Never
from here on: Do not bring anybody if you are transferred to Jolo or Sulu. Go
there and fight the Abu Sayyaf alone. Do not bring your staff because the
people with you, those who are with you are the ones called “pakawalaan”. That’s how it is being called. I am
just being very harsh to you now. That’s why I said I am glad that we had the
lighter moments. I know it. I know how a precinct commander liquidates out of
nothing, without operations, without gasoline. God, you have to stop this.
|
Huwag
kayong magmula rito: Huwag magdala ng kahit sino kung kayo ay inilipat sa
Jolo o Sulu. Pumunta doon at labanan
ang Abu Sayyaf ng nag-iisa. Huwag
ninyong dadalhin ang staff ninyo dahil ‘yung dala-dala ninyo, ‘yung mga
kasama ninyo ay mga tinatawag na “pakawalaan.” Iyan ang tawag diyan. Sadyang ako’y nagiging istrikto sa inyo
ngayon. Kung kaya ay sinabi kong
nagagalak ako na nagkaroon tayo ng magagaan na mga pagkakataon. Alam ko kung paanong magpabayad ng precinct
commander magmula sa wala, walang operasyon , walang gasolina. Panginoon ko, kailangan ninyong tigilan
ito.
|
Upon
orders of the former Commander-in-Chief of this Republic, President Ramos, he
said: Stop it! Do your work. Blame him not me.
|
Pagkatanggap ng utos na ito
mula sa Commander-in-Chief ng Republika ng Pilipinas, Pangulong Ramos, sinabi
niya: Pigilan mo ito! Gawin mo ang
trabaho mo. Siya ang sisihin ninyo
hindi ako.
|
You
know, one thing that you should realize, I’m just an ordinary person. I have
no credentials to brag about. I am just an ordinary, an average person. But I
took care to learn what it learned about life. So let’s be frank here. I know
and that is why I told General Visaya: “Go ahead, form your Board of Generals
and you take care of your organization.” I only choose the chief of staff and
then let the Board of Generals decide the careers of the men in uniform. They
do not go to me and I will not entertain you for promotion or transfer just
like Bato and the rest of your guys there, Morento, Coy and the rest. I never
interfere in their choices of commanders. I simply say: ‘You do your own
thing. You assemble your own team to help you succeed. I will not interfere
with the assignments but you have to answer to me for anything that happens.’
That’s how it is here.
|
Alam
ninyo, may isang bagay na dapat ninyong malaman, ordinaryong tao lamang
ako. Wala akong credentials na
maipagyayabang. Isa lang akong
ordinaryo, nasa katamtaman lamang.
Ngunit pinangalagaan kong matuto sa anumang dapat matutunan tungkol sa
buhay na ito. Kaya magprangkahan na
lang tayo dito ngayon. Alam ko at kung kaya ay inatasan ko si General Visaya:
“Humayo ka, buohin mo ang iyong Board of Generals at pangalagaan mo ang iyong
organisasyon.” Pinili ko ang chief of
staff at hinayaan ang Board of Generals na magpasya para sa propesyon ng mga
nnakaunipormeng mga tauhan. Hindi sila
pumunta sa akin at hindi ko sila iintindihin para sa promosyon o paglipat
kagaya ni Bato at iba pang mga tauhan na nandyan, Morento, Coy at ang iba
pa. Hindi ako nanghimasok sa pagpili nila ng mga commanders. Sinasabi ko lang: ‘Gawin ninyo ang trabaho
ninyo. Buohin ninyo ang sarili ninyong
grupo para sa inyong tagumpay. Hindi
ako manghihimasok sa mga assignments pero may pananagutan kayo sa anumang
kaganapan.’ Ganun tayo dito.
|
I
am ready for the Army but for the Police I am very sorry, I do not want to
return to that Board of Generals until there is a reformation in the
organization.
|
Nakahanda ako para sa army pero sa
police, ako’y humihingi ng paumanhin.
