Karen Davila (TAGAPAMAGITAN)
At ang pangalawang isyu natin – matindi at
perwisyong traffic. Wala na itong pinipiling oras o araw po sa Metro Manila,
pati po pagsakay ng MRT at LRT, pahirapan.
Tiis-tiis na lang ba tayo lagi? Ito po ang kuwento
ni Aling Perla.
Suan (Botante): Magandang gabi po. Sa tinagal-tagal po na nag-cocommute ako, talaga
pong sobra na po yung perwisyo na dulot ng traffic ngayon. Nanghihinayang na
po kami sa oras, pagod, pera na nasasayang namin na dapat sana naibibigay
namin sa pamilya namin.
Ngayon po, bilang mga kandidato, ano po ang
agarang solusyon na maibibigay niyo sa amin para po sa kalbaryo namin sa
trapiko hindi lamang po sa EDSA, sa ka-Maynilaan, pati na rin po sa buong
Pilipinas?
Maraming salamat po.
|
SENATOR MIRIAM
DEFENSOR-SANTIAGO
|
||
MARKA
|
||
MAKATOTOHANAN
|
ILUSYON
|
|
PANGALAWANG ISYU – PERWISYONG
TRAPIKO
|
||
5
|
0
|
|
Una, kailangan nating magtayo ng bagong riles ng tren
konektado sa Maynila patungo sa mga lalawigan ng Bulacan, Cavite at Laguna. (1)
Pangalawa,
kailangan nating magkaroon ng buong bagong riles
ng tren konektado sa Maynila papuntang Sorsogon. (2)
Pangatlo,
kailangan natin magkaroon ng modernong paliparan
dahil tayo’y tinaguriang may pinakapangit na paliparan sa buong mundo. (3)
Panghuli,
ang pangulo ay marapat na umapela hinggil sa
matinding disiplina sa hanay ng mga motorista maging ito man ay pampubliko o
pribado. At kailangan niya’y magtiwala sa LTO (Land Transportation
Office) para masigurado na ang mga kumukuha ng
lisensiya ay kuwalipikado sa kadahilanang makakakuha ka ng lisensiya anumang
oras. (4)
Kaya
may mga pamamaraan upang maresolba ang problemang pantrapiko at hindi
kailangang maging desperado. Ang tulong ay darating, ngunit alam ko ang
pangggagalingan ng pondo – kung saan ang
paggagastuhan ng lahat ng mga ito – kung sino ang magpopondo ng mga
proyektong ito maliban kung ako’y maaaring sumobra (5).
Una,
kung tayo’y magtatayo ng imprastraktura.
Pangalawa, kung tayo’y – ang mga industriya ay matatag. At pangatlo, kung ang ating agrikultura ay
moderno.
|
||
KOMENTARYO:
|
||
1). Bagamat ang mga proyektong ito ay kasalukuyan
nang inuumpisahan base sa pahayag ni Sec. Mar Roxas, inari ko itong
makatotohanan dahil kilala naman siya sa paggawa. Ang mga proyektong ito ay maaari o
posibleng hindi matapos depende sa galaw ng korupsiyon sa bansa na may
direktang epekto sa pagpapatakbo ng pangpinansiyal na usapin ngunit dahil sa
siya’y kilala sa paglaban sa korupsiyon, ito’y magiging posible.
|
MAYOR RODRIGO DUTERTE
|
||
MARKA
|
||
MAKATOTOHANAN
|
ILUSYON
|
|
PANGALAWANG ISYU – PERWISYONG
TRAPIKO
|
||
4
|
1
|
|
Walang tansong bala at mahika ang makakaresolba
ng problemang pantrapiko sa kasalukuyan.
At ang anim na taon na kaloob sa presidente – ay maaring mapahusay ko ito sa loob ng isa o hanggang
dalawang taon. (1)
Isang MRT, LRT at magtayo ng
panibago kagaya ng suhestiyon ni – mangopya ako Madam Santiago. Kailangan
nating magtayo ng mga bagong riles ng tren, ang pinakamabilis at kung saan,
maaari ay sa Ilog Pasig, dahil hindi na
kailangan bumili ng kaukulang right of way para sa kalyeng pagtitirikan nito.
