yourimagetitle
yourimagetitle
yourimagetitle
yourimagetitle
yourimagetitle

Adsense

Adsense

Adesense

Saturday, April 23, 2016

Debate: Plataporma panggobyerno ng mga kumakandidatong Presidente na tututukan ng bansang Pilipinas





Tony Velasquez (TAGAPAMAGITAN)

Philippine Sea. Alam po natin na agresibo ang China sa pag-angkin ng ilang bahagi ng ating karagatan.

Hindi lamang ito banta sa seguridad ng ating bansa, kundi apektado na rin pati ang mga kabuhayan ng mga mangingisda. Pakinggan po niyong mabuti ang kuwento ni Mang Carlo.

Carlo: Sa inyo pong tumatakbong maging pangulo ng ating bansa, ano po ba ang puwede niyong gawin para sa aming mangingisda upang matulungan kami na hindi itaboy ng Chinese Coastguard at para maka-pamingwit kami ng mabuti ng mapayapa? Yun lang po.

So sana nga po ay matugunan niyo ang kanyang problema at ang problema po ng lahat ng mga mangingisda ngayon doon sa West Philippine Sea.




VICE PRESIDENT JEJOMAR BINAY
MARKA
MAKATOTOHANAN
ILUSYON
UNANG ISYU - POSISYON UKOL SA PHILIPPINE SEA
3
1

Alam mo brod, naintindihan ko ang hirap na dinadanas ninyo ano ha. Biro mo dati-rati, libre ang pangingisda ha, ang una kong gagawin eh gagawa ako ng paraan upang makausap ko ang pamunuan ng Tsina na kung maaari habang pinag-uusapan pa ang pagmamay-ari ng mga lupang iyan, eh kayo eh payagang mangisda. (1)

Pero habang nag-uusap-usap pa eh pipilitin ko na kayo brod, eh mabigyan ng puhunan para kayo ho ay magkaroon ng livelihood ha. (1)

Pangatlo, eh yun hong pangangailangan – kaya kayo ho’y nangingisda dahil sa gusto ho ninyong mapaaral ang anak ninyo ha. Bibigyan ho natin ng free education po yung anak ninyo. (2) Kaya ho kayo nangingisda eh dahil ho sa yun hong mga gamot at pagka-hospital, e libre gamot, libre hospital ha. (3)

Yun hong ibang pangangailangan pa ho ninyo, nandiyan po ang pamahalaan para tumulong sa pang araw-araw na kailangan ninyo sa buhay ninyo.

KOMENTARYO:

1). Dahil nangangailangan ng agarang pagtugon itong gulo sa karagatan, importanteng nailatag dapat ang palugit o panahon para sa pagresolba sa argumentong ito sa pagitan ng Tsina at Pilipinas dahil ito’y naglalagay sa alanganin hindi lamang ng hanap-buhay ng mga mangingisda kundi pati na rin ng buhay nila at seguridad ng bansa.   Mas maganda sana kung klinaro ng bise-presidente king gaano katagal bago maresolba ito gamit ang kanyang mga emisaryo. 




SENATOR MIRIAM DEFENSOR-SANTIAGO
MARKA
MAKATOTOHAHAN
ILUSYON
UNANG ISYU - POSISYON UKOL SA PHILIPPINE SEA
1
1

Dalawang paraan para makatulong ang gobyerno sa inyo. Una, legal. At pangalawa, diplomasya.

Sa legal na paraan, kung nandiyan sila sa ating katubigan at kinukuha pa ang isda natin – kamukha nung sinabi ko nung Immigration Commissioner ako, tatawagin ko ang Coast Guard, bombahin ko yung mga iyon. (1)

Ngayon, ang pangalawang paraan naman ay ang diplomatiko. Kausapin natin sila. Tapos sasabihin natin, “Mayroon kaming pandaigdigang publikong opinyon sa aming likuran.” (1)

Ang paniwala ng buong mundo na atin talaga yung tubig na yan eh. Kaya huwag niya tayong paandaran ng ganyan.

Yun lamang.