Ayoko nang bumalik sa Board of Generals na yan hanggat walang
transpormasyon sa organisasyon.
|
But
be sure that when everything after six years, we are back to what you are
supposed to be: A law enforcement, law abiding, God-fearing and only doing
what is good for the country, then you can have everything back including the
Board of Generals. In the meantime, no such thing.
|
Pero
siguruhin ninyo na ang lahat pagkalipas ng anim na taon, tayo’y nakabalik
kung saan tayo dapat: Isang law
enforcement, sumusonod sa batas, may takot sa Diyos, at gumagawa lang ng
ikabubuti ng bansa, at saka ninyo maibabalik ang lahat kasama ang Board of
Generals. Pansamantala, walang ganun.
|
And
I told Bato that: “We should remain our integrity towards the Filipino nation”.
And may I, as parting words, I will protect you in all of your undertakings,
adventures, as a law enforcement guy, I will be there to protect you. I will
provide you the funds. I will provide the weapons needed to fight
criminality, particularly drugs.
|
At
sinabi ko kay Bato na: “Huwag tayong mapahiya sa Pilipino.” At hayaan ninyo
bilang pangwakas na salita, poproteksyunan ko kayo sa lahat ng inyong mga
gagawin, paglalayag, bilang law enforcement, ako’y narito para proteskyunan
kayo. Ibibigay ko ang pondo
ninyo. Ibibigay ko ang mga sandatang
kakailanganin sa pagsugpo ng kriminalidad, lalung-lalo na ang droga.
|
I
might not be able to stop it on time on the sixth month. But certainly after
six months and one day, everything is accomplished. In the first place, I’m
paying you conscientiously. In the election, it was not a campaign slogan
that I want your salaries - and also the Armed Forces of the Philippines — if
I win, I said by the grace of God, indeed, grace was there, that I will
double your salary, double your salaries.
|
Maaaring
hindi ko ito matigil ng eksakto sa pang-anim na buwan. Pero sigurado sa loob ng anim na buwan at
isang araw, matapos na sana lahat.
Total, tama ‘yung bayad ko sa inyo. Sa eleksiyon, hindi ito katagang
pangkampanya na gusto ko ang sahod ninyo – at maging ang Armed Forces of the Philippines – na kapag ako’y nanalo, sinabi ko na sa
grasya ng Diyos, sa wakas, ang grasya ay nandito na, na dodoblehin ko ‘yung
suweldo niyo, doblehin ang sahod ninyo.
|
Let
me tell you now, I will not run this country with a corrupt police. We will
be fighting on this and I do not want to demean you or to take anything from
you. But luckily for me, there was this executive order before of President
(Gloria Macapagal) Arroyo, raising to the level of the threat of a national
security the drug problem. So, the Armed Forces must pitch in. You have to help, you have to get rid, because where can you find
here, nowhere in this world, except in South America — and I am giving you
the books by (?), the saddest history of despair South America. And I would
say that, make a projection that if I do not interdict now, the drug problem,
seven years from now or two politics from now, or even one, it would become a
narcopolitics like in South America and Mexico.
|
Hayaan
ninyong sabihin ko ito ngayon, hindi ko pamumunuan ang bansang ito na may
kurakot na pulis. Mag-aaway tayo diyan at hindi ko gustong maliitin kayo o
kumuha ng anumang galing sa inyo. Pero
masuwerte ako, mayroon nitong executive order bago ng kay President (Gloria
Macapagal) Arroyo, ang pumaibabaw sa lebel ng problema sa droga na panganib
sa seguridad pangnasyonal. Kaya, ang
Armed Forces ay dapat makibahagi.
