • Pagsingil ng mas mahal na serbisyo o procedures nang higit sa tutuong isinakatuparang serbisyo.
  • Maling pagsingil para sa mas mataas na presyong gamutan kaysa sa tutuong iginawad.
  • Pagsasailalim sa hindi kinailangang serbisyong medikal para lamang sa adhikaing makalikom ng bayaring insurance – na kalimitang makikita sa nerve-conduction at iba pang programang diagnostic-testing.
  • Pagmanipula ng di-saklaw na gamutan bilang kinakailangang gamutang saklaw para sa adhikaing makapagkamal ng bayaring pang-insurance – na kalimitang makikita sa mga programang cosmetic-surgery, na di-saklaw kung saan ang cosmetic procedures kagaya ng "nose jobs" ay sinisingil sa mga insurers ng mga pasyente bilang deviated-septum (na kalimitang binubuo ng madalas na pagdurugo ng ilong at pananakit ng mukha) repairs.
  • Pagpapalsipika ng diagnosis ng pasyente para gamiting patunay na kailangan nito ng eksaminasyon, mga operasyon at iba pang mga  proseso na hindi naman kinakailangan pangmedikal.
  • Paghiwa-hiwalay – paniningil ng bawat baytang ng proseso na para bang magkahiwalay na proseso. 
  • Pagsisingil sa pasyente ng higit pa sa halagang pang beneficiary para sa serbisyong binabayaran pagkatapos o nabayaran ng buo ng benefit plan sa ilalim ng mga kasunduan ng managed care contract.
  • Pagtatanggap ng suhol sa mga ipinapasang pasyente ng kapwa pasyente.
  • Di pagkilala sa benificiary o mga bawasin o pang-medikal o dental care at paniningil ng sobra sa insurance carrier o benefit plan (kadalasang inayos na ito ng insurers sa policy patungkol sa libreng bayarin ng benificiary sa pamamagitan ng provider contracting process; samantala, sa ilalim ng Medicare, ay ipinagbabawal ang malimit na di pagkilalala sa benificiary at kinakilala lamang sa “oras ng kagipitan”).
KONKLUSYON:
Maaaring pinakamagandang Healthcard ang hawak ninuman bilang premium-payers, o kaloob ng kumpanyang pinapasukan, insurer, na sumasaklaw ng libreng malaking gastusin pang-medikal, na isang temptasyong magamit lalo na sa oras na higit  kailangan ito kapag na-diagnos ng operasyon, na hindi kaya ng sariling impok lamang.  Ang huli ay nakakatulong din kung wala na talagang ibang pagpipilian pero bago magdesisyon sa naunang diagnose, humingi muna ng pangalawang opinion ng isang espeyaslista.

Maaaring ikinatuwa ang libreng serbisyo, ngunit ang katuwaang ito ay pansamantala lamang, na maaaring manganak ng iniinda hindi lamang ng sakit pampisikal kundi maging emosyonal kung hindi na normal ang buhay dahil sa hating panahon para sa mga dapat at hindi dapat dulot ng operasyon, at pang-araw na gawain pampamilya at pangpersonal.

Mabuti ang libreng Healthcards ngunit maging mapagmatyag sa nagkaloob at nito dahil kagaya ninuman sila man ay sumasailalim din sa isang temptasyon.  Maaaring ang iba sa kanila ay may puso at sinseridad na may malasakit sa  kalusugan ng kanilang pasyente ngunit hindi lahat sa kanila (sa kadahilanang kahit sa mauunlad na bansa ay seryosong krimeng ito) bilang pamamaraan para matugunan ang malaking gastusin kagaya ng pampasahod sa empleyado, kuryente at tubig, utang, ay maaaring magsakatuparan ng overdiagnosis bukod sa mga maling-positibo ng mga mandarayang health care provider, o ang iba sa kanila’y nagpi-priserba hindi ng kalusugan kundi ng milyones na kita.

Malinaw na itinuturo ng Katekismo ng Simbahang Katolika sa pagsasabi nito hinggil sa siyentipikong pag-aaral at aplikasyon ng pananaliksik na nagsasabing, “Ang pangunahing siyentipikong pagsasaliksik, ay isang makabuluhan ng pagpapahayag ng kapangyarihan ng tao sa mga nilikha.  Ang siyensiya at teknolohiya ay mga hiyas na pinagkukunan kapag inilagay para sa pagserbisyo sa mga tao at pagtaguyod ang mahalagang bahago nito para sa kapanibangan ng lahat … (Katekismo ng Simbahang Katolika # 2293)



      
      

References: 

[1] Prostate-Specific Anitigen (PSA) Test, National Cancer Institute, USA, https://www.cancer.gov/types/prostate/psa-fact-sheet

[2] Margaret McCartney, Patients deserve the truth: health screening can do more harm than good, Fri 3 Jan 2014 12.19 GMTFirst published on Fri 3 Jan 2014 12.19 GMTg,,nb, https://www.theguardian.com/science/blog/2014/jan/03/patients-truth-health-screening-harm-good

[3] Sarah C. Ph.d, Candace correa, MD, ET. al., Risk of ischemic heart disease in women after radiotheraphy for breast cancer, http://www.nejm.org/doi/full/10.1056/NEJMoa1209825,

[4] The challenge of Healthcare fraud, National Health Care Anti-Fraud Association, Washington DC, https://www.nhcaa.org/resources/health-care-anti-fraud-resources/the-challenge-of-health-care-fraud.aspx


[5] Respect for the person and scientific research,  Catechism of the Catholic Church CCC2293 http://www.scborromeo.org/ccc/p3s2c2a5.htm#2293

No comments:

Post a Comment

Adsense

Adsense

Adesense



yourimagetitle
Visit us @ FRIENDS OF THE DIVINE MERCY
Visit us @ FRIENDS OF THE DIVINE MERCY

Adsense

Adsense