KOMENTARYO:

1). Hindi ko maarok ang pag-iisip ni Sen. Santiago kung siya ay nagbibiro o seryoso dahil kapag tinawag niya ang coast guard para bombahin yung mga sumusunggab sa lugar (kahit ito’y sa legal na basehan) ay hindi posible dahil una sa lahat ang bansa ay walang sapat na pagkukuhanan kung kagamitan ng panggiyera ang pag-uusapan halImbawang rumesbak ang kabila ng parehong bayolenteng pamamaraan.

Ang bansa ay walang ibang lalabasan kundi ang idepensa ang sarili laban sa matitigas na katabing bansa, pero ang diplomasya ay laging pinakamabuting alternatibo hanggat maaari.



 
MAYOR RODRIGO DUTERTE
MARKA
MAKATOTOHANAN
ILUSYON
UNANG ISYU – POSISYON UKOL SA PHILIPPINE SEA
3
1

Alam mo, dapat malaman natin kung saan tayo ngayon. Tayo’y dumulog sa tagapamagitan. Parang korte, international. At isinumite natin ang ating mga papeles at mga dokumento, o ang ating pagmamay-ari. (1)

Ang Tsina naman po, ay iginigiit ang soberanya na kanila pero ayaw nilang magpasakop sa awtoridad. Ganunpaman, sumunod man sila o hindi, ang korte o tagapamagitan ay magpapatuloy at didinginggin ang kaso. (2)

Ngayon pag-sinabi panalo tayo, ayaw ng Tsina. Hindi ako makikipaggiyera. Sabi ng dalawang – bantog na tagapagsalita, “Pupunta ako sa Tsina.” (3)

Ngayon pag ayaw nila, saka ko tatawagin ang navy para dalhin ako sa pinakamalapit na boundary dyan sa Spratly Scarborough. Bababa ako, sasakay ako ng jet ski, dala-dala ko yung bandila ng Pilipino at pupunta ako doon sa airport nila tapos itatanim ko, at sasabihin ko, “Ito ay amin at gawin ninyo kung ano ang gusto ninyo sa akin.” Bahala na kayo. (1)

Igigiit ko ang pag-angkin na yan...at kung gusto nila – alam mo, eh matagal ko ng ambisyon yan na maging bayani rin ako.

Pag pinatay nila ako doon, bahala na kayong umiyak dito sa Pilipinas.

KOMENTARYO:



SENATOR GRACE POE
MARKA
MAKATOTOHAHAN
ILUSYON
UNANG ISYU – POSISYON UKOL SA PHILIPPINE SEA
7
1

Nakikisimpatya ako sa inyong problema. Ang totoo po niyan ang ibang bansa sa Asya pinoprotektahan talaga ang kanilang mangingisda. Ang mga Indonesians ganun.

Ang Tsina nagbibigay ng radyo sa kanilang mga mangingisda at pag tayo ay nakakasalubong nila, tinatawagan nila ang kanilang coastguard at sinasalba sila. Tayo, wala tayong matawagan. (1)

Unang-una, dapat dagdagan natin ang ating mga coastguard na mga barko. Pwede natin i-order yan kahit sa Cebu. (2)

Pangalawa, bigyan natin ng radyo ang ating mga mangingisda para may tutulong sa kanila. (3) Nakita nyo yung kwento doon sa may Infanta? Meron isa, s'ya na nagbabato sa mga Tsino.

Ngayon, tama, kailangan ninyo ng iba pang pangangailangan katulad ng scholarships para sa inyong anak (4) at pambili na rin ng mga bagong kagamitan sa pangingisda. (5) Iyan po ay kasama sa programa namin.

Bawal din kasi ang mga commercial fishing vessels mga 15 kilometers mula sa baybayin. Hindi po pwede kayong agawan ng isda doon sa mga lugar na yun kaya dapat kausapin ang local government na tulungan talaga kayo. (6)

Pero hindi pribado – hindi po personal aquarium ng mga Intsik ang West Philippine Sea. Atin yon at dapat (1) hikayatin natin ang ating mga kakampi, kung tunay silang kaibigan, tulungan talaga nila tayo at huwag natin isuko yon. (7)

Salamat po.