Kailangan ninyong tumulong, kailangan ninyong alisin, dahil saan ka
nakakita dito, wala saan man sa mundo, maliban sa South America – at
ibinibibigay ko sa inyo ang mga libro (?), ang napakalungkot na kuwento ng
desperadong South America. At gusto
kong sabihin na, gumawa kayo ng prediksyon
na kung hindi ko ito pipigilan ngayon, ang problema sa droga, pitong
taon mula ngayon, o kahit isang taon, magiging narcopolitics ito kagaya ng
South America at Mexico.
|
Where
can you find – Where do you find a country, a mayor is inaugurated in the
morning and in the afternoon, he is executed? That will not happen, that will
not happen during my watch. I said I will be harsh. But for all, about this
killing, extrajudicial killing, may I again bring you back to your
fundamentals. About the only time that a police officer or any civilian for
that matter acting in defense for himself or for a stranger, is that you
announce your authority or at least the crime or the wrong that the other guy
has committed and will just announce that you are arrested and if you are a
civilian you can do that. And if you drop your arms and then you start to
overcome the resistance if there is one. And if there is a resistance that
would place your life in jeopardy, then by all means shoot and shoot him
dead. That is my order. But you who – there are a lot of openings, slots here.
There will be a major revamp.
|
Saan ka nakakita – Saan ka nakakita ng bansa,
ang isang mayor ay nag-inagurasyon ng umaga pagkatapos sa hapon ay
binitay? Iyan ay hindi mangyayari,
hindi iyan mangyayari sa pamumuno ko.
Sinabi kong magiging istrikto ako. Pero para sa lahat, patungkol sa
patayang ito, paglilikida, hayaan ninyong ibalik ko kayo sa inyong orihinial
na kalagayan. Sa mga panahon na ang
police officer o sinumang sibilyan na kumikilos para depensahan ang sarili o
para sa estranghero, na inaanusiyo niyo ang inyong awtoridad o kahit papano
ang krimen o pagkakamali na nagawa ng ibang lalaki at ipapaalam na ikaw ay
arestado at kung ikaw ay sibilyan maaari mong gawin yan. At kung bitawan mo ang iyong mga armas at
saka nag-umpisang labanan ang paghulagpos
kung mayroon man. At kung mayroong
pagtanggi na maaaring maglagay ng buhay mo sa alanganin, at sa anumang paraan
paputukan mo siya at patayin. Yan ang
aking utos. Pero kayong mga ano –
maraming mga pangangailangan dito, bakante dito. Mayroong malawakang balasa.
|
You
know this is how it is. I know your styles.. I’m addressing the Filipino
people. You scalawags of the police, you committed crimes: robbery,
kidnapping. Wait for me I’ll check your records. Wait for me.
|
Alam
mo kasi ganito ‘yan. Alam ko yung
pamamaraan ninyo. Tinatawagn ko ang
lahat ng mga Pilipino. Kayong mga di
matitinong pulis, nagkakakaso kayo:
pagnanakaw, kidnapping. Bantay
kayo kasi titingnan ko yung record.
Bantay ka sa akin.
|
I
said do not mess up with me. I am not challenging anybody but do not ever,
you know, take it against me because I’ll press upon you. You commit crimes
then you are charged, you go AWOL. Then you let the years passed, two, three
years…If you feel that you can already bargain with the victim or the victim
has died, or the victim has transferred to another residence, you smell
around and then suddenly you surface with your lawyer and say: ‘Your honor, I
have decided to surrender because there is a warrant of arrest against me.’
And then he is put on bail or detained, a non-bailable offense, kidnapping,
murder. So what do you do? You go to a [unclear] where you are free to go
around even if you are really supposed to be in detention, then roaming
aroung. Then when it is calendared, you go to the court and say, ‘Your honor,
I want the trial now because I feel that I am innocent, I am insisting on a
trial.’
