yourimagetitle
yourimagetitle
yourimagetitle
yourimagetitle
yourimagetitle

Adsense

Adsense

Adesense

Thursday, January 3, 2019

Ang pagpipitaganan/pagpaparangal ba sa Imahe ng Panginoong Hesus at ng mga Santo ay karumal-dumal na gawain sa harap ng Panginoong Diyos?





Gustuhin man natin o hindi ay nakaugat na sa puso at isip ng mga di-katoliko ang katuruang ito ng mga sekta kaya mahirap na ring maipluwensiyan, maliban na lang sa mapagkumbabang pagsasaliksik na walang kinikilingan. Pero ang tutuo, hilig lamang nila ang kumuha ng mga Biblical verses na putul-putol, na umaayon lamang doon sa kanilang pinaninindigang mga katuruan, para sila ang magmukhang kapani-paniwala at maproteksiyunan ang pinaninindigan.

Ang problema lamang sa ibang mga Katoliko ay ang katamarang pumasok ng simbahan at walang panahong magbasa ng Bibliya at Katekismo kaya pag naimbita sa isang pagtuturo ng sekta, kapag nakarinig ng mga pananlita na bago sa kanilang pandinig ay mabilis mabulag.

Pagpipitagan o pagpaparangal ang tawag sa ganyan. Iba ang pagpaparangal sa pagsamba. Galit na galit ang mga kultong ito kapag nakakita ng mga Katolikong nagpaparangal sa Imahe ng Panginoong Hesus pero kibit-balikat sa imahe ni Rizal na tinatanuran ng mga guwardiya at sinasaladuhan pa kapag anibersaryo nito. MGa mapaimbabaw!

Sa Biblia, saan ba makikita ang pisikal na bagay na pinagpipitaganan o pinapakitaan ng pagpaparangal, kagaya ng sa imahe?

Josue 7:6-7 Pinunit ni Josue at ng lahat ng mga pinuno ng Israel ang kanilang damit, nilagyan ng abo ang kanilang ulo at NAGPATIRAPA SA HARAP NG KABAN NI YAWE hanggang gumabi. Tumangis si Josue: “O, Yawe! Bakit mo kami pinatawid sa Ilog Jordan upang ibigay lamang sa kamay ng mga Amorreo?

Ang templo ba’y merong estatwa o linilok na mga imahe dito, na kahalintulad at palaging makikita sa sambahan? Siyempre!

2 Kronika 3:2-7 Ito ang mga tuntunin na bigay ni Solomon sa pagpapagawa ng bahay ng Diyos….. Pinalamutihan niya ang bahay ng mahahalagang bato; ang ginto ay gintong Parvaim. Binalutan din ng ginto ang mga sikang, hamba, dinding at pinto ng bahay; at may mga ukit na KERUBIN ang mga dingding.

Ang kerubin ba ay hindi kaanyo ng mga nilikha sa langit?

Noon, ipinagbawal ng Panginoong Diyos ang paglililok dahil sa ginagawa ito ng mga Israelita bilang diyus-diyosan. Pangalawa, hindi pa nagpapakita ang Panginoong Diyos. Pero kung sentido-kumon an mg paiiralin sa kadahilanang bumaba na ang Panginoong Diyos sa lupa at nakipamuhay, natural ay alam na ng mga sinaunang tao kung ano ang itsura ng Panginoong Diyos.

Ang Matagumpay na Simbahan ay niriripresenta ng mga Patriyarka at mga Propeta ng Lumang Tipan kasama ng mga Martir at Apostoles ng Bagong Tipan. Sila ang “maraming saksi na parang isang ulap” na nabanggit sa Hebreo 12:1. Sila ang mga Santo sa Kalangitan na nagtagumpay laban sa tatlong pangunahing mga kaaway – ang diyablo at ang kanyang mga kasinungalingan, ang mundo at ang mga tukso nito, at ang temptasyon ng laman at ang walang kaayusang mga kagustuhan nito. 






No comments:

Post a Comment

Adsense

Adsense

Adesense



yourimagetitle
Visit us @ FRIENDS OF THE DIVINE MERCY
Visit us @ FRIENDS OF THE DIVINE MERCY

Adsense

Adsense