EFESO 6:4 Kayo naman mga ama, huwag inyong inisin
ang inyong mga anak, sa halip turuan ninyo sila sa mga turo at aral ng
Panginoon.
COLOSAS 3:21 Mga ama, huwag ninyong inisin ang
inyong mga anak, at baka manghina ang kanilang loob.
KASABIHAN 22:6 Ituro sa bata ang daang dapat
niyang lakaran, at kung tumanda man di niya lalayuan.
Ang mga taong nakapanood sa video ng paninidak na
naganap sa isang ekslusibong paaralan, na nauwi sa mas bayolenteng katapusan,
ay maaaring nagalit at nagkaroon ng mas lalong bayolenteng reaksiyon, lalo na
ang mga magulang ng batang ginawan nito, na sadya namang natural dahil ayaw
ninuman ng aksyong di makatarungan.
May pagkakataon na kapag nangyari ang ganitong
insidente, ay nakagawian nang parusa ang tugon, samantalang ang iba nama'y
ipinagkikibit-balikat na lamang, at itinuturing na lamang itong parte ng
paglaki. Wala sa mga ito ang nakakatulong, ngunit sa pamamagitan ng balanseng
paraan na nakasentro sa paghuhubog muli ng asal ng mga bata, hindi lamang sa
loob ng kanilang mga tahanan kundi maging sa paaralang kanilang pinapasukan
kung saan mas mahabang oras ang nagugugol nila.
Kung sa ilalim ng Saligang Batas ng Pilipinas,
ang paninindak ay nahaharap sa isang krimen, hayaan silang gawin ang kanilang
tungkulin, sa pagkakataon na lumagpas sa isinasaad ng batas kaysa durugin ito
sa masasakit na salita.
PUNO'T-DULO NG UGALING PANININDAK
Ang nga batang mahilig manindak habang sila'y
lumalaki, at nanatili sa ganitong bayolenteng asal sa loob ng panahong ito, ay
nanganganib na masadlak sa ganitong estado ng asal pagdating ng panahon.
Bagamat ang mga batang nabawasan ang pagiging mapanindak ay hindi mauuwi sa mas
mataas na tsansa ng panganib.
Mayroong sari-saring kadahilanan na maaaring
ituro para maiwasan sa pagkakasadlak ng bata sa mapanindak na asal, kagaya ng:
1). Paraan ng pagpapalaki sa loob ng tahanan -
ang batang dumaan sa hindi nararapat na uri ng inaasang paghubog, poot o
karahasan ay maaring maging dahilan ng panganib para masadlak sa mapanindak na
asal.
2). Pang-aabuso sa bata - ang pagmamalupit sa
bata ay may panganib na baguhin ang pisikal na istruktura ng kaisipan na
magdudulot ng mga kakulangan sa pagkahubog, kagaya ng aspetong sibil at
emosyonal. Ang mga batang nakaranas ng pagmamalupit ay maaari ring manganib na
ariin ang nakakasakit na mga sitwasyon bilang isang hindi kaiga-igaya na
kailangang tugunan ng naaayon. Ang mga batang nasa edad hanggang 5 taon ay
kadalasang mga biktima ng pagmamalupit.
3). Ugaling di-sibilisado na namamasdan sa mga
palabas sa TV - Maliban sa mga cartoon na ipinapalabas sa TV na may bayolenteng
konsepto, ang ganitong negatibong asal ay namamalas din sa mga palabas na
nagpapakita ng pagiging hindi sibilisado, kagaya ng ugaling bastos na konektado
sa pagkakaroon ng ugaling mapanindak sa bandang huli. Kung kaya't dapat maging
mapagmatyag ang mga magulang/nangangalaga sa mga pinapanood ng mga bata, na
nakaangkla lamang ayon sa humuhubog at nagpapahiwatig ng pagmamahal na
tumutulong Upang maipamalas ang ganitong mga kasanayan.
Ang ibang kadahilanan na maaaring magdulot ng
pagkakahubog ng bata sa pagkakaroon ng malawig na ugaling mapanindak ay sa
pamamagutan ng impluwensiya ng kapwa, aspeto ng pakikipagkapwa at estado sa
buhay at pagkiling.
Hindi lahat ng agresibong asal ay nagiging
mapanindak na asal, dahil ang ibang lebel ay naaangkop na kahubugan, dahil
sila'y nagiging palakaibigan.
MGA POSIBLENG TAGAPAMAGITAN SA NASADLAK SA PAGKAKAROON
NG ASAL NA MAPANINDAK:
Ang pagpapanatili ng pagkakaroon ng angkop,
matatag, at positibong pakikitungo sa pagitan ng anak at ng magulang/tagaalaga,
kagaya ng sama-samang pagkain, pagkukwento at pakikipaglaro, ay maaaring
magbawas ng alalahaning maging mapanindak ang bata.
Sa mga batang dumanas ng pagmamalupit, ang isang
ligtas na relasyong walang pagmamalupit ng magulang o ng mas nakakatanda sa
kanya, ay makakabawas ng potensyal ng pagkakaroon ng ugaling mapanindak sa
bandang huli.
Samantalahin ng mga nakatatanda sa mga
silid-aralan at anumang uri ng institusyong nangangalaga ng mga bata ang
pagiging mapagtiwala ng mga bata sa mga nakakatanda para mapalakas ang relasyon
bilang modelo at tagapangalaga, tagaturo at mapalago ang naaayong pakikitungo,
sa pamamagitan ng pagdadamayan at habag.
|
No comments:
Post a Comment