|
Sinasabi ko huwag kayong
magkakamali. Hindi ko sinusubukan ang
sinuman pero huwag na huwag, alam niyo na, gamitin ito laban sa akin kasi
talagang hihiritan ko kayo. Gumawa
kayo ng krimen at kayo’y kinasuhan, nag-AWOL kayo. At hinayaan ninyong lumipas ang mga taon,
dalwa, tatlong taon…Kung ramdam niyo na na maaayos ninyo ng biktima o patay
na ang biktima, o kaya lumipat na ang biktima ng ibang tirahan, nakaamoy ka
sa paligid at bigla kang lumitaw kasama ng abogado mo at magsasabing: ‘Kagalang-galang nakapagdesisyon na akong
sumuko dahil may warrant of arrest laban sa akin.’ At inerekomenda siya ng
piyansa o nakulong, isang walang piyansang kaso, kidnapping, murder. Kaya ano ang gagawin mo? Pupunta ka ng isang [hindi malinaw] kung
saan malaya kang makakagala kahit na dapat ikaw ay nasa piitan. Tapos kung ito’y kinalendaryo, pupunta ka
ng korte at magsasabing: ‘Kagalang-galang, gusto ko ng pagdinig ngayon dahil
nararamdaman kong inosente ako, ipipilit ko ang trial.
|
So
the server goes to serve the summons for the offended party to appear that
day. You know very well that you surrender because everything is already cleared.
|
Kaya
ang tagasilbi ay pupunta para isilbi ang mga summons para sa may sala upang
magpakita sa araw na iyon. Alam
ninyong maigi na sumusuko ka dahil ang lahat ay naayos na.
|
So
the following setting, hearing, you say, ‘Your honor, we would like to have
the trial now. Now that we are here.’ And there is no service because the
server was paid, cannot be located or nowhere to be found.
|
Kaya
ang susunod na tagpo, sasabihin mo, “Kagalang-glang, gusto naming magkaroon
ng pagdinig ngayon. Ngayong nandito na
kami.” At walang serbisyo dahil ang
tagasilbi ay nabayaran, hindi makita o hindi matagpuan.
|
I
was a prosecutor. Do not… After that, your honor, the lawyer would say, “My
client is innocent, is now insisting on a trial of the case otherwise we
invoke the constitutional provision under the Bill of Rights, speedy trial.”
And you would insist on a trial or else you would ask for a dismissal of the
case if there are no witnesses. And then you insist, and the poor prosecutor
would say, ‘Your honor, give us a last chance to…’ But he cannot go out of
the office. There are thousands of cases to be heard in one month. The fiscal
has about 10 criminal cases everyday. He is ready if there are witnesses.
Those wallowing in good times are the defense
lawyers. They have one or two cases for the day. They have studied the case
carefully. They have the money to interview the witnesses and concoct another
“true story.” So on the third hearing, the court will say: “Fiscal, ready?” “Your
honor, I am sorry I have no witnesses.” Opposite counsel, “Your honor, we
insist on a trial of the case.” If the fiscal is not ready the prosecutor
then we ask for the dismissal of the case. Every dismissal of a case which
averse to the reason that there are no witnesses, any witness, that dismissal
is with jeopardy. It cannot longer be re-filed. So I know everything.
|
Ako’y prosecutor. Huwag…Pagkatapos niyan, kagalang-galang,
ang abogado ay magsasabi, “Ang kliyente ko ay inosente, ngayon ay ipipilit
ang pagdinig ng kaso o kung hindi naman ay aapela tayo ng constitutional
provision sa ilalim ng Bill of Right, mabilisang pagdinig.” At ipipilit mo
ang pagdinig o di kaya ay hihingin mo ang dismissal ng kaso kung walang mga
witness. Pagkatapos ay ipipilit mo, at
ang pobreng tagausig ay magsasabing, ‘Kagalang-galang, bigyan ninyo kami ng
huling pagkakataon na…’ Pero hindi siya makakalabas ng opisina. May libu-libong kaso na dinidinig sa isang
buwan. Ang piskalya ay may sampung
kasong kriminal araw-araw. Handa yan
kapag may testigo. Ang mga gumon sa mga maliligayang araw ay mga abogado
ng depensa. May isa o dalwang kaso
sila sa isang araw. Napag-aralan nila
ang kaso ng mabuti. May pera sila para
i-interview ang mga testigo at gagawa ng “tutuong kuwento.” Kaya sa
pangatlong pagdinig, sasabihin ng korte: “Kagalang-galang, humihingi akong
pumanhin wala akong mga testigo.” Sa
kabilang cousel, “Kagalang-galang, ipinipilit namin ang pagdinig ng
kaso.’ Kung ang piskalya ay hindi
handa, ang prosecutor pagkatapos ay hihingin ang dismissal ng kaso. Kada dismissal ng kaso, sinumang testigo,
‘yang dismissal ay may panganib. Hindi na ito kailanman maii-refile. Kaya alam ko ang lahat.
