Pakiramdam na Inosente Laban sa Pagkadiskubre ng Katiwalian
| |
Ang dating Pangulong Arroyo ay nagpapasalamat sa Panginoong Diyos sa suportang moral ng kanyang mga tagasuporta, at sa Korte Suprema sa pagpapatigil sa wakas ng limang taon na pag-uusig. Umaasa siya na sa pamamagitan ng isinagawang pinal na desisyon ng mataas na hukuman, irerespeto at igagalang ng bawat isa ang katotohanan na napatunayan.
Marubdob siyang umaasa na wala nang papasan pa ng pang-uusig na ibinentang sa kanya sa pamamagitan ng personal na interpretasyon at pagpapairal ng batas. Na ang pagsasawalang-bahala ng katotohanan na kanyang pinagdaanan ay maayos sa lalong madaling panahon.
desisyon ng Korte Suprema hinggil sa pag-dismis ng kasong pandarambong laban sa dating pangulo sanhi ng kawalan ng ebidensiya.
|
Noong Oktubre, si Arroyo ay naaresto sa salang labag sa batas na paggamit ng pondo ng Philippine Charity Sweepstakes (PCSO) mulang 2008 hanggang 2010.
Laha-lahat ay P365 million ang na-release ng PCSO sa loob ng tatlong taon, may P244.5 million, na isinaad sa report ni Ginoong Aguas, inilipat sa Tanggapan ng Pangulo. Ang malaking bahagi ng pondo, 66.9 percent, ay ginamit sa mga aktibidad na labag sa charter ng PCSO, sabi ng dating Pangulong Aquino.
Sinabi ni Aquino na maliwang na sinasabi ng PCSO charter na ang paggamit ng pondo ng ahensiya maliban sa awtorisadong paggagamitan na nakasaad sa ilalim ng charter ay may kaparusan ng pagkakulong.[5]
|
Komentaryo
Sinabi ng dating Pangulong Aquino na sa isang normal na katayuan ng isang korporasyon, ang isang financial officer na walang alam sa pag-budget ay natatanggal sa serbisyo o di kaya’y naibaba ang ranggo, dahil anumang kumpanya na pinilit humanap ng karagdagang pondo sanhi ng maling financial plan ay puwedeng:
A). Mawalan ng inaasahang kita, sa kadahilanang ang bahagi nito ay ilalaan sa halagang kinakailangan.
O di kaya ay:
B). Biglaang pangungutang ng may interes at sanhi nito ay gagamitin nito ang kita sa pagbabayad ng utang. Sa ibang pagsasalarawan: Kapag ang kumpanya ay may manager na pinipilit na magkaroon ng pagkalugi ang korporasyon o manghiram ng may interes, at sa bandang huli ay patutulugin lamang ito, ang ganoong iresponsableng manager ay pinapatawan ng mabigat na kaparusahan.
Sa pagbanggit ng sala-salabat na pahayag ng dalawang pangulo – personal na interpretasyon at aplikasyon ng batas na bahagi ng katuwiran ng inusig at sa paglabag sa batas na bahagi ng katuwiran ng tagausig – ang mga taxpayers na siyang nagbabayad ng mga buwarang sahod ng pangulo para sa anim na taong termino nitong panunungkulan ay hindi alam kung sino ang walang kakayahan at sinungaling laban sa kung sino ang may angking galing at mapagkakatiwalaan. Harinaway’s umiral ang Hustisya ng Panginoong Diyos at hindi ang kabalintunaan.
