Katesismo ng Iglesia Katolika
III. ANG KAALAMAN PATUNGKOL SA PANGINOONG DIYOS AYON SA
SIMBAHAN
Katekismo ng Iglesia Katolika # 36
"Ang ating banal na ina, ang
Simbahan, ay naninindigan at nagtuturo na ang Panginoong Diyos, ang unang
prinsipyo at huling wakas ng lahat ng mga bagay, ay maaaring matutunan ng may
kaseguruhan magmula sa linikhang sanlibutan sa pamamagitan ng natural na
liwanag ng katuwiran ng tao." (Vatican Council I, Dei Filius 2 : DS 3004;
cf. 3026; Vatican Council II, Dei Verbum 6). Kapag wala ang kakayahang ito,
hindi magagawa ng tao ang yakapin ang
paghahayag ng Panginoong Diyos. Tang taoo ay may kakayahan dahil nilikha siyang
"kawangis ng Panginoong Diyos" (Genesis 2:27).
Katekismo ng Iglesia Katolika #37
Sa makasaysayang ng mga kondisyones kung saan nasumpungan
ng tao ang kanyang sarili, gayunpaman, ang tao ay nakakaranas ng maraming mga
balakid patung sa pagkilala sa Panginoong Diyos sa pamamagitan ng liwanag ng
katuwiran lamang:
Bagamat ang katuwiran ng tao, sa isang madiin na
pananaliata, ay tunay na may kakayanan sa pamamagitan ng kanyang sariling likas
na kapangyariahn at liwanag sa pagtamo ng isang tutuo at tumpak na kaalaman ng isang
personal na Panginoong Diyos, na
nagbabantay at kumokontrol ng sanlibutan sa pamamagitan ng kanyang kalooban, at
ng mga natural na batas na iniukit ng Panginoong Diyos sa ating mga puso; gayunpaman
maraming mga balakid na pumipigil ng katuwiran mula sa mabisa at mabungang
paggamit ng likas na kakayahan. Para sa mga katotohanang may kinalaman sa pagitan ng relasyon ng Diyos
at ng tao na buong nalampasan ang nakikitang ayos ng mga bagay-bagay, at, kung itoý
isasalin sa pantaong kilos at maipluwensiyahan ito, silaý humahamon ng personal
na pagsuko at pagtakwil. Ang kaisipan ng
tao, sa kanyang pagkakataon, ay nahaharang ang pagkatamo ng naturang mga
katotohanan, hindi lamang sa pamamagitan ng impluwensiya ng mga nararamdaman at
imahinasyon, ngunit sa pamamagitan din ng magulong kasabikan na dulot ng
orihinal na kasalanan. Kaya itoy
nangyayari na ang tao sa ganitong mga pagkakataon ay madaling napapahinuhod ang
kanilang mga sarili na ang ayaw nilang maging tutuo ay ang kabalintunaan o walang katiyakan man lang (Pius XII, Humani
generis, 561: DS 3875).
Katekismo ng Iglesia Katolika #38
Ito ang dahilan kung bakit ang tao ay tumatayo sa
kasabikang maliwanagan sa pamamagitan ng rebelasyon ng Panginoong Diyos, hindi
lamang tungkol sa mga bagay na lumampas sa kanyang pag-unawa, ngunit "tungkol
din sa mga relihiyoso at moral na katotohanan na abot ng kanilang kaisipan
bilang tao, kung kaya kahit sa kasalukuyang kalagayan ng sangkatauhan, silaý
maaaring makilala ng lahat ng mga tao ng komportable, ng may katiyakan at walang
halong pagkakamali "(Pius XII, Humani generis, 561: DS 3876; cf. Dei
Filius 2: DS 3005; DV 6 ; St. Thomas Aquinas, STH ko, 1,1).
No comments:
Post a Comment