|
I
said I was a trial prosecutor for 10 years. I have been a mayor in social
contact with every human being in my territory. Not quite different from the
rest of what ails this problem: corruption including the law enforcement.
|
Kagaya ng sabi ko ako’y prosecutor
ng sampung taon. Naging mayor ako na
nakipamayan sa bawat tao ng aking teritoryo.
Hindi malayo sa ibang nagbibigay ng sakit sa ulo sa problemang
ito: korapsiyon kasama ng law enforcement.
|
I
am willing to give you a break. But those who were, you know, after the
dismissal you go to Crame, Crame has no other option. Since the case is
dismissed because there is no witness. That is a case, a dismissal on the
merit. So you have to be taken back, my God, with back salary. You have your
grand time, good time, and we pay you back for the years that you are in
vacation. I will not allow or countenance that anymore.
|
Bibigyan ko kayo ng
pagkakataon. Pero ‘yung mga, alam niyo
na, pagkatapos ng dismissal pupunta kayo ng Crame, ang Crame ay walang ibang
alternatibo. Na-dismiss ang kaso dahil
walang testigo. Yan ang kaso, isang
dismissal ayon sa merito. Kaya
dadalhin ka pabalik, Panginoon ko, nang may suweldo. Magbunyi kayo, at babayaran namin kayo sa
tatlong taon ninyong bakasyon. Hindi
ko na hahayaan yan o magsasawalang-kibo
na lamang.
|
I’m
sorry, you are friends. As I have said, you can never find any city mayor in
the history of this country who protected his men, his soldiers – Delfin
Lorenzana was a… He knows how I defended. Well, the onslaught of the legal,
of the Left. I am a socialist. I belong to the Left dimension or the way we
think. That is not my fault, I am a son of a poor man. But you know, more
than that, I have this Constitutional duty to protect every man to give his
due.
|
Pasensya
na ho, magkaibigan ho kayo. Kagaya ng sabi ko, hindi kailanman kayo
makakakita ng isang mayor ng siyudad na pinoprotektahan ang kanyang mga
tauhan, ang kanyang mga sundalo – Delfin Lorenzana ay isang…Alam niya kung
paano ko siya ipinagtanggol. Buweno, ang opensiba ng legal, ng makakaliwa. Ako’y isang sosyalista. Nahahanay ako sa makakaliwang dimensyon o
kung paano tayo mag-isip. ‘Yan ay di
ko pagkakamali, ako’y anak ng mahirap.
Pero alam niyo, mas higit diyan, may obligasyon ako sa Konstitusyon para
pangalagaan ang karapatang pantao.
|
Avoid
corruption now because I will tabulate every record of yours and those who
are scalawags, either you resign because I am forming now the men that I
would assign to Sulu. Where do you want? Compostela [Valley]? You’re okay by
this time because we’re talking to… There will be a lessening of violence
now, I suppose, because we are talking to the Left.
|
Iwasan ninyo ang korapsyon ngayon
dahil ita-tabulate ko ang talaan ninyo at ‘yung mga tiwali, kahit na kayo’y mag-resign
dahil binubuo ko ang mga tauhan ngayon na dadalhin ko sa Sulu. Saan ninyo gusto? Compostela [Valley]? Okay kayo ngayon kasi nag-uusap tayo sa…Magkakaroon
ng pagbabawas ng bayolente sa ngayon, dahil tayo’y nakikipag-usap sa Kaliwa.
