Tony Velasquez (Tagapamagitan)
Bagong
bayani, lumang problema. Higit sampung milyong pilipino ang
nakikipagsapalaran sa ibang bansa, nangungulila, nagsasakripisyo para
mabigyan ng magandang buhay ang kanilang mga pamilya.
At sabi nga ni Nanay (Christy), darating pa kaya
ang panahon na makakauwi silang mga OFW at hindi na kailangang umalis pa
muli. Panoorin natin ‘to.
Wala po akong katabi dito ngayon. Pero ang ilan
po sa ating mga kababayan na nasa Dubai ay kasama natin ngayon. Naghihintay
po sila na marinig ang inyong sagot. Sila po ay nanonood via Skype.
Unahin po natin ang sagot ni Senator Poe.
|
SENATOR GRACE POE
|
||
MARKA
|
||
MAKATOTOHANAN
|
ILUSYON
|
|
PANGATLONG ISYU - PERMANENTENG TRABAHO
|
||
7
|
0
|
|
Talagang bagong bayani ang ating
mga kababayan na OFW. At ako'y taus-pusong nagpapasalamat sa kanila sapagkat
talagang sinalba ninyo ang ating bayan at ekonomiya nang ilang dekada. (1)
Mga kababayan, ito ang pwede kong gawin para sa
inyo. Magkakaroon tayo ng portable Philhealth
Card na pwede ninyong gamitin saan man sa mundo. (2)
Bakit? Dahil ang binibigay ninyong
buwis sa ating bayan o kita sa ating bayan ay $26 billion. Sa VAT pa lang
nun, P150 billion na, na puwede nating gamitin sa inyo. (3)
Magkakaroon ng 24-hour hotline para
sa ating mga kababayan na may problema dun. (4)
Makikipag-usap kami, bilateral
talks, sa ibang bansa para maprotektahan kayo kasama ng Saudi Arabia na ayaw
natin ang Kafala System nila, na
hindi nakakatulong sa inyo. (5)
Mga kababayan, pero ang
aking gusto talagang gawin ay ihanda ang ating ekonomiya para kung gusto
ninyong umuwi ay may trabaho kayo. (6)
Marami tayong mga teachers na nagtatrabaho bilang katulong sa ibang bansa,
pero may mga ilang – may mga alam na kayong lengguwahe
na ‘pag dumating kayo dito kailangan namin kayo dahil kulang ang mga teachers
dito. (7) Lalago ang ating ekonomiya para
hindi na ninyo kailangang umalis, at kung umalis man kayo ay dahil ito'y sa
kagustuhan ninyo.
Maraming nililikha na problema dahil nawawalay sa
pamilya. Bilang isang nanay, bilang isang babae, gusto ko magsama-sama na
tayo. At maraming salamat.
|
||
KOMENTARYO:
|
||
1). Itong $26 billion na malaking halaga na
naipapasok ng mga OFWs bilang kita ng bansa ay nararapat lamang na bilang pagtanaw
ng utang na loob ay gumawa ng hakbang sa lalong madaling panahon na matigil
na itong tanim-bala scam sa paliparan.
Ang iiwan ang kanilang mga mahal sa buhay upang kumita ng pera sa
ibang bansa ay isa ng sakripisyo kaya huwag ng dagdagan ng iba pa ang
kanilang sakripisyo.
|
SECRETARY MAR ROXAS
|
||
MARKA
|
||
MAKATOTOHANAN
|
ILUSYON
|
|
PANGATLONG ISYU - PERMANENTENG TRABAHO
|
||
4
|
0
|
|
Alam niyo, ikukuwento ko pa sa inyo ang isang
tulad ninyo, (Christine Reyes), OFW sa Middle East din.