(2)
Ganunpaman, kailangan ko pa ring palaguin ang kasalukuyang sitwasyon.
Kaya ay kakausapin ko
ang LRT at MRT upang magdagdag ng mga tren at kailangang kada sa loob ng sampu
o limang minuto ay mayroong ano…bilang tugon sa mga tao ng walang limitasyon, (3) ang
mga kakalsadahan ng mga sasakyan.
Naglalabas tayo ng higit 300,000 sasakyan kada
buwan. E yan, papasok lahat yan sa
ating highway, sa ating EDSA. Saan natin ilalagay yan? At di natin mapipigil ito maliban na lang
kung mapapaunlad natin ang pampublikong transportasyon, at kailangang subukang ipaliwanag na ang mga bulok at mga
naunang modelo ay isa-isang mawala sa EDSA.
(4)
Yun lamang ang tanging solusyon na maaaring (mangyari). Bukod
dito ay walang ibang solusyon para sa problemang ito. (1)
Yan ang realidad sa kakalsadahan.
|
||
KOMENTARYO:
|
||
1).
Dahil may naiprisenta si Sen. Grace Poe na posibilidad ng pagtatayo ng subway
system bilang ibang alternatibo, ang kanyang sinasabi sa bahaging ito na ito
lamang ang tanging solusyon sa problema pantrapiko ay hindi makatotohanan.
|
SENATOR GRACE POE
|
||
MARKA
|
||
MAKATOTOHANAN
|
ILUSYON
|
|
PANGALAWANG ISYU – PERWISYONG TRAPIKO
|
||
8
|
0
|
|
Marami po tayong pwedeng gawin.
Hindi ganun kadali pero umpisahan natin sa road clearing at widening. Kailangan may disiplina. Hindi po
personal parking lot ng ating mga kababayan ang mga kalsada. Umpisahan dun,
ipatupad yung batas. (1)
Pangalawa, yung mga
naumpisahang proyekto, katulad ng South Luzon Skyway at saka yung North Luzon
Connector Road dapat tapusin na yun. (2)
Yung ating MRT 7 na nag-break
ground na, dapat yung kanilang proposed delivery ng 2018, tutukan (3) para yung mga kababayan natin
mula Trinoma hanggang San Jose del Monte, Bulacan ay makabiyahe.
Yung LRT extension na matagal ng
pinangako hanggang Cavite, dapat magawa na yan. (4) Yan po yung nakikita natin sa ngayon.
Ngayon, ang long-term, huwag dapat maikli lamang
ang plano natin. Isipin natin sa pangmatagalan.
Alam mo, posible
magkaroon ng subway system eh para mas mabilis ang byahe kung (5) – sabi nila binabaha dito, eh pero yung
subway sa ibang bansa, sa ilalim ng karagatan dumadaan, kaya puwede dito.
Pangalawa, yung PNR
nga dapat makarating noon, panahon pa ng 1800s nakakarating na yan sa
Dagupan, (6) bakit hindi ngayon.
Limang taon lang from Manila to Dagupan, natapos na nila, tayo hanggang
ngayon wala pa.
Tapos, ako’y
mag-aappoint ng isang secretary na traffic terminator. Wala siyang gagawin
kundi babantayan ang bawat proyekto na matapos, right of way, dapat mabilis
na maibigay para hindi nakababad. (7)
Cebu, dapat meron ding MRT, dapat
Cagayan de Oro…At ibang parte ng Pilipinas. (8)
|
||
KOMENTARYO:
|
||
1). Ang maganda rito ay ang pagbanggit niya sa sa
mga proyekto ng kasalukuyang administrasyon na nangangahulugan na hindi niya
inaari ang mga pagpagal na hindi kanya.
Ito’y magandang senyales na markado ng isip niya ang mga nakabinbing
proyekto na kinakailangang tapusin ng susunod na administrasyon, kaysa
tanggkaing ikundisyon ang pag-iisip ng mamamayan na konsepto niya ito at
gagawin itong mga proyektong ito pag siya’y nakaupo na, samantalang ang
katotohanan ay naumpisahan na pala ito sa ilalim ng pinalitang
administrasyon.
|
SECRETARY MAR ROXAS
|
||
MARKA
|
||
MAKATOTOHANAN
|
ILUSYON
|
|
PANGALAWANG ISYU – PERWISYONG
TRAPIKO
|
||
7
|
1
|
|
Nauunawaan ko yung kalbaryo na pinagdadaanan mo,
Perla Mae, at ito naman talaga ang tinututukan natin.