Makataong Espekulasyon Tungkol sa Kondisyong Pangkalusugan Kontra sa Komedyang Hula
| |
Ang dating Pangulong Arroyo ay dumanas ng hirap sanhi ng multiple cervical spondylosis o panghihina ng mga buto at cartilage of the neck,[6] at nadetene sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC) mulang Oktobre 2012.
|
Bago ang kanyang paglaya, nang tinanong kung bakit hindi niya suot ang kanyang neck brace, sinabi ni Obet Martin, isa sa mga taga-suporta ng dating pangulo sa mga proyektong modernisasyon ng transportasyong pampubliko sa administrasyon nito,[7] at pangulo ng grupo ng transportasyong Pasang Masda, na maaaring naiinitan siyang suot ito habang iniistima ang mga bisita na ibabalik din naman niya kapag di na niya kaya ang sakit.[8]
|
Komentaryo
Hindo ko alam kung ano ang nagtulak sa media para itanong ang tungkol sa hindi pagsuot ng neck brace, pero ito’y nagpaalala sa akin sa tinuran ng dating Pangulong Aquino: Yung mga kababayan raw nating kurakot sa Pilipinas, kagagara ng kotse, kamamahal, katutulin. Pero pagka ginustong tumakas, wheelchair ang gamit.
Kahit nang siya ay naaresto na umobliga sa kanya na gumalaw ng naka-wheelchair, siya ay nahirang sa House of Representatives noong Mayo.
Ibig sabihin, ang taong-bayan ay nagtitiwala pa rin sa kanila kung paano sila magsalita at kumilos. Sinuman sa kanila ang nagsasabi ng katotohanan, hayaan ang salita ng bawat isa ang maghusga sa kanila, sa panahon ng Panginoong Diyos.
11 Mahistrado na Umayon sa Pagpapalaya ni GMA Laban sa 4 na Mahistrado na Komontra sa Desisyon
| |
Labing-isa sa mga mahistrado ay sumang-ayon sa isang botohan sa pagpapawalang sala sa kaso ni Arroyo: si Justices Presbitero Velasco Jr., Teresita de Castro, Arturo Brion, Diosdado Peralta, Lucas Bersamin, Mariano del Castillo, Jose Perez, Jose Mendoza, Bienvenido Reyes, Estela Perlas-Bernabe at Francis Jardeleza.[9]
Sa labing-isang ito, walo ay mga appointees ni Arroyo at ang tatlo ay appointees ni Aquino: Bernabe, Reyes at Jardeleza.
|
Apat sa mga mahistrado ay komontra sa desisyong pag-dismis ng kaso: si Chief Justice Maria Lourdes Sereno, Senior Justice Antonio Carpio, Justice Marvic Leonen at Justice Alfredo Caguioa.
Si Sereno, Leonen and Caguioa ay mga appointees ng dating Pangulong Benigno Aquino III samantalang si Carpio ay appointee ni Arroyo.[10]
|
KOMENTARYO
Ang kahalagahan ng hustisya ay itinuro mag-umpisa pa sa panahon ng mga propeta hanggang sa henerasyong ito pero parang maging sa modernong panahong ito, mayroon pa ring mangilan-ngilan na bumabalewala nito kaysa ipreserba ito, na ipinapakita ng pagkahati-hati ng mga boto sa pagitan ng mga mahistrado sa Korte Suprema.
Amos 5:7 Kawawa ang nagpapapait sa hatol at nagtatapon ng katarungan sa lupa!
Isaias 10:1 Kawawa ang mga gumagawa ng mga batas ng kasamaan, at ang mga nagpapalabas ng mga batas ng paniniil.
Kung ako’y magiging malisyoso sa mga iprinisentang pangalan na kinabitan ng “appointee,” nagpapahiwatig lamang ito na ang Korte Suprema ay napapaligiran ng koneksiyon ng dating makapangyarihang Pangulong Gloria Macapagal Arroyo (ang 11 mahistrado ay mga appointees ng dating Pangulong Arroyo samantalang ang natitirang 4 ay mga appointees ng dating Pangulong Benigno Aquino III). Masasabi ko na ang koneksiyon ng mga mahistrado kay Arroyo ay may malaking bigat ng impluwensiya sa pagpapapalaya sa kanya kaysa sa katotohanan hinggil sa kasong pandarambong na isinampa ng Sandiganbayan.
No comments:
Post a Comment