Minaltrato sya nung kanyang
employer, nakabalik dito, nakakuha ng tulong at training mula sa OWWA. At sa
ganung paraan, nakapagsimula siya ng pagtrabaho. Magmula noon, inipon niya
yung kanyang pera at ngayon, may may-ari na ng Spa. Taga-Pangasinan siya, Christine
Reyes. Apat ang kanyang spa dito at nag-e-expand pa. (1)
Ito ang halimbawa na nais nating mangyari para sa
lahat ng ating mga OFW. At mangyayari lamang ito kung malago ang ating
ekonomiya. At lumalago naman talaga ang ating
ekonomiya. Meron tayong pinakamababang bilang ng mga walang trabaho sa
nakalipas na sampung (10) taon, sa kasalukuyan. (2)
Maraming mga trabaho na nalilikha dito. At alam
ko kung nais makauwi ng ating mga OFW ay makakauwi sila. Samakatuwid, mahigit 600,000 ang bawas ng mga bilang ng mga OFW na
nag-a-apply pabalikl ng abroad. Ibig sabihin nakakapaghanapbuhay sila dito. (3)
Ang importante ay ang paglago ng ating ekonomiya.
Importante po ’yon para may mauuwian kayo rito. Nais namin na makauwi kayo
rito para kasama ninyo ang inyong pamilya, hindi kayo mawalay sa kanila, at
hindi magiging mahirap ang inyong pamumuhay.
Importante na mabuo natin ang
pamilya. (4)
’Yan ang sentro ng ating lipunan, ’yan ang lakas
ng Pilipino, ang Pilipinong pamilya.
|
VICE PRESIDENT JEJOMAR BINAY
|
||
MARKA
|
||
MAKATOTOHANAN
|
ILUSYON
|
|
PANGATLONG ISYU - PERMANENTENG TRABAHO
|
||
4
|
1
|
|
Mga bagong bayaning OFW, alam po ninyo, sa aking
pamumuno magkakaroon po ng pension plan para sa
OFW. (1)
Aalisin po natin ‘yung pang-membership
fee sa OWWA. Gobyerno na ho ang sasagot sa lahat at lahat ng pamamaraang
tinutulong ng OWWA. (2)
Magkakaroon po tayo ng road map
para malaman ho ninyo dun sa umpisa ninyong pagtratrabaho bilang OFW, eh, ano
ho ang mararating niyo hanggang sa kayo ay tumigil ng pagiging OFW. (3)
At sana ho eh – ah sa aking pamumuno, eh,
patitikim ko ho sa inyo. Narinig ko, tila ho yata kayong nasa screen. Nakita
ko kayo doon sa ako'y bumibisita sa inyo sa mga shelter houses. ’Yun hong
legal assistance, meron na hong inilaan na 100
milyong tulong, legal assistance, eh, hindi ho ina-approve, hindi ho
inilalabas ng gobyernong ito. (2)
Panghuli, sana kayong mga OFW, hindi na ho kayo aalis dahil sa pangangailangan, kapit-patalim,
kundi ho ito ay kagustuhan na lamang. (4)
Ayan po ang mangyayari. ’Yan ho ang itutulong ko
sa inyo. Ito ho ay batay sa karanasan na tayo po ay nagsama-sama.
Mga problemang narinig ko ho sa inyo, eh, atin
hong haharapin.
|
||
KOMENTARYO:
|
||
1). Kung ang Php100 million na alokasyon bilang legal
assistance sa mga OFWs ay hindi naaprubahanm maaaring hindi kinayanan ng
budget o di kaya ay sa ibang sektor ginamit.
Kaya mas nakaigi sana kung klinaro ng Bise Presidente kung paano niya
ito popondohan nang hindi maiipit.
|
SENATOR MIRIAM
DEFENSOR-SANTIAGO
|
||
MARKA
|
||
MAKATOTOHANAN
|
ILUSYON
|
|
PANGATLONG ISYU- PERMANENTENG TRABAHO
|
||
2
|
0
|
|
Ang pinakamainan para makatulong tayo sa OFW ay
gawin itong paglabas ng bansa hindi dala ng pangangailangan. Ito’y magiging isang alternatibo, ngunit
ito’y hindi magiging dala ng pangangailangan.
Kung kaya’t kailangan nating patatagin ang ekonomiya.