KOMENTARYO:

1). Kung ang West Philippine Sea ay hindi Tsinong pribadong aquarium, marapat lamang na ang legal na pagmamay-ari nito ay dapat mabigyan na ng diin sa korte sa lalong madaling panahon dahil ang isyung ito ay matagal nang panahon, bago ito makapadgulot ng mas malaking pinsala sa komunidad at sa buong bansa sa pangkalahatan. Kailan maaayos ang gusot na ito na humigit kumulang ay limang taon na itong isinasaayos?  Itong pagtatalo sa pagitan ng Pilipinas at Tsina sa Panatag (Scarborough) ay nag-umpisa noong Abril 2011 nang ang puwersang Pilipino ay may namataang mga Tsinong mangingisda na naghahakot ng lamang-dagat sa naturang lugar. [1]





SECRETARY MAR ROXAS
MARKA
MAKATOTOHAHAN
ILUSYON
UNANG ISYU – POSISYON UKOL SA PHILIPPINE SEA
4
2

Manong, ito ang katotohanan. Dalawa ang aspeto sa problema mo. Isa, yung problema mo, personal. At tulad ng iba pang mga mangingisda tulad mo, nandyan yan sa may Zambales at Pangasinan coast. At pangalawa, yung international na aspeto.

Tugunan muna natin yung tungkol sa iyo. Importante dito na mapanatili mo, maitaguyod mo ang iyong pamilya kaya cash for work,  (1) automatic 4Ps, (1) automatic PhilHealth para may katiyakan ka sa buhay, (2) may pagkukunan ka ng pang-araw-araw mong pangangailangan.

Dagdag pa doon, yung pag-asa mo para sa iyong mga anak, ipagpapatuloy natin sa pamamagitan ng pagsisiguro na makakapag-aral sila. (3)

Hindi lang yung mga anak mo dahil nandito ka sa ABS-CBN, pero sa lahat ng mga mangingisda na tulad mo na apektado nitong hidwaan na ito. (4)

Pagdating naman natin sa international, tanggapin natin na dehado tayo sa sitwasyon natin sa Tsina. Mas marami silang barko, mas maraming baril, mas maraming aircraft, may nuclear, at iba pa. (2)

Subalit, hindi natin dapat isuko kung ano ang atin. Kaya tayo’y dumulog sa korte, tayo ay humingi ng tulong sa international. Magpapasya ang international pabor sa atin. Ang kabuuan ng impluwensya at ng tulong ng international ngayon ay maaasahan natin. Yan ang ating katayuan at yan ang ating gagawin. Tutugunan ang pangangailangan mo pero hindi natin isusuko ang atin.

KOMENTARYO:

1). Magandang isipin na ang gobyerno ay makapagbibigay ng tulong kagaya ng automatic 4Ps, automatic Philhealth bilang seguridad ng buhay at edukasyon ng mga bata para sa mga apektadong mangingisda habang nasa gitna ng gulong ito na hindi pa nasusulusyunan.

Manipestayon ito ng maluwag na pagtulong ngunit hindi makatotohanan dahil hindi naibigay ang konkretong proseso base sa isinaad na ideya sa taas.

2). Ano ang plan B kung hindi paborable ang internarnasyonal na pamamagitan ng korte at kahandaan sa hidwaan?






PAGES


1


2


3


4


5


6


7


8


9











[1] RSJ/KG, GMA News, Trillanes claims backchannel talks with China a confidential mission from PNoy, Published September 19, 2012 11:00am, http://www.gmanetwork.com/news/story/274673/news/nation/trillanes-claims-backchannel-talks-with-china-a-confidential-mission-from-pnoy

No comments:

Post a Comment

Adsense

Adsense

Adesense



yourimagetitle
Visit us @ FRIENDS OF THE DIVINE MERCY
Visit us @ FRIENDS OF THE DIVINE MERCY

Adsense

Adsense