Sa naturang sitwasyon ng konteksto ng paghusga, ito’y nagpapahiwatig na ang mga mahistrado ay tumingin hindi sa merito ng iprinesentang ebidensiya ng anti-graft kundi sa merito ng pagtanaw ng utang na loob sa taong nag-appoint sa kanila. Kung kaya, hindi ako masosorpresa kung si Sen. at dating Justice Chief Leila de Lima, ay nagtaka kung bakit umabot ng ganun katagal para sa Korte Suprema ang magdesisyon (ng akusado ng pandarambong at isinailalim ng hospital arrest mulang 2012), at naghintay pa ng pagpalit ng administrasyon bago ipinagkaloob ang desisyon.
Si De Lima na nadismaya sa desisyon ng Korte Suprema, ay hindi nasorpresa sa pagpapatawad sa dating Pangulong Arroyo, na sinabing ang posibilidad na ito ay sumagi sa kanyang isip noong August 2015 nang si Sen. Juan Ponce Enrile ay pinayagang makapagpiyansya, at sinabi na ang desisyon ay ipinagkaloob sa panahon na ang mga pagkilos laban sa korapsiyon sa Pilipinas ay tumatanggap ng ibayong papuri sa buong mundo.[11]
Interesanteng mapansin na ginamit ni De Lima ang salitang “pagpatawad” sa posibilidad na alam nila ang katotohanan ng pandarambong. Pinursige ni Aquino ang kasong pandarambong sa PCSO laban kay Arroyo, na nag-apruba ng disbursement ng P365 million galing sa agency’s intelligence funds mulang 2008 hanggang 2010, at ang pera ay nanatiling hindi naipapaliwanag.
Sa isang pang-korporasyon na kalagayan, anumang reimbursement na hindi naipaliwanag ng maayos ng may kaukulang resibo (maging ito may ay 1,000 piso o P100 piso) ay hindi binabayaran ng accounting. Ano na lamang ang ganito kalaking halaga?
Sinabi ni De Lima na dapat hinayaan ng Korte Suprema ang Sandiganbayan na suriin ang mga impormasyon ng kaso dahil hindi pinayagan ng huli ang apelang piyansa ni Arroyo ng maraming beses at ang argumento sa ebidensiya. Habang sinisiguro at sinusuri ang buong epekto ng desisyong ito, ako’y 100% sigurado na ito makakademoralisa o makakawalang gana sa halos lahat sa atin, ang masabi ang pinakamababa, dahil ito’y nagdadala ng matinding dagok sa lahat ng ating mga nagawa, dagdag na sabi ni De Lima.
Ito’y hindi sa pagkondena sa kaloob na pagpapatawad ng nagkasala lalo pa kung ito’y sa kadahilanan ng kondisyon ng tao (kapareho sa kaso ni Sen. Enrile – na nagpalaya hango sa ponencia ng mahistrado ng Korte Suprema na si Bersamin: “Sa solidong reputasyon sa kanyang pampubliko at pribadong buhay, ang mahabang taon niya sa serbisyo publiko, at sa talaan ng paghusga sa kanya na nanganganib, kailangang ipagkaloob sa kanya ang piyansa”)[12] ngunit kung ito ang punto ng argumento, marapat lamang na ipagkaloob ng Korte Suprema ang patas na pagtrato sa pagitan ng mga matatandang opisyal ng gobyerno na nadetene at ng mga ordinaryong matatandang mamamayan na nakakulong, sa pagpapalaya ng huli, sa anumang krimeng nagawa.
Sa kabilang banda, kung ang desisyon ng 11 mahistrado ng Korte Suprema ay ibinatay sa katotohanan na dikta ng konsensya, hango sa desisyon ng kawalang sapat na ebidensya na binibigyan nila ng diin, bakit hinayaan nilang tumagal ang kasong ito ng 4 na taon ng pagkakulong sa Veterans Medical Center? Noong 2014, si Arroyo ay nagsampa ng “argumento sa ebidensiya” sa korte ng anti-graft, ang Sandiganbayan, na na-dismis noong April 2015, na nagbigay daan sa pagdinig ng kaso niya ng pandarambong hango sa akusasyon sa pag-abuso ng pondo ng PCSO. Sa bandang huli, nilabanan ni Arroyo ang desisyon ng Sandiganbayan sa Korte Suprema sa isang 100-pahinang petisyon na inilatag ni Mendoza, ang kanyang legal counsel.