Bakit tayo’y nasa ganitong kasalukuyang
katatayuan? Ang legal na tulong, una,
ay napakahalaga para sa mga OFWs. Mahalaga na sila ay mayroong ugnayan sa deretsahang
pag-uusap sa DOLE (Department of Labor and Employment) o sa OWWA (Overseas
Welfare Administration) upang sila ay makahingi ng tulong. At ang ating
Consuls general ay dapat magkaroon ng espesyal na pagsasanay para tulungan
ang mga taong ito tuwing sila’y gipit, na siyang responsibilidad nila una sa
lahat. (1)
Sa mga OFWs, ang inyong pinakamagandang
pagkakataon ng empleyo pagbalik niyo rito sa Pilipinas ay kung ang ASEAN
Economic Community ay mag-umpisa na.
Lahat ng sampung bansa na miyembro ng ASEAN ay magiging miyembro ng
ekonomiya pangkomunidad. At sa
ganitong paraan, maraming trabaho ang mabubuksan para sa atin sa mga karatig
bansa ng ASEAN. (2) Kaya, yan
ay magiging malaking oportunidad para sa kanila kapag ang ASEAN Economic
Community ay magbukas na. Kapag tayo’y magiging rasonable sa ganitong paraan,
magiging rasonable tayo kasama ng mga ibang bansa sa buong mundo. At tayo’y hindi na nakatuon sa OFWs dahil
ito’y kagustuhan na lang, hindi pangangailangan.
|
MAYOR RODRIGO DUTERTE
|
||
MARKA
|
||
MAKATOTOHANAN
|
ILUSYON
|
|
PANGATLONG ISYU - PERMANENTENG TRABAHO
|
||
4
|
1
|
|
Ito’y halos araw-araw na tanawin na mababasa sa
mga pahayagan patungkol sa mga pang-aabuso sa ating mga kababayan na
nagtatrabaho bilang OFW sa ibang bansa.
Isusulong ko na lumikha ng isang
gobyerno na nakalaan lamang para sa pangangalaga ng ating OFW. Lahat ng kailangan, permit, ano, diyan na
nila kukunin sa administrasyon na yan, ito’y magiging isang departamento ng
pagngangalaga sa kanila. (1)
Pangalawa, ako’y lilikha
ng bangko para sa mga padala, hindi na sila pupunta ng mga tagapadala. Sila’y makakatungo ng bangko at tayo’y
magkakaroon ng bangko kahit saan mang dako kung saan sila ay naroon. (2)
At pangatlo, gagawin
itong isang obligasyon ng Consul General or Consul ang tutukan ang mga
Pilipino sa ibang bansa. At ang unang
senyales ng pang-aabuso ay mabibigyan ng libreng gasto pauwi. Ito’y popondohan natin. At kapag sila’y nagkasakit…babayaran ko ang
ospital. (3)
Magkakaroon tayo ng credit line sa
lahat ng hospitals. ’Yung nabugbog, na gustong umuwi agad, bigyan sila ng
ticket. Mandatory lahat ’yan. (4)
Kung sinong gustong umuwi, gusto niyang
itigil ang kontrata, magkakaroon siya ng tulong legal. (1)
At ang importante sa lahat, bawat isa ay
isinalang-alang ang kapakanan ng mga Pilipino.
Ito’y awtomatikong obligasyon ng Consular
services.
|
||
KOMENTARYO:
|
||
1). Sinabi ni Binay na ang Php100 milyong alokasyon
bilang legal assistance sa mga OFW’s ay hindi naaprubahan, kaya mas maganda
sana kung nagbigay siya ng klaradong punto kung pano niya ito ipapatupad
bilang tugon sa isinaad ng Bise Presidente.
|
Tony Velasquez (Tagapamagitan)
Muli sa ating mga kandidato. Thirty seconds po
muli para po sa kanila na magdagdag sa kanilang kasagutan. Senator Poe.
|
SENATOR GRACE POE
|
||
MARKA
|
||
MAKATOTOHANAN
|
ILUSYON
|
|
PANGATLONG ISYU - PERMANENTENG TRABAHO (KARAGDAGANG SAGOT)
|
||
3
|
0
|
|
Kailangan hindi – kasama
rin ang mga OFW, ’yung mga seaman natin. Marami po sa kanila ang kailangang
magpa-renew halos taun-taon ng kanilang Seaman's Book. Kailangang mabilis.
