Ang mga sosyedad ay maaring may ibat-ibang punto sa
pagbigkas sa kadahilanang hinubog na magkaiba ng nkanyang kapaligiran, na
siyang bumubuo ng parte ng kasarinlan at pagkatao nito.
Ganunpaman, may mga taong nanlalait doon sa mga
indibidwal na naiiba ang pagbigkas ng kanilang salita o sa paraang ang mga
salita ay dapat bigkasin ng tama kahit na pareho ang kanilang pinag-uusapan.
Kagaya na lang halimbawa nitong sikat na Egyptian
na naging panauhin sa TV show na “Lahonwas” na kumalat pagkatapos pagtawanan
nito ang lengguwahe ng isang Filipina na kakaiba ang punto.
Kung titingnan, ang Filipinong ito’y nakikipag-usap
sa isang customer sa Dubai
na minustra ni MAIS HAMDAN ng ganito:
“How are you Ma’am and Sir?” [Musta po kayo Ma’am
at Sir!]
“Good morning!” [Magandang umaga po!]
“How are you today?” [Kumusta po kayo ngayon!]
“Marry Christmas.”
(instead of MERRY CHRISTMAS) [sa halip na ay MERRY CHRISTMAS]
“Ma’am, today we have a new collaction.” (which
should be pronounced COLLECTION) [Maa’m, meron po kaming koleksiyon ngayon (na
dapat ang bigkas ay COLLECTION]
“You can buy everything at 50%. Ma’am, we that one in black and that one in
yellow.” [Mabibili po ninyo ang lahat ng may 50% diskwento. Maa’m yun pong itim at dilaw.]
“No Ma’am, we don’t have red in that one. If you want that one Ma’am, I will call my
supervisor, and get from the other store.
I will ask that one.” [Wala po kaming pula. Kung gusto niyo po Ma’am yung isang ‘yan,
tatawagin ko po ang aking superbisor, para kumuha sa ibang tindahan. Babanggitin ko po yung isang yan.].
“Ma’am, if you come back tomorrow, that 50% will
finish.” [Ma’am, kung bukas po kayo babalik, tapos na po ang 50%.]
“Ma’am, you’re so pretty.” [Ma’am ang ganda-ganda
niyo po!]
“Oh, my God, she is so pretty.” [Diyos ko po, ang
ganda-ganda niya!
Bagamat nagpakita ng kamal-edukadang galaw ang
ganitong asal galling sa isang/mga edukadong indibidwal(kasama ang host ng
palabas) kung kaya’t nakakasakit, ito’y humihimok ng pagiging bukas na kaisipan
at pagpaparaya, dahil kahit mismo sa bansang Pilipinas, may mga kapwang
Filipino na mapangngutya sa aming mga Bisaya, kapag kami halimbawa, ay
nagkandabalu-baluktot magbikas ng mga patinig o magsalita ng baluktot na
English!
MGA KASABIHAN 15:1-2 Nakapapawi ng poot ang
mahinahong sagot, ngunit lalong nakagagalit ang salitang walang taros.
Nagpapahayag ng kaalaman ang dila ng marunong, sa bibig ng mga hangal ay lumalabas
ang kaululan.
MGA KASABIHAN 18:5-7 Hindi mabuti ang pagkiling sa
masamang tao upang pagkaitan ng katarungan ang walang kasalanan. Ang mga
salita ng hangal ay nagdadala sa kanya sa alitan; ang kanyang mga labi’y
nag-aanyaya ng buntal. Napapahamak sa sariling bibig ang hangal; nabibitag ng
sariling mga labi ang kanyang buhay.
No comments:
Post a Comment