yourimagetitle
yourimagetitle
yourimagetitle
yourimagetitle
yourimagetitle

Adsense

Adsense

Adesense

Saturday, June 27, 2020

Isang Pagpupugay sa Mahal na Inang Birheng Maria


Hindi naman sa ako'y nagbabait-baitan ano po dahil marami din naman akong mga kahinaan at pagkukulang bilang Kristiyano, pero maituturing kong mapalad ako na kahit man lang sa panaginip ay nagpakita sa akin ang Mahal na Inang Birheng Maria sa aking panaginip, makalipas ang ilang mga panaginip ng pagpapakita ng Panginoong Hesus.

Nasa seond year college yata ako noon kung hindi ako nagkakamali.  Sa aking panaginip ay pilit daw akong kinukuha ni Satanas, ngunit  nakipagbuno ako sa kanya dahil ayaw kong sumama sa kanya.

Sa pagpupumilit niyang makuha ako, ay buong determinasyon na itinaas ang aking kanang kamay at isinigaw ang "Langit" at pumaimbulog ako na parang kidlat at dinala ako ng isang napakalakas na puwersa papuntang Kaharian ng Langit.

Habang nasa ibaba ng Hagdanan ng Langit ay tanaw ko sa di kalayuan na pumapanaog amg Mahal na Inang Birheng Maria.

Inakay niya ako hanggang makapasok ng Kaharian ng Langit.

May isang habilin siyang nabanggit: Pumunta daw ako sa isang bulubunduking lugar at mayroon daw doon mga gamot na aking makukuha upang makapanggamot.

Doon nagtapos ang panaginip.

Hindi man ako sigurado sa ibig ipakahulugan ng panaginip na yun, pero parang klaro sa akin ang ibig ipakahulugan nito, na sadyang tadhana na lang ang nakaalam sa pamamagitan ng tulong ng Mahal na Inang Birheng Maria.

No comments:

Post a Comment

Adsense

Adsense

Adesense



yourimagetitle
Visit us @ FRIENDS OF THE DIVINE MERCY
Visit us @ FRIENDS OF THE DIVINE MERCY

Adsense

Adsense