Etong katotohanan, yung mga ipinapangako pa lang
ng ating katunggali ay ginagawa na.
Halimbawa, sa MRT, pinangako nila na dadagdagan
nila yung mga bagon, sa ngayon, may programa po tayo. Bawat buwan po, labingdalawang bagong bagon ang dumadating dito at isinasama
sa kasalukuyang sistema. (1)
Pagkatapos ng isang taon, 144 ang
madadagdag na bagon. (2) Yung mga rail car diyan sa MRT 7 na yan.
Yung MRT – sa MRT 3 na yan. Yung sa MRT 7 nag-ground break na. (3) Meron tayong financial close, merong
awarding, at ginagawa na. Nasimulan na at merong deadline kung kelan
matatapos ito.
Yung extension, LRT 2 hanggang doon
sa Antipolo, sa Masinag, ginagawa na rin po yun at matatapos yun by 2017. (4)
Yung sinabi kanina na extension ng LRT 1
patungo hanggang sa Bacoor, dadalhin natin yan sa Dasmariñas at hanggang sa
Calamba. (5) Yan yung mabilis na
riles na gagawin natin tuluy-tuloy.
Naka-bid-out na yan. Na-bid-out na
yan hanggang sa Bacoor. At yan naman po yung phase 2 patungo sa Calamba.
Ginagawa na po lahat yan. (6)
Pero ang mas importante, yung pag-overhaul ng mga prangkisa. Iisang bus, ibi-bid-out natin ito para hindi nag-aagawan ang mga
bus sa mga pasahero at inuukopa nila ang napakaraming mga lanes. (7) Yan ang mga
konkretong......solusyon na gagawin natin. (1)
|
||
KOMENTARYO:
|
||
1). Ang mga
proyektong ito bilang solusyon sa
trapiko ay mahusay dahil sa personal na karanasan, ako ay kumukunsumo ng
tatlong (3) oras galing sa aming bahay nang ako’y nagtatrabaho sa Ortigas
Center at mahigit dalawang (2) oras papuntang Makati nang ako’y nagtatrabaho
sa siyudad na ito. Ang lahat ng ito ay dahil sa sobrang
trapiko hindi lamang sa kahabaan ng Emilio Aguinaldo Highway kundi maging sa
EDSA.
Ganunpaman, dapat ay tiningnan din ang
posibilidad para sa napipintong paglipatan ng mga pasahero na dati ay sa bus
at ngayon ay mapupunta sa MRT. Ang
operasyon ng bus ay apektado na ngayon ang kita kaya ano ang posibleng
mangyayari sa mga konduktor ng bus at drayber? Ano ang mga alternatibong trabaho ang
pupuwede sa lahat ng edad pag dating ng panahon na hindi na maganda ang
negosyo sa bus dahil sa naglipatang mga pasero papuntang MRT? Ang limitadong
pasahero ay nagngangahulugan ng limitadong bus sa mga kakalsadahan, at ang
limitadong bus sa kalye ay nagangahulugan ng limitadong empleyado.
|
VICE PRESIDENT JEJOMAR BINAY
|
||
MARKA
|
||
MAKATOTOHANAN
|
ILUSYON
|
|
PANGALAWANG ISYU- PERWISYONG
TRAPIKO
|
||
3
|
1
|
|
Alam po ninyo, Aling Perla ha - Aling Perla ha,
yan mga plano, gabundok ho ang planong programa sa pagharap sa problema ng
traffic. Eh ganun pa rin ho ang problema. Bakit ho? Eh kasi yun hong
pagpapatupad hindi nangyayari, ha. Kaya nga yung mga
plano-plano, sayang lang yan kung walang karanasan magpatupad at walang
kakayahang magpatupad. (1)
Ibig ko pong sabihin Aling Perla eh gagawin, ilalagay ko po diyan ang isang competent, may
kakayahang mamuno diyan sa problema ng trapiko. (2) Katunayan eh balak ko ho na paghatiin yung DOTC (Department of Transportation and Communication) (1)
Yun hong magkakaroon po ng Department of
Transportation at meron po namang Department on Communication.
