yourimagetitle
yourimagetitle
yourimagetitle
yourimagetitle
yourimagetitle

Adsense

Adsense

Adesense

Tuesday, July 26, 2016

Magkakaibang Bersyon ng mga Pahayag Hinggil sa Pagpapalaya ng Dating Pangulong Arroyo



Sinabi ng pinakamataas na hukuman na hindi napagtanto ng anti-graft court ang mga sumusunod:[15]

1). Hindi lubusang naipaliwanag at naberepika ng maayos ng tagausig ang iginigiit na sabwatan sa pagitan ng mga petitioners na sina Arroyo, Aguas at Uriarte.

2). Walang pruweba ng anumang pangungulekta, o pag-ipon, o pandarambong ng halagang P50 million laban sa mga petitioners na sina Arroyo and Aguas.

3) Nabigong maipaliwanag ng tagausig ang nagpapatunay na kilos ng pangulimbat ng kaban ng yaman dahil nagmintis ito sa paglatag ng ebidensya na ang mga petitioners na sina Arroyo at Aguas, bilang pampublikong opisyales, ay nagbenepisyo sa kilos na ito.

Nadiskubre rin ng mayorya ng mga mahistrado na winalang-bahala ng Sandiganbayan ang pagkabigo ng impormasyon na sapat na makakapag-akusa sa mga petitioners ng nagsabwatan para makagawa ng pandarambong, at hindi pinansin ang kakulangan ng ebidensiya.

Sinabi ni Estelito Mendoza, isa sa mga legal counsel ni Arroyo at dating solicitor general, na naramdaman ni Arroyo ang higit pa sa paglaya, higit pa sa ligaya dahil sa desisyon ng Korte Suprema. Ang mainam tungkol dito ay hindi na niya kinailangang magprisinta ng anumang pruweba, na ngangahulugan sa umpisa pa man, na walang mga basehan para siya’y ipakulong at ipaaresto. Binigyan niya ng diin na ang pag-aakusa kay Arroyo ay ginamit ng dating Pangulong Benigno Aquino III bilang pamumulitika, sa pagtuturo ng pagpapakulong ng nauna bilang pinakamalaking tagumpay ng huli.[16]

Nilinaw ng Korte Suprema na ang labis na pag-abuso sa paghusga ay nangangahulugan ng isang mabilisan o maimahinasyon na pagtupad ng desisyon na kasingbigat ng mababang uri ng awtoridad.

Sinuportahan ng hukuman ang petisyon ni Arroyo para sa argument ng ebidensiya – isang apela ng pagdismis ng kaso para sa kakulangan ng pruweba na inilatag ni Estelito Mendoza noong 2014 sa Sandiganbayan. Sinabi ni Mendoza na talagang ikinasiya ng dating Pangulo, dahil sa sobrang pasensya niya para paghirapan ito, pagsakrispisyuhan ng mahabang panahon, at hinintay na dumating ang araw na ito.

Bomoto ang Korte Suprema en banc v11-4, pinili ang pagpapatawad kay Arroyo bilang resulta ng kawalan ng pruweba ng kasong pandarambong niya sa iginigiit na pang-aabuso ng P366 million pondo ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) intelligence funds. Iniutos ng mataas na hukuman ang agarang paglaya ng dating pangulo.

Ang Kongreso ng Maralitang Pilipino, taga-suporta ni Arroyo ay gustong maipakulong ang dating Pangulong Benigno Aquino III hinggil sa Disbursement Acceleration Program (DAP), isang kontrobersyal government   spending scheme.  (Sa ganitong paraan, iniiwas ang sariling dungis sa pagtuturo)


Sa kanyang di pagsang-ayon, prinisenta ni Chief Justice Sereno ang limang puntos na gumigiit na:[17]

1). Binalewala ng desisyon ng lubusan ang buong krimen sa proseso ng Confidential/Intelligence Fund (CIF) disbursement at epektibong kinunsinte ang paglabag ng budget ceilings sa pamamagitan ng kinasanayang pagsamahin ang mga pondo

2). Ang desisyon ay nauna nang naipakilala ang dalawang karagdagang elemento sa prosekusyon ng krimeng pandarambong – nakita ang ugat ng pandarambong at personal na benepisyo sa kanya, na isang epekto na hindi nasasaad sa batas at hindi malabong hinihingi ng anumang palabatasan.

3). Binalewala ng desisyon ang kahalagahan ng konsepto o pahiwatig na pandarambong na masusing pinairal sa Alvizo versus Sandiganbayan.

