Nakatala sa Ebanghelyo ni San Lucas na ang pagpapahayag ng Anghel Gabriel tungkol sa paglilihi ni Maria ay naganap makalipas ang
anim na buwan na pagdadalan-tao kay Juan Bautista, kung saan kinuha ang araw
ng paglilihi sa huli hango sa naestablisang panahon nang ang kanyang Tatay ay
nagsisilbi sa templo nang siya ay nakatanggap ng sarili niyang aparisyon mula
sa Arkanghel Gabriel.
Mahalagang bigyang diin na ang Araw ng
Pagpapahayag ay ipinagdiriwang ng Simbahan umpisa pa noong mga unang panahon ng
ika-25 ng Marso, kung saan pumapatak ng siyam na buwan makalipas bago mag-disyembre,
papasok sa panahon ng solstisyo ng taglamig, halimbawa'y ika-25 ng Disyembre.
Kung kaya't ito ang pinakatumpak at tiningnang
araw, na hango sa kasaysayan ng Simbahan, sagradong tradisyon, at hango sa
iskolar na pag-analisa ng Bibliya, bilang tunay na kapanganakan ng ating
Panginoong Hesus.
Sa naturang ito, ang tiyempong ito ng mga bituin
sa kalangitan ay umaakma sa Makalangit na Plano para sa salibutan kaysa
kabaliktaran. Ang sansinukob ay nilikha sa pamamagitan ng Panginoong Hesus, ang
Anak ng Diyos (Juan 1:3), at nang ang sanlibutan ay lugmok sa kasalanan, ang
Araw ng Katarungan (Malakias 4:2) at ang Liwanag ng Mundo (Juan 8:12) ay
isinilang - ang pagdating ng Ipinangakong Tagapagligtas para sa katubusan ng
sanlibutan.
PaaNO YUNG INAANGKING
PANINIWALA NG MGA DI-KATOLIKO NA ANG PASKO DIUMANO'Y NAG-UGAT SA MAKAPAGANONG
SELEBRASYON, ITO BA'Y TUTUO?
Ang paganong selebrasyon ng Solstisyo ng Taglamig
(Disyembere 21-22) na ikinankabit ng mga di-katoliko sa ipinagdiriwang na Pasko
ay nag-uumpisa at natatapos bago ang ika-25 ng Disyembre, at ang kulto ng
Romanong diyos ng araw ay pinalaganap makalipas ang isang siglo ng pagkakatatag
ng pinakaunang naitalang Pasko na ipinagdiriwang ng ika-25 ng Disyembre.
Samakatuwid, ito ay itinatag para burahin ang selebrasyon ng pagsilang sa
Panginoong Diyos ng mga Kristiyano na ipinagdiriwang tuwing ika-25 ng
Disyembre, kaysa ang kasalungat nito na isinisigaw ng mga sekta.
Kung kaya't walang mga
pistang pagano na nagaganap saang sulok man ng mundo tuwing ika-25 ng Disyembre
bago pa man naitatag ang selebrasyon ng pista ng Pasko.
|
No comments:
Post a Comment