Sen. Risa Hontiveros (isa sa mga nagpetisyon
laban kay Arroyo noong 2011)
|
Ito’y
isang malungkot na araw para sa hustisya.
Malakas
ang kasong isinampa. Samakatuwid, isa ito sa dalawang PCSO kaso ng
pandarambong na natanggap ng Office of the Ombudsman sa ilalim ni Conchita
Carpio Morales, at magkasunod na isinampa sa Sandiganbayan. Kinumpirma rin ng
Ombudsman na ang mga naturang pondo ay inilipat, ginamit ng may paglabag, at
iligal na inilipat.
Ako’y
nagulat sa desisyon ng mataas na hukuman, pero hindi kami mawawalan ng
pag-asa. Tuloy ang laban para sa
katarungan.
|
Dating
Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo
|
Panatiliin
ang tiwala sa sistema ng hustisya. Una sa lahat, sa Panginoong
Diyos ang lahat ng kapurihan. Sa pamamagitan ng kanyang tulong at habag, ang
hustisya at katotohanan ay muling umiral laban sa kawalan ng hustisya at
kamalian.[23]
|
Sen. Panfilo Lacson
|
Siya’y
naghirap ng sapat, sa pagkadetene ng anim na taon sa ilalim ng napakahirap na
kondisyong pisikal. Kahit sa purong makataong konsiderasyon, sinusuportahan
ko ang desisyon ng Korte Suprema sa pagpapalaya sa kanya at umaayon sa
kanyang katiwasayan para sa mga nalalabing araw ng kanyang buhay na sadyang maiksi
na dahil sa kanyang edad. Kagaya ng sinasabi ko paulit-ulit, samantalang hindi
ko makakalimutan kung sino sila, napatawad ko na ang mga kalaban ko sa
nakalipas na siyam na taon sa ilalim ng kanyang administrasyon, buhay man o
patay.
|
Sen. Gregorio Honasan II
|
Ang desisyon ng hukuman ay isang tagumpay ng kontrol
ng batas at kaukulang proseso.
|
Sen. Joel Villanueva:
|
Sadyang
ganoon, kailangan nating irespeto ang kontrol ng batas. Ganyan magtrabaho ang
sistema ng hustisya. Magiging interesante para sa akin ang mabasa muna ang
desisyon ng hukuman bago makapagbigay ng komento.
|
Sen. Antonio Trillanes IV
|
Ang pagpapalaya kay GMA ay isa sa mga
pangako sa kampanya ni Pangulong Duterte. Kahit paano’y, hindi na niya
kinailangang gumawa pa ng higit para maisakatuparan ito.
|
Jesus Dureza
|
Sen. Joseph Victor “JV”
Ejercito, anak
ng dating Pangulo na ngayon ay Manila Mayor Estrada
|
Sinusuportahan
niya ang pagpapalaya kay Arroyo para sa makataong mga rason, bagamat mayroon
siyang mga alalahanin, sa pagsasabing ang lubusang pagpapatawad sa kanya ay
maaaring magdulot ng maling mensahe sa taong-bayan na ang dating Pangulo ay walang
kasalanan sa isang krimen. Dapat ipagpatuloy ng gobyerno ang laban nito sa
pagsawata ng pandarambong at mga pagkilos sa pagpigil ng korapsiyon.
|
Sen. Francis Escudero
|
Nirerespeto
ko ang desisyon ng hukuman dahil kailangan ng bawat isa, maging tutol man o
hindi. Irespeto ang kontrol ng batas dahil ang kontrol ng batas ay humihingi
ng sapat. Hindi ko iniisip na ang mga
pahayag ng Pangulong Duterte ay may kinalaman dito dahil ako’y naniniwala sa
kalayaan ng Hukuman. Hindo ako makapag-komento sa
ibinigay ng prosekusyon sa kadahilanang hindi ko masyadong alam ang araw-araw
na mga argumento sa Hukuman ng magkabilang panig.
|
Ang Posibilidad ng Ganting Legal
sa Nang-api Laban sa Posibilidad ng Imbestigasyon Para sa Ibang Kaso ng
Pandarambong
|
|
Nang
tinanong tungkol sa iba pang kasong pandarambong na nakaplanong isampa ng
Office of the Ombudsman, sinabi ni Ferdinand Topacio, isang abogado, na
karapatan yan ng opisina at nagpahayag na sila’y umaasa na hindi ito magiging
panibagong instrumento para gipitin ang kanyang kliyente.