Kailangan ng isang departamento na inaalagaan ang pangangailangan nila pati
healthcare ng kanilang mga pamilya na naiiwan dito. (1)
Ang terminal fees, dapat wala na ’yong mga OFW
natin. Pero kailangan pa nilang irefund na pinabibigyan pa natin sila ng
problema. (2)
Dapat red carpet treatment. Huwag
pakialaman ang balikbayan box at ’wag tamnan ng bala ang kanilang bagahe. (3)
|
SECRETARY MAR ROXAS
|
||
MARKA
|
||
MAKATOTOHANAN
|
ILUSYON
|
|
PANGATLONG ISYU - PERMANENTENG TRABAHO (KARAGDAGANG SAGOT)
|
||
0
|
0
|
|
Maraming mga lutas sa problema ng OFW ang
nakukuha sa sentido kumon.
Halimbawa, sa iba’t
ibang bansa ang ating mga embahada at labor attache sarado ’pag weekend kung
kailan libre at may oras ang ating mga OFW. Papaano sila pupunta at hihingi
ng tulong sa ating mga representatives kung sarado ang mga tanggapan? Isa
iyan sa mga kilos na gagawin natin, bukas
ang ating mga tanggapan para kung kailan nangangailangan ang gating mga OFW,
may mapupuntahan sila. (1)
|
VICE PRESIDENT JEJOMAR BINAY
|
||
MARKA
|
||
MAKATOTOHANAN
|
ILUSYON
|
|
PANGATLONG ISYU - PERMANENTENG TRABAHO (KARAGDAGANG SAGOT)
|
||
2
|
0
|
|
Ipagpapatuloy ko po, mga OFW, lalo
na diyan ho sa Middle East na sundan sana ’yung iniutos o pinakikiusap ng ILO
(International Labor Organization). At ito ho ay ginawa na ho ng Saudi
Arabia. (1)
Lahat po ng mga nagtratrabaho sa
Saudi Arabia, pinayagan na pong magkaroon ng sariling passport, hahawakan nila ang passport, nakaka –
mayroon na silang mga weekend na bakasyon. ’Yun
ho ang aking pipiliting mangyari sana sa kabuuan ng Middle East para sa OFW. (2)
|
SENATOR MIRIAM
DEFENSOR-SANTIAGO
|
||
MARKA
|
||
MAKATOTOHANAN
|
ILUSYON
|
|
PANGATLONG ISYU - PERMANENTNG TRABAHO
|
||
1
|
0
|
|
Gusto ko lang idagdag na pinag-uusapan natin kung
anong tulong natin sa OFW pag nandudoon siya sa ibayong bansa. Pero dito pa
lang sa ating bansa, sinasamantala na ang OFW
dahil sa recruitment fees na maaaring peke o di tutuo, alinsunod sa
hinihinging mga dokumento na hindi
naman talaga kailangan, para lamang mapaigting ang bureaucratic red tape na
nakapalibot sa leeg ng OFWs. Kaya lahat iyon, mga illegal recruiters. (1)
|
MAYOR RODRIGO DUTERTE
|
||
MARKA
|
||
MAKATOTOHANAN
|
ILUSYON
|
|
PANGATLONG ISYU - PERMANENTENG TRABAHO (KARAGDAGANG SAGOT)
|
||
2
|
0
|
|
Kailangan ay bigyan sila ng
shopping list ng DOLE (Department of Labor and Employment) o anuman – o sa
opisina, OFW. Kung sila’y sumusunod dito, wala na silang idagdag at walang
kunan ha, para hindi na pabalik-balik. (1)
Yan ang kalbaryo ng ating mga
Pilipino, kasama ang mga seamen. Kung anong hinihingiin, eh, kinukurakot
kasi. At yan ay problema. Sila mismo ay nagrereklamo patungkol sa korupsiyon
sa gobyerno. (2)
Kung kaya’t ang gobyerno ay dapat itigil ang
korupsiyon.
|
No comments:
Post a Comment