Pangatlo, alam po ninyo, naging gobernador po ako
ng Metro Manila. Naging – namuno po ako sa Metro Manila Development
Authority. Eh ang giya po sa pagharap sa problema
ng traffic eh tatlo po yan – education, enforcement, engineering. (3)
Yun pong engineering ha......ang dami na hong
plano niyan, magagandang plano. Yung iba nga ho ay nabanggit dito eh. Hindi
naman ho mababago yan eh. Kaya lang hindi ho natupad, hindi ho nangayari. Eh
yung mga dapat magpatupad mali-mali naman at palpak ang pagkakatupad.
|
||
KOMENTARYO:
|
||
1). Ako’y
sumasang-ayon na ang implementasyon nga ang problem dahil ako mismo ay
nakakapansin ng di maayos na pagpapatupad ng pagsupil ng trapiko. May mga pampublikong sasakyan na nakatigil
sa ibang bahagi ng kakalsadahan na para bang ito’y kanilang terminal para
maghintay ng daluyong ng mga pasahero, na bumabara ng mga daan kung kayat
nagkakatrapik.
Pangalawa
mayroong ibang mga stop lights na hindi gumagana kaya ang daluyong ng
mga sasakyan ay hindi mabalanse. Alam
ko dahil ako’y ahente kaya araw-araw ay nasa iba’t ibang bahagi ako ng
kamaynilaan.
Ang lagay
system ay maituturing na isa rin sa mga dahilan dahil ang mga lumalabag
ay hindi nadidisiplina dahil sila’y tiwala na malilinis din naman ang anumang
paglabag sa pamamagitan ng suhol.
|
Karen Davila (Tagapamagitan)
Ngayon may 30 segundo pa tayo. Sa puntong ito,
puwede kayong magreact, klaruhin o hamunin ang sino man sa inyo sa narinig po
ninyong plano ng inyong mga katunggali.
|
SENATOR MIRIAM
DEFENSOR-SANTIAGO
|
||
MARKA
|
||
MAKATOTOHANAN
|
ILUSYON
|
|
PANGALAWANG ISYU – PERWISYONG
TRAPIKO (REAKSIYON)
|
||
0
|
1
|
|
Oo, kanina binanggit ko na magkakaroon tayo sa darating na anim na taon ng new capital
city, malapit sa bahagi ng Clark. At sa siyudad na ito, ay magkakaroon hindi
lamang ng bagong sentro ng gobyerno kagaya ng sa Malaysia, isang IT Park
ngunit maging educational center. (1)
|
||
KOMENTARYO:
|
||
1). Ang
plano ay maganda pero ang pahabol na tanong ay pareho rin: Kailan ito
magaganap? Ang problemang pantrapiko
ay kailangan ng agarang solusyon dahil ito’y nakaapekto sa produksiyon hindi
lamang ng mga korporasyon kundi maging sa pampamilyang aspeto dahil ito’y
kumakain ng malaking panahon na dapat ay nagugol na sana para sa mga mahal sa
buhay .
|
Karen Davila (Tagapamagitan)
Mayor Duterte, kanina binanggit niyo at sa ibang
mga interview walang solusyon sa trapiko sa Metro Manila. May sinabi pa kayo
sunugin na lang lahat ng kotse.
|
MAYOR RODRIGO DUTERTE
|
||
MARKA
|
||
MAKATOTOHANAN
|
ILUSYON
|
|
PANGALAWANG ISYU – PERWISYONG
TRAPIKO (REAKSIYON)
|
||
1
|
1
|
|
Hindi, at ang sinabi ko ay walang mabilisan at
kaagarang solusyon dyan. Kagaya ng sabi ko, hangga’t
patuloy ang pagdagdag natin ng mga bagong sasakyan o kahit yung mga binuo,
ang trapiko ay mananatiling problema. (1) Ito’y pang-masang transportasyon. Dagdagan mo ng train, ang extension, dahan-dahan lang.