Nabanggit rin niya na masusi
nilang pinag-aaralan ang alternatibo kung sila’s magsasampa ng mga kaso laban
sa mga kaaway ni Arroyo.
Sa
isang pahayag sa press, nagbabala si Arroyo na tutugisin niya ang mga nang-harras
sa kanya.[24]
Tinanong
kung may planong magsampa ng mga kaso laban sa dating pangulong Benigno
Aquino III para sa alegasyong political persecution, sinabi ni Laurence
Arroyo, legal counsel ni Arroyo na hindi ito pag-uusapan sa oras na ito. Na
ito aniya ay masayang pagkakataon dapat, na puno ng pasasalamat at dapat
maging mapagbigay. Ito’y isang biyaya na siya’y napalaya at ito ang bibigyan
nila ng konsentrasyon.
|
Iniimbestigahan
pa ng Ombudsman si Arroyo sa iba pang kasong pandarambong hinggil sa
P57 million sa PCSO intelligence funds magmulang 2004 hanggang 2007.
Sinabi
ni Ombudsman Conchita Carpio Morales, na nagkaso kay Arroyo ng pandarambong
apat na taon na ang nakalipas, na ang opisina ay nagpaplanong magsampa ng
mosyon para sa reconsideration sa Mataas na Hukuman.
Sinabi
ng tagapagsalita ng Korte Suprema na si Theodore Te na ang natalong grupo ay
maaari pang magsampa ng mosyon para sa reconsideration pero ang paglaya ni
Arroyo ay hindi na ma- re-consider dahil ito’y agarang iiral sa pamamagitan
ng epekto ng express terms ng kautusan.
Sinabi rin ni Mendoza na nag-aalanganin siya
kung iniisip ni Arroyo ang gumanti, sa pagsasabing hindi nila dapat pag-usapan
ang bumuwelta sa kahit kaninuman dahil kahit ang Panginoong Diyos ay nagpatawad
ng bawat pagkakasala, kagaya ng pagpapatawad ng bawat isa sa mga nagkasala
laban sa kanila, isang mandato na kanyang pinaniniwalaan na susundin ni
Arroyo. Isa siyang mabuting kristiyano, at sa kasamaang-palad, kahit ang mga
mabubuting kristiyano ay dumadaan ng kalbaryo, pagbibigay diin ng beteranong
abogado.[25]
|
Komentaryo
Karapatan
ng bawat isa ang lumaban lalung-lalo na kung ang kanyang karapatan ay naabuso. Ang pinansiyal, isipin, emosyonal, integridad,
relasyon at mga oportunidad na nakumpromiso dahil sa pangha-harass ay hindi
basta-basta mapapasan at matatanggap. Kung
ako’y nasa kanyang katayuan at siya’y aking ina, ang kanyang mga reaksiyon
laban sa mga trumato ng hindi tama ay magiging mga reaksiyon ko rin hindi
lamang sa pagtalon dulot ng ligaya dahil sa paglaya kundi dahil sa pagngangalit
ng mga ngipin dahil sa galit para sa katarungan, na sadyang normal. Ganunpaman, kung alam niya sa kanyang sarili
na siya’y nagkasala at pinatawad bilang makataong tugon sa kanyang kondisyon ayon
sa sinasabi ng ilan, kung ganoon ay wala siyang ibang dapat gawin kundi ang
sobra-sobrang pasasalamat sa kaloob, at kumilos ng may kababaang-loob kaysa
magkomento na siya’y inosente at walang kinalaman sa kasong ito.
Pinalayang Walang Kasalanan Laban
sa Pinalaya sa Bisa ng Patawad
|
|
Natapos
ni Arroyo ang masalimuot niyang 9 na taong termino noong 2010 pero inaresto
ng sumunod na taon dahil sa akusasyon sa pandaraya ng eleksiyon, kung saan pinayagan
siyang magpiyansa. Sumunod, ay inakusahan siya ng pandarambong.
Ang 69-taong-gulang na si Arroyo ay
ang ikalawang pangulo ng Pilipinas na nadetene ng dahil sa pandarambong
ngunit naabsuwelto.
|
Noong April 2001, ang napatalsik na
si pangulong Joseph Estrada ay nakulong ng dahil sa pandarambong hinggil sa
akusasyon patungkol sa hindi maipaliwanag na yaman. Hinatulan siya ng buhay
sa kulungan noong Setyembre 2007 subalit pinalaya siya ng humalili sa kanya
na si Arroyo sa bisa ng pagpapatawad makalipas ang anim na linggo, noong
Oktubre 2007.
|
Pagkadismaya sa Pagkaantala ng
Paglaya Laban sa Proseso ng Pagpapalaya
|
|
Sinabi
ng abogadong si Ferdinand Topacio na nabitin sila ng tatlong araw ngunit ang release order ay
hindi pa nila nakuha.
