yourimagetitle
yourimagetitle
yourimagetitle
yourimagetitle
yourimagetitle

Adsense

Adsense

Adesense

Saturday, April 23, 2016

Debate: Plataporma panggobyerno ng mga kumakandidatong Presidente na tututukan ng bansang Pilipinas





MAYOR RODRIGO DUTERTE
MARKA
MAKATOTOHANAN
ILUSYON
PANGLIMANG ISYU – KALUSUGAN (DEBATE)
0
1

Hindi ako naniniwala sa yo.  Marami kang mga ipinangako sa iyong termino - lahat halos wala......kayong naibigay sa tao. Puro daldal, puro anunsiyo, puro lahat. (1)

Walang pagpapatupad.  At kung mayroon man, yun ay korupsiyon.

KOMENTARYO:

1). Ito’y kapani-paniwala kung naglatag siya ng eksaktong halimbawa para depensahan yung sinasabi niya na wala talagang nagawa ang adminsitrasyon. Madaling magsabi ng wala pero ano ang basehan?



Karen Davila (Tagapamagitan): Magpatuloy kayo, Secretary.




SECRETARY MAR ROXAS
MARKA
MAKATOTOHANAN
ILUSYON
PANGLIMANG ISYU – KALUSUGAN (DEBATE)
0
0

Mayor Duterte, hinahamon kita. Kung may maipakita akong tao, pangalan, ospital na talagang natulungan sa Davao City, ikaw ba'y aatras? (1)

KOMENTARYO:
1). Ito’y asal-bata.  Puwedeng sagutin ang isyu ng hindi kinakailangang paatrasin ang kalaban.  Dapat ay isyu ang pinupuntirya.





MAYOR RODRIGO DUTERTE
MARKA
REALISTIC
IDEALISTIC
PANGLIMANG ISYU – KALUSUGAN (DEBATE)
0
1

Mayo Rodrigo Duterte: (Oo, ako’y aatras).

KOMENTARYO:

1). Isa ring asal-batang sagot na hinaluan ng pagsisinungaling.  Walang magsasayang ng puhunang pawis, emosyon, at pera para lamang sa isang asal-batang hamon.





SECRETARY MAR ROXAS
MARKA
MAKATOTOHANAN
ILUSYON
PANGLIMANG ISYU – KALUSUGAN (DEBATE)
1
0

Kasi ang problema dito, kung hindi pumasok at hindi mo pinaniwalaan ang aktuwal na impormasyon ay babalewalain mo. Ito ang mga katotohanan.

Kaya, doon tayo sa katotohanan. Huwag nating lokohin ang ating mga kababayan na walang nangyayari. Ang katotohanan ang ating basehan. (1)

Katotohanan…



Karen Davila (Tagapamagitan): Magpatuloy po kayo.
Sec. Mar Roxas: ...ang basehan ng ating tiwala sa isa't isa.
Karen Davila (Tagapamagitan): Magpatuloy po kayo, Mayor.





MAYOR RODRIGO DUTERTE
MARKA
MAKATOTOHANAN
ILUSYON
PANGLIMANG ISYU – KALUSUGAN (DEBATE)
0
1

Ito’y problema ng buong bansa.  Nilinlang na nila pati Davao.  Ang mga tao sa Pilipinas ay nakikinig.  Nagsasabi ba ng tutuo ang lalaking ito? (1)

KOMENTARYO:

1). Ito’y hindi tama. Ang mga taong pumunta galing sa ibat-ibang