Yan ay magagawa sa loob ng anim na taon. (1)
At yung isa ay sa pangmatagalan - kopyahin ko na
lang yung sabi ni ma'am, maganda naman yun.
|
||
KOMENTARYO:
|
||
1). Ang
pagtigil ng paglalabas ng mga bagong kotse ay mangangahulugan ng pagtigil ng
importasyon ng kotse. Ang pagtigil ng
importasyon ay mangangahulugan ng pagbaba ng kita ng industriya ng
kotse. Paano sila mabubuhay sa loob ng
partikular na panahon ng pagtitigil ng importasyon? Kung magkaganun, gaano katagal ang
pagpapatigil nito?
|
Karen Davila (TAGAPAMAGITAN)
Senator Grace Poe, sino ang traffic terminator na
kukunin po ninyo?
Davila:
|
Sen. Grace Poe: Bawas ba yun sa oras ko? Kasi meron akong
gustong idagdag. Hindi?
Karen Davila: May pangalan ba?
|
SENATOR GRACE POE
|
||
MARKA
|
||
MAKATOTOHANAN
|
ILUSYON
|
|
PANGALAWANG ISYU – PERWISYONG
TRAPIKO (REAKSIYON)
|
||
2
|
1
|
|
Meron – hindi. Wala pang pangalan, pero dapat may
kakayanan, may engineering background, o may talagang expertise sa traffic.
Pero, Karen, ito yung gusto ko ring sabihin, ano.
Marami ngang magagandang plano, pero pag hindi
naman nai-implementa, balewala. (1)
Katulad nyan, yung ibang mga proyekto, sa bidding
pa lang umabot na ng tatlong taon. Importante
talaga na tututukan ng pangulo. Iba ang tawag ng pangulo sa mayor, “Mayor,
yung right of way dyan problema.” Para mas mabilis. (2)
Pero gusto ko rin sabihin, isa rin ang pwede nating bigyan insentibo yung mga driver. Pag tama
yung ginagawa nila, dapat may reward sila. (1)
|
||
KOMENTARYO:
|
||
1). Ang
pampalubag-loob para sa mga drayber ay binigyan sana ng kalkuladong halaga
kung magkano para naging mas nagmukhang kapani-paniwala, mas kaengga-engganyo
at mas kapaki-pakinabang.
|
SECRETARY MAR ROXAS
|
||
MARKA
|
||
MAKATOTOHANAN
|
ILUSYON
|
|
PANGALAWANG ISYU – PERWISYONG
TRAPIKO (REAKSIYON)
|
||
1
|
0
|
|
Nais ko lang tukuyin yung sinabi ni Vice
President Binay na hihiwalayin nya or hahatiin nya yung DOTC. Samakatuwid, sa
isang malawakang pag-aaral, isang dahilan kung bakit ma-trapik sa Metro
Manila ay dahil hiniwalay yung DOTC, yung transport doon sa DPWH (Department
of Public Works and Highways) kaya hindi magkatugma ang mga plano. Yung mga
kalye, yung mga riles......yung mga underground, hindi magkakatugma.
Ako, ibabalik ko yung
transport at yung DPWH, yung gumagawa ng kalye at yung gumagawa ng tren,
dapat......isang pamunuan, para tugma ang mga plano. (1)
|
Karen Davila (Moderator)
Vice President Binay, sa inyong turno na po at 30
segundo para sa pahayag.
|
VICE PRESIDENT JEJOMAR BINAY
|
||
MARKA
|
||
MAKATOTOHANAN
|
ILUSYON
|
|
PANGALAWANG ISYU – PERWISYONG
TRAPIKO (REAKSIYON)
|
||
1
|
0
|
|
Idadagdag ko lang po. Sana ho yung sa riles ng
tren maiayos na po natin. Tiga-Makati po ako, eh Alam mo yung riles ng train?
Tumitigil pa yun sa Makati. Dapat ho eh,
nagkakasalubungan na. Dahil sa alam niyo ba ang isang riles ng train,
katumbas po yan ng apat na kalye. (1) So, kailangan ho tayong magkaroon ng efficient
mass transit.
|
||
KOMENTARYO:
|
||
1). Ito’y malaking tulong para sa mga
bumabiyaheng publiko kung magawang two-way ito dahil ito’y mangangahulugan ng
mas maraming biyahe para maiwasan ang matagal na paghihintay.
|
No comments:
Post a Comment