|
But,
lastly, the only thing why I’m here is that, you know, I want…I was listening
to the candidates and that maybe prompted President Ramos to go to me. Nobody
was talking about Mindanao. Nobody was talking about how to craft a strategy
of ending the issue of insurrection in Mindanao, how we deal with the Moro
bothers, how to correct the injustice, and how to deal with the Left. And I
had the privilege of just talking to the Moros because maybe on the same a wavelength. I was referring to (unclear). And I had
also the fortunes of being a prosecutor and a mayor.
|
Ngunit,
ang panghuli, ang isang bagay lamang kung bakit ako nandito, alam ninyo,
gusto kong…ako’y nakikinig sa mga kandidato at marahil yan ang dahilan kung
bakit ako pinuntahan ni Pangulong Ramos.
Walang sinuman ang bumabanggit tungkol sa Mindanao. Walang nagsasabi tungkol sa pagbuo ng
estratehiya kung paano tatapusin ang isyung insureksiyon sa Mindanao, kung
paano makikipag-usap sa mga kapatid na Moro, kung paanong itatama ang
kawalang hustisya, at kung paanong makikipag-usap sa Kaliwa. At nagkaroon ako ng pribilehiyo para
kausapin lamang ang mga Moro dahil marahil sa parehong takbo ng kaisipan. Tinutukoy ko ang [hindi maliwanag]. At nagkaroon ako ng tsansa sa pagiging
isang prosecutor at mayor.
|
For
all of us here – I am not pulling my own chair but even during the time I ran
for the first time as mayor, I was the only one prepared to deal with the
trouble of a social problem which we are facing now.
|
Sa lahat sa amin dito – hindi sa
ako’y nagbubuhat ng sariling bangko pero kahit noong panahon na ako’y tumakbo
sa unang pagkakataon bilang Mayor, ako lamang ang tanging handa para tugunan
ang gulo sa problemang pangsosyedad na kinahaharap natin ngayon.
|
So
I expect, I do not want to be a dictator. And for those who are talking about
beyond my term, no second term. God, you just don’t know how I would be happy
we can accelerate the time and we have done the six years already, on the
last day. I am going out whether you like it or not. I have no intention of
remaining in office beyond. I said… It is… I’m the only candidate you know
that. I had no governor, I had no mayor. Outside of the Davao region, I
didn’t even have a single barangay captain. But yet I won because Ramos was
there for me.
|
Kaya
ako’y umaasa, hindi ako magiging isang diktador. At sa mga nagsasabing ako’y lalagpas sa
termino, walang pangalawang termino.
Panginoon ko, hindi lang ninyo alam kung paano ako magiging masaya na
mapapabilis namin ang panahon at kami’y tapos na sa anim na taon, sa huling
araw. Ako’y lalabas sa ayaw man at sa
gusto ninyo. Wala akong intensiyong mamalagi sa tanggapan ng higit pa
doon. Sinasabi ko..Ito’y..Ako lang ang
tanging kandidato alam ninyo ‘yan.
Wala akong gobernor, wala akong mayor.
Sa labas ng rehiyon ng Davao, hindi ako nagkaroon ng kahit isang
barangay captain. Pero ako’y nanalo
dahil nandiyan si Ramos para sa akin.
|
So
that’s it. The ones he said, “You know the ins and outs of the police. You
know where the problem is. I tried during the - I was succeeding. Why don’t
you try and succeed?” So, I promised the people, nobody was campaigning for
me, not even a single mayor, congressman or the entire length and breadth of
this country. But I won by a margin of something like 6 million. What was the
message? Am I good-looking than (Jejomar) Binay, than (Mar) Roxas? Am I
brighter than Grace (Poe)? None of the above. We were equals before the eyes
of the electorate. But I was the only one carrying the message right:
Corruption, drugs, and criminality.