Kinailangan
ni Arroyo maghintay pa ng dagdag na dalawang araw sa VMMC – kung saan siya ay
nadetene magmulang Oktubre 2012 dahil sa pagkabigo ng Korte Suprema sa pag-isyu
ng desisyon sa Sandiganbayan bago magsara noong Martes.
Sinabi ni Obet Martin, pangulo ng grupong pangtransportasyon na Pasang Masda
sa ANC's Dateline Philippines na bago ang kanyang paglaya, ang dating pangulo
ay bahagyang nalungkot dahil nanatili siyang madetene sa ospital kahit iniutos na ng Korte Suprema ang agarang paglaya ng
akusado.
|
Sinabi
ng tagapagsalita ng mataas na hukuman na kapag nakuha na ang mga lagda ng
desisyon, ito’y dadalhin sa Chief Justice para sa pinal na lagda at certification.
Pagkatapos ay aatasan ang clerk of court na ibigay na ang desisyon.
Sinabi
niya, na ang lahat ng limang opinyon (isang mayoryang opinyon at hiwalay na
apat na opinyon) ay ilalabas sa parehong pagkakataon na ibibigay sa
magkabilang panig, kasama ng Sandiganbayan at mga abogado ng mga petitioners.
Ang desisyon ay nasa proseso na para maibigay. Aatasan ang mga awtoridad ng detention ng
Sandiganbayan at mga awtoridad ng ospital na palayain si Arroyo pagkatapos matanggap ang kopya ng
release order.
Sinabi
ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar na ang docket section
ng Sandiganbayan ay agarang nagsasara ng 4:30 ng hapon. Irespeto at sundin ang desisyon ng mataas
na hukuman.
Sinabi
ni Lawrence Arroyo, isa sa mga counsel ni Arroyo na dadalhin niya ang kopya
ng desisyon ng Korte Suprema sa Sandiganbayan at pagkatapos ay ipoproseso ng
sheriff ng korte ng antigraft ang kanyang paglaya. Pero maaaring maghintay ng
ibang araw sa VMMC dahil hindi umabot ng Sandiganbayan ng Martes. Ang docket
section ng Sandiganbayan ay agarang nagsasa ng 4:30 ng hapon.
|
Updated
16:13 PM PHT Thu, July 21, 2016, http://cnnphilippines.com/news/2016/07/21/SC-releases-decision-to-dismiss-plunder-case-vs-Arroyo.html
[2] Teresa S.
Abesamis, What kind of president should we elect if we want a better Supreme
Court?, http://www.bworldonline.com/content.php?section=Opinion&title=what-kind-of-president-should-we-elect-if-we-want-a-better-supreme-court&id=114523
[3] Nikko Dizon, Aquino laments Gloria Arroyo
exoneration, Philippine Daily Inquirer, 01:53 AM July 22nd, 2016, http://newsinfo.inquirer.net/798073/aquino-laments-gloria-arroyo-exoneration
[4] Estrella
Torres, Gil C. Cabacungan, SC orders release of Arroyo, 12:00 AM July 20th,
2016, Philippine Daily Inquirer, http://newsinfo.inquirer.net/797380/sc-orders-release-of-arroyo
[5] Nikko Dizon, Aquino laments Gloria Arroyo exoneration,
Philippine Daily Inquirer, 01:53 AM July 22nd, 2016m,
http://newsinfo.inquirer.net/798073/aquino-laments-gloria-arroyo-exoneration
[6] CNN
Philippines Staff, SC releases decision to dismiss plunder case vs Arroyo,
Updated 16:13 PM PHT Thu, July 21, 2016, http://cnnphilippines.com/news/2016/07/21/SC-releases-decision-to-dismiss-plunder-case-vs-Arroyo.html
[7] Maricar B. Brizuela, Arroyo eagerly awaits
release, Philippine Daily Inquirer, 03:18 PM July 21st, 2016, http://newsinfo.inquirer.net/797886/arroyo-eagerly-awaits-release
[8] Arroyo's
euphoria dampened by delay in her release, says ally
ABS-CBN
News, Posted
at Jul 21 2016 07:50 PM,
http://news.abs-cbn.com/video/nation/07/21/16/korte-suprema-hindi-napatunayang-nakialam-si-arroyo-sa-pondo-ng-pcso
[9] SC acquits
Gloria Arroyo of plunder, sets her free, Published 12:26 PM, July 19, 2016,
Updated 10:52 AM, July 20, 2016, http://www.rappler.com/nation/140200-supreme-court-ruling-gloria-arroyo
[10] FULL TEXT:
Supreme Court ruling on Gloria Arroyo's plunder case
(philstar.com) | Updated July 21, 2016 -
4:36pm, http://www.philstar.com/headlines/2016/07/21/1605176/full-text-supreme-court-ruling-gloria-arroyos-plunder-case
[11] De Lima on
SC's Arroyo ruling: Why wait for change in admin?, Published 3:40 PM, July 19,
2016, Updated 4:55 PM, July 19, 2016, http://www.rappler.com/nation/140245-leila-de-lima-reaction-supreme-court-ruling-gloria-arroyo
[12] Teresa S.