4). Ang desisyon ay gumawa ng hindi rasonableng certiorari o atas para  suriin ang modelo sa pamamagitan ng lubusang pagbalewala ngg evidentiary effect ng pormal na mga  report ng Commission on Audit na kinilala ng trial court.

5). Nakagawa ng hindi kanais-nais ang desisyon sa pagsasalarawan ng pruweba ng prosekusyon na hindi  bumeberepika kahit ang pinakamalayong posibilidad na ang CIFs ng PCSO ay inilipat kay Arroyo o Aguas o Uriarte nang isinalaysay ng mismong petitioner na si Aguas sa  COA na ang P244 million ng humigit kumulang na itinatangging P366 million pondo ng PCSO ay inilipat sa office of the President.

Binigyan diin din ni Chief Justice Sereno na:[18]

1). Nagkaroon ng sabwatan sa pagitan nina Arroyo, Aguas, PCSO General Manager Rosario Uriarte kung kaya ay walang naganap na pagmamalabis sa paghusga sa panig ng hukuman, sa pagtanggi.


2). Isinalaysay ni Aleta Tolentino na nagkaroon ng maraming iregularidad sa CIF requests at disbursements sa loob ng tatlong taon ng kanyang termino.

3). Ang sabwatan ay sapat na naipakita sa pamamagitan ng paulit-ulit na pag-apruba ni Arroyo sa mga karagdagang CIF requests sa loob ng tatlong taon.

4). Si Arroyo ay nagkaroon ng mahalagang papel sa pagplano ng mga bagay-bagay.

5). Ang Letter of Instruction No. 1282 ay nagpapatunay ng papel ng pangulo hinggil sa gastusin ng intelligence funds.

6). Lahat ng requests para sa  pagbahagi  o distribusyon ng intelligence funds ay dapat klarado ng buong detalye ang partikular na kapupuntahan nito ngunit ito’y pauli-ulit na hindi malaman kung paanong naubos ang mga pondong ito.


Sinabi ni Ferdinand Topacio na ang mga akusasyon laban kay Arroyo ay wala maliban sa mapanlinlang na  mga pagkilos ng kurakot at walang kakayahang administrasyong Aquino, sa pagtatago ng mga di kanais-nais na kakulangan sa paggawa sa pamamagitan ng pagha-harass ng mga   kalaban sa pulitika.

Ikinulong ni Aquino si Arroyo at iniutos ang pagpatalsik ng kanyang Chief Justice, ang namayapang si Renato Corona, sa alegasyon ng pag-uutos nito ng distribusyon ng Hacienda Luisita (na pagmamay-ari ng mga Cojuangco) sa mga magsasaka nito. (Ang mga nagtutunggali sa kontrol ng lupain ay ang pamilya Cojuangco pamilya ni
Aquino, na sumaka, nangasiwa at kumita sa ari-arian magmula pa noong 1950s, ay sinikap maituloy ang karapatan sa lupain, habang ang mahigit 6,000 farmer beneficiaries at ang kanilang pamilya ay inilaban ang karapatan sa lupain, sa bisa ng orihinal na titulo at kondisyones para sa pamimigay ng lupa sa mga Cojuangcos at alinsunod sa muhon na napagdesisyunan ng Korte Suprema noong Nobyembre 2011.)[19]

Si PCSO budget officer Benigno Aguas, na nadetene sa Camp Crame ay nakalaya rin.

Inaari ng kampo ni Arroyo na ang legal na tagumpay nila ay nagpapakita na ang administrasyong Aquino ay nangha-harass lamang ng mga kalaban nito sa pulitika para mapagtakpan ang hindi kanais-nais na pagkukulang sa mga nagawa nito.[20]

Ang dating pangulo, na ngayon ay kongresista ng ikalawang distrito ng Pampanga, ay napatawad pagkalipas ng humigit kumulang na apat na taong pagkakulong sa Veterans Memorial Medical Center sa Quezon City.

Sinabi ng kampo ni Arroyo na ang desisyon ng Korte Suprema ay pagpapatunay na panggigipit pangpulitika kay Arroyo ng dating pangulong Benigno Aquino III, isang parehong pananaw ng dating Pangulong Joseph Estrada.

Sinabi ni Ferdinand Topacio, isa ring abogado ni Arroyo, na pinatunayan muli ng Korte Suprema mismo ang maging pinal na masasandalan ng hustisya at ng kontrol ng batas. Ang desisyon ay nagpapatunay lalamng ng mga sinasabi namin ng may anim na taon na ngayon: na ang akusasyon laban sa dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ay wala maliban sa  mapagkunwaring pagkilos at panggigipit pangpulitika ng isang kurakot at walang kakayahang administrasyong Aquino sa intensyong maikubli ang hindi kanais-nais na pagkukulang sa paggawa sa pamamagitan ng panggigipit ng mga kalaban sa pulitika.

Ayon sa balita, napag-alaman ng hukuman na mahina ang ebidensiya. Sa nakalipas, ay pinigil ng Korte Suprema ang paglilitis kay Arroyo sa Sandiganbayan.


Sinabi niya na sa pag-uutos ng pagpapalaya at pagpapatawad kay Ginang Arroyo, ano ang sinasabi ng Korte Suprema: Na walang anomalyang naganap, walang krimeng   nangyari, walang papanagutin, at ang pondo ay nagamit ng tama?

Ang sambayanang Pilipino ay walang mapagpipilian kung ito’y malinaw na ang sapat na halaga ng pampublikong pondo ay hindi napunta para sa nakalaang serbisyo, na makakabawas ng kanilang kahirapan, sinabi ng Pangulo.

Sinabi ng Pangulo na maliwanag sa  PCSO charter na ang ahensiya ay “dapat  mayorya na ahensiya ng gobyerno para sa paglilikom at pagbibigay ng pondo para sa mga programang pangkalusugan, tulong medikal at serbisyo, at mga kawanggawang pangkalahatan.

Nakasaad din sa charter na ang 30 porsiyento ng netong resibo sa pagbebenta ng bola ng sweepstakes, lotteries, o hawig na mga aktibidad ay nakalaan sa kawanggawa, dagdag pa ng Pangulo

Hindi makikitang nakasaad saan man na ang pondo ng ahensiya, na may kautusang pangasiwaan ang sweepstakes at magbigay ng kawanggawa, ay maaaring ilaan sa mga gawaing may relasyon sa ‘bomb threat, kidnapping, destabilization at terorismo’ o para sa ‘bilateral at pangseguridad na relasyon’ – layunin na nakasaad sa isinagawang salaysay na ipinasa ng dating PCSO General Manager Rosario Uriarte at Ginoong Benigno Aguas (na matagal na nakalaya sa bisa ng piyansa.)[21] sa Commission on Audit, para patunayan ang paglipat ng mga karagdagang pondo galing sa PCSO papuntang Office of the President, sa panahon ni Ginang Arroyo, sabi ni Aquino.

Sinabi ni Leonen na dapat ipagpatuloy ang pagdinig dahil ang prosekusyon ay nakakapagpakita pa  ng sapat na ebidensiya para mahatulan si Arroyo at ang iba pang akusado, ng malversation of public funds, na may kaparusahan sa ilalim ng Article 217 of the Revised Penal Code. Ang resolusyon ng Sandiganbayan sa argumento ng ebidensiya ay kasama ang resulta na si PCSO Chairperson Sergio Valencia, ay dapat pa ring papanagutin para sa malversation, na kasama sa impormasyon ng mga kasong ito. Ang parehong petitioners sa pinagsamang mga kasong ito ay kailangang sumagot sa mga naturang akusasyon dahil ang impormasyon ay may mga akusasyon ng sabwatan.


Maliban sa pagsampa na nabanggit sa kabilang hanay, hiningi rin ni Arroyo sa Korte Suprema na pansamantalang ipatigil ang paglilitis sa kanya sa Sandiganbayan. Kinatigan ng Korte Suprema ang mosyong ito noong nakaraang taon, pinahaba ang ekstensiyon ng paglilitis  hanggang sa taon ito.[22] 


Ang kasong Ombudsman, na isinampa isang linggo bago ang ikatlong SONA ng dating Pangulong Aquino, ay may alegasyon na inaprubahan ni Ginang Arroyo ang  diumano’y paglilipat ng PCSO intelligence funds sa layuning hindi konektado sa sentro ng gawain ng ahensiya, na pantulong sa mga  mahihirap at sektor na nagtatrabaho para dito.



No comments:

Post a Comment

Adsense

Adsense

Adesense



yourimagetitle
Visit us @ FRIENDS OF THE DIVINE MERCY
Visit us @ FRIENDS OF THE DIVINE MERCY

Adsense

Adsense