yourimagetitle
yourimagetitle
yourimagetitle
yourimagetitle
yourimagetitle

Adsense

Adsense

Adesense

Friday, July 29, 2016

Magkakaibang Bersyon ng mga Pahayag Hinggil sa Pagpapalaya ng Dating Pangulong Arroyo


Ang dating Pangulo na ngayo’y nasa kanyang pangatlong termino bilang Kongresista ng ikalawang distrito ng Pampanga Gloria Macapagal-Arroyo, na ibinulgar bilang mukha ng korapsyon ng dating Pangulong Benigno Aquino III at sumailalim ng hospital arrest sa loob ng apat na taon, ay pinalaya nitong Martes ng Korte Suprema sa 11-4 boto, na nag-dismiss ng kasong pandarambong hinggil sa alegasyong labag sa batas na paggamit ng Philippine Charity Sweepstakes Office's (PCSO) intelligence funds.[1]

Matatandaan na ang pitong mahistrado (sa loob ng 11 na sumang-ayon) na bomoto sa pagpapalaya kay Arroyo - Justices Presbitero J. Velasco, Jr., Teresita J. Leonardo de Castro, Arturo D. Brion, Diosdado M. Peralta, Mariano C. del Castillo, Jose P. Perez at Jose C. Mendoza, ay ang parehong mga mahistrado na bomoto sa pagpapalaya kay Sen. Enrile, lahat ay mga appointees ng dating Pangulong Arroyo. [2]   

Ayon sa balita, humigit kumulang, ang mga naturang mahistrado ng Korte Suprema ay parehong mga personalidad na bomoto sa pagbabalik ng 20% na kumpiskadong San Miguel shares kay Eduardo “Danding” M. Cojuangco Jr. na kinatigan hango sa ponencia na walang nagpapapatunay na si Ginoong Cojuangco ay kasamahan ni Marcos, sa kabila ng katotohanan na si Ginoong Cojuangco ay konektado sa mga interes ni Marcos na kasakayan niya sa eroplanong nagdala ng mga Marcoses sa Honolulu noong 1986. Agarang ibinenta ni Ginoong Cojuangco ang mga shares na ito sa partner niyang si Ramon S. Ang.

Hinubog ng dating Pangulo ng Pilipinas at kaklase ng dating Pangulo ng Estados Unidos na si Bill Clinton sa Georgetown University, si Arroyo ay naging isang senador at Bise Presidente bago ang kanyang tuluy-tuloy na pagkakaluklok sa pagkapangulo noong 2001pagkatapos mapatalsik ang dating Pangulong Joseph Estrada ng “people power” rebolusyon na kanyang sinuportahan. Pagkalipas ay sinampahan ng pandarambong si Estrada, kung saan ang huli ay nahatulang nagkasala, sinentensyahan ng pagkakulong noong September 2007 ngunit nakalaya sa  bisa ng pardon ni Arroyo makalipas ang anim na linggo, noong October 2007.

Nagtagumpay si Arroyo sa pagkapangulo sa isang regular na eleksiyon noong 2004, ngunit ang kanyang administrasyon ay nabulabog sa serye ng korapsyon at eskandalo sa pagmamanipula ng mga boto ng sumunod na taon, kabilang ang wiretapped na pakikipag-usap niya sa isang opisyal ng eleksiyon, na diumano’y nagpanalo sa kanya.

Ang mga detalye sa ibaba ay ang mga indibidwal na sumang-ayon at sumasalungat hinggil sa pag-absuwelto sa kasong pandarambong ng dating Pangulong Arroyo, para sa inyong mga pananaw at opinyon:


MGA BERSYON NG DEPENSA NG MAGKABILANG PANIG HINGGIL SA PAGPAPALAYA SA DATING PANNGULONG GLORIA MACAPAGAL ARROYO TUNGKOL SA  AKUSASYONG LABAG SA BATAS NA PAGGAMIT NG P366 MILLION PONDO NG PHILIPPINE CHARITY SWEEPSTAKES (PCSO)


Kagustuhang Pagpapatawad ng Pangulong Duterte’s kay Dating Pangulong Arroyo
Laban sa Pagsulong ng Demanda ni dating Pangulong Aquino


Ipinahayag ng dating Pangulong Arroyo ang kanyang taus-pusong pasasalamat kay Pangulong Duterte sa pagpapairal ng hustisya.  

Noong panahon ng kampanya ni Duterte sinabihan niya si Arroyo sa isang pag-uusap sa telepono na patatawarin niya ang dating Pangulo na tinanggihan ng huli, at sinabing itoy’ mangangahulugan lamang ng pag-amin ng kasalanan.


Ang dating Unang Ginoo Miguel Arroyo ay labis ang tuwa at pasalamat sa Panginoon at sinabing ninakaw ng tagausig ang anim na taong buhay ng kanyang kabiyak na isang inosente.


Matatandaan na sa loob ng anin na taon ng kanyang termino, binigyan diin ni Aquino ang mga iregularidad  na naganap sa 9 na taong administrasyon  ni Arroyo at hindi nagmintis sa pagpapasaring, sa pagsisisi sa kanya hinggil sa problemang kinakaharap ng bansa.[3]


Komentaryo

Kung si Ginang Arroyo at ang kanyang asawa ay nagpapasalamat sa Panginoon, sa pagsabing inosente ang kanyang asawa, ano sa makatuwid ang basehan ng maling paggamit ng P365 milyong pondo ng Philippine Charity Sweepstakes (PCSO), dahil kung sinasabi ng tagausig ang kasalungat nito, siguradong isa sa kanila, maging abogado man o hindi, ang nagsasabi ng kasinungalingan. 

“Huwag kang sumaksi nang mali laban sa iyong kapwa (Exodo 20:16).

Huwag kayong manunumpa nang walang katotohanan sa aking Pangalan, kalapastangan iyon sa Pangalan ng iyong Diyos; ako si Yawe. (Levitico 19:12)


Kung ang sentro ng pag-iisip ni Aquino sa pag-aresto kay Arroyo ay silakbo ng galit kaysa sa realidad, sanhi ng alegasyong pamamahagi ng dating Chief Justice Corona at ni Arroyo sa Hacienda Luisita (na pagmamay-ari ng mga Cojuangco) sa mga magsasaka, [4] dapat lamang na manaig ang desisyon ng Korte Suprema. Inasam ang tuloy na pagmamay-ari ng mga Aquino sa lupain ng Hacienda Luisita na sinaka nila, pinamahalaan at pinagkakitaan umpisa pa noong 1950s, habang ang mahigit na 6,000 mga magsasakang beneficiaries at ang kanilang mga pamilya ay iginigiit ang mga karapatan sa lupain, sa bisa ng titulo at mga kondisyon ng pagkaloob ng lupa sa mga Cojuangcos at alinsunod sa muhon na hango sa desisyon ng Korte Suprema noong November 2011.

Ganunpaman, kung ang basehan ng desisyon ng dating Pangulong Aquino sa pagpapakulong sa kanya ay nanggagaling sa magkahalong galit tungkol sa kontrobersyal na pagpapatupad ng pamimigay ng Hacienda Luisita sa mga magsasaka nito at sa paglabag ng batas ni Arroyo, kung gayon ay nagpapasalamat ang mga taxpayers dahil kahit paano’y  katotohanan ang kabilang mukha ng galit na kailangang ilabas.

Ngunit kung ang kilos sa pag-aresto kay Arroyo (na siyang nagpakulong sa kanya ng 4 na taon na dumurog at nagbahid sa kanyang integridad) ay walang basehan, kung gayon  ang hustisya ay umikot lamang nang siya ay pinawalan ng mataas na hukuman.

Sa kabilang banda, kung ang desisyon ng Korte Suprema ay galing sa reyalidad na ang institusyong ito ay napapaligiran ng mga appointees ng makapangyarihang dating Pangulong Arroyo, marapat lamang na ang Hustisya ng Panginoong Diyos ang manaig sa sitwasyong hindi pinairal ang konsensya ng Kanyang mga itinalaga. 

PAHINA
1
2
3
4
5



No comments:

Post a Comment

Adsense

Adsense

Adesense



yourimagetitle
Visit us @ FRIENDS OF THE DIVINE MERCY
Visit us @ FRIENDS OF THE DIVINE MERCY

Adsense

Adsense