Abesamis, What kind of president should we elect if we want a better Supreme
Court?, http://www.bworldonline.com/content.php?section=Opinion&title=what-kind-of-president-should-we-elect-if-we-want-a-better-supreme-court&id=114523
[13] Mara Cepedad,
Gloria
Arroyo walks free after nearly 4 years, Published 6:24 PM, July 21, 2016,
Updated 7:40 PM, July 21, 2016
[14] Estrella
Torres, Gil C. Cabacungan, SC orders release of Arroyo, Philippine Daily
Inquirer, 12:00 AM July 20th, 2016, http://newsinfo.inquirer.net/797380/sc-orders-release-of-arroyo
[15] FULL TEXT:
Supreme Court ruling on Gloria Arroyo's plunder case
Updated
July 21, 2016 - 4:36pm, http://www.philstar.com/headlines/2016/07/21/1605176/full-text-supreme-court-ruling-gloria-arroyos-plunder-case
[16] Mara Cepeda,
Gloria Arroyo thanks Duterte, justices: 'Have faith in justice system',
Published 3:41 PM, July 19, 2016, Updated 10:58 PM, July 19, 2016, http://www.rappler.com/nation/140250-gloria-arroyo-reaction-supreme-court-acquittal
[17] Rosette Adel,
FULL TEXT: Dissenting opinions of SC justices on Arroyo case
Updated
July 21, 2016 - 6:24pm, http://www.philstar.com/headlines/2016/07/21/1605181/full-text-dissenting-opinions-sc-justices-arroyo-case
[18] Rosette Adel,
FULL TEXT: Dissenting opinions of SC justices on Arroyo case,Updated July 21, 2016 - 6:24pm, http://www.philstar.com/headlines/2016/07/21/1605181/full-text-dissenting-opinions-sc-justices-arroyo-case
[19] Yen Makabenta, Arroyo’s and Corona’s ordeal: It was always about
Hacienda Luisita, May
30, 2014 9:49 pm, http://www.manilatimes.net/arroyos-and-coronas-ordeal-it-was-always-about-hacienda-luisita/100454/
[20] De Lima on
SC's Arroyo ruling: Why wait for change in admin?, Published 3:40 PM, July 19,
2016, Updated 4:55 PM, July 19, 2016, http://www.rappler.com/nation/140245-leila-de-lima-reaction-supreme-court-ruling-gloria-arroyo
[21] Mara Cepeda,
Gloria Arroyo walks free after nearly 4 years, Published 6:24 PM, July 21,
2016, Updated 7:40 PM, July 21, 2016
[22] SC acquits
Gloria Arroyo of plunder, sets her free, Published 12:26 PM, July 19, 2016,
Updated 10:52 AM, July 20, 2016, http://www.rappler.com/nation/140200-supreme-court-ruling-gloria-arroyo
[23] Mara Cepeda,
Gloria Arroyo thanks Duterte, justices: 'Have faith in justice system',
Published 3:41 PM, July 19, 2016, Updated 10:58 PM, July 19, 2016, http://www.rappler.com/nation/140250-gloria-arroyo-reaction-supreme-court-acquittal
[24] Estrella
Torres, Gil C. Cabacungan, SC orders release of Arroyo, Philippine Daily
Inquirer, 12:00 AM July 20th, 2016, http://newsinfo.inquirer.net/797380/sc-orders-release-of-arroyo
[25] Mara Cepeda,
Gloria Arroyo thanks Duterte, justices: 'Have faith in justice system',
Published 3:41 PM, July 19, 2016
Updated
10:58 PM, July 19, 2016, http://www.rappler.com/nation/140250-gloria-arroyo-reaction-supreme-court-acquittal
No comments:
Post a Comment