Bilang resulta, ang pagkatig ng korte sa petisyon ni Arroyo ay nagpalaya sa kanya sa P366-million kasong pandarambong na isinampa ng Ombudsman noong July 2012 laban sa kanya kasama ng 9 pang ibang opisyal ng gobyerno.
Nangangahulugan ba ito na ang Korte Suprema ay hindi kayang ipagkaloob ang may konsensiyang legal na awtoridad kahit ang akusado ay napatunayang walang sala, kung ang nagpursige ng kaso ay mismong ang Pangulo ng Pilipinas o di kaya ay isang katunggali sa pulitika ng isang nag-appoint sa kanila?
Kung ang kawalan ng hustisya at pagtago ng katotohanan ay umiral dito bilang personal na proteksiyon ng mga interes kaysa kapakanan ng nakararami, na hindi alam ng mga taxpayers, dapat maalala ng mga mahistrado ng Korte Suprema, kagaya ng iba pang opisyales ng gobyerno, na maging responsible sa mga mamamayan, sa ilalim ng konstitusyon. Sinuman ang nagkasala dito ay maaaring matakasan ang panlupang hustiya ngunit mananatiling may sagutin sa mata ng Panginoong Diyos, maaring hindi ngayon ngunit darating din ang panahon. Ang Banal na Kasulatan ay may babala laban sa mapagkunwari, na hindi makatatakas sa galit na makalangit: Huwag mong sabihing: “Ako’y nagkasala at anong nangyari?” Sapagkat naghihintay lamang ng pagkakataon ang Panginoon. Huwag mong asahan ang kapatawaran kapag sinasadya mong gumawa ng patung-patong na kasalanan. Huwag mong sabihing: “Malaki ang kanyang awa: “Patatawarin niya ako gaano man kalaki ang aking kasalanan!” Sapagkat nasa Kanya ang awa at poot; ibubuhos Niya ang kanyang galit sa mga makasalanan. (Sirac 5:4-7)
Kakulangan ng Ebidensiya Laban sa Sapat na Ebidensiya
| ||
Ang mas nakakaraming numero ay sumang-ayon kay Arroyo at ang kanyang co-petitioner na si Benigno Aguas, na labis na inabuso ng Sandiganbayan ang paghusga, sa pagsawalang-bahala ng iniakyat nilang indibidwal na argumentong nagpapatunay.
|
Si Chief Justice Maria Lourdes Sereno at Associate Justice Marvic Leonen ay hindi kinatigan ang opinyon ng mayorya hinggil sa kasong pandarambong laban kay Arroyo, at iginiit na ang sabwatan ay naberepika ng tagausig.[13]
| |
Sinabi ng tagapagsalita ng Korte Suprema na si Theodore Te na dinismis ang kasong kriminal, isa sa mga naisampa ng Administrasyong Aquino laban sa 69-taong-gulang na si Arroyo, sa “kawalan ng sapat na ebidensiya” ng akusasyon nito na inilipat niya at iba pang opisyales ng Philippine Charity Sweepstakes Office ang P366 million pondo ng PCSO na para sa kawanggawa para sa kanyang pansariling gamit. [14]
|
Sinabi ni Ombudsman Conchita Carpio Morales, na nag-akusa kay Arroyo ng pandarambong 4 na taon na ang nakalipas, na ang opisina niya ay nagpaplanong magsampa ng motion for reconsideration sa Mataas na Hukuman.
Sinabi ni Senate President Franklin Drilon bago pa ang pagpapalaya kay Arroyo na ang missing link sa kaso ay si dating PCSO general manager Rosario Uriarte, na hindi pa malaman kung nasaan.
| |
No comments:
Post a Comment