|
Kaya ganun lang ‘yan, yung sinasabi
niya, “Alam ninyo ang labas-masok ng
pulis. Alam ninyo kung nasaan ang problema. Sinubukan ko noon ano – ako’y
nagtagumpay. Bakit hindi ninyo subukan
at magtagumpay?” Kaya, ipinangako ko sa mga tao, walang nangampanya para sa
akin, kahit ni isang mayor, kongresman o buong haba at sukat ng bansang
ito. Pero ako’y nanalo ng may lamang
na anim na milyon. Ano ang mensahe? Mas guwapo ba ako kay (Jejomar) Binay,
kaysa (Mar) Roxas? Mas mtalino ba ako kay Grqce (Poe)? Wala sa anumang
nabanggit. Pantay-pantay lang kami sa
mata ng mga botante. Pero ako lamang
ang tanging may tangan ng tamang mensahe:
korapsiyon, droga, kriminalidad.
|
Economic
progress, I leave it to the economic minds. And so my advice also to the
businessmen, when you invite me, I’ve stated my qualifications. It’s a meager
one. I don’t make - I don’t flaunt it. So when you go and ask me to talk to
you and I’m your guest and I begin to talk about law and order and
corruption, that is my territory.
|
Ang progresong pang-ekonomiya,
ipinapaubaya ko ito sa mga ekonomista. At kaya ang aking payo sa mga
negosyante, kung iimbitahan ninyo ako, sinasabi ko ang aking
kuwalipikasyon. Ito’y kapiraso lamang.
Hindi ako naghahabi – hindi ko ibinabandila ito. Kaya kung kayo’y pupunta at hingan ako na
makipag-usap sa inyo at ako’y magiging panauhin ninyo ako’y mag-uumpisang
magkuwento tungkol sa batas at kaayusan at korapsyion, ‘yan ang aking
teritoryo.
|
And
when I…If there is a failure to expound more about economics, God, my only
economics were during the college days. I went back to Davao and retrieve the
— I got 78. So what do you expect from me? Can I become an economic tycoon?
Of course not. But can I become a good prosecutor? I am. I’ve learned the art
of everything in the courtroom. Can I become a president? Certainly. What
will I do? I’m warning you. I will be harsh. I will go to the extreme.
|
At
kung ako’y…kung may pagkabigo sa pagpapaliwanag ng tungkol sa ekonomiya,
Panginoon ko, ang tanging economics ko ay noong mga araw nang kolehiyo
ko. Bumalik ako ng Davao at ibinalik
ang – nakakuha ako ng 78. Kaya ano ang
aasahan ninyo sa akin? Magiging tanyag ba akong ekonomista? Siyempre hindi. Pero magiging isa ba akong mabuting
prosecutor? Ako yun. Natutunan ko ang
pasikut-sikot sa loob ng korte.
Magiging presidente ba ako?
Siyempre. Ano ang gagawin
ko? Binabalan ko kayo. Magiging
istrikto ako. Aabot ako hanggang sa
pinaka.
|
Those
of you charged with kidnapping cases, I will review your [cases] And I will
like to talk to you in Malacañang, only two of us. Tell me what do you want.
|
‘Yung
nagkakaso kayo ng may mga kidnapping, titingnan ko ang inyong [mga
kaso]. At kakausapin ko kayo sa
Malacañang, dalawa lang tayo. Sabihin
mo sakin kung ano ang gusto mo.
|
Do
not bullshit with me but do your duty, I will
die for you. Do your duty and if in the process you kill 1,000 persons
because you were doing duty and I will protect you. And if they will try to
impeach me, I will hurry up the process and we go out of the service together.
Thank
you and good morning.
|
Huwag
ninyong bilugin ang ulo ko, pero gawin ninyo ang inyong trabaho, at isusugal ko
ang buhay ko para sa inyo. Gawin ninyo
ang inyong trabaho at sa proseso ay kapag nakapatay kayo ng 1,000 katao dahil
sa tungkulin ninyo kayo’y poprotektahan ko. At kung susubukan nilang
patalsikin ako, bibilisan ko ang proseso at lalabas tayo ng sabay sa
serbisyo.
Salamat
at magandang umaga.
|
PAGES
| |
Caution: For your listening pleasure, without disruption from the web’s music, please click the YOU TUBE button to watch the video outside of the web .
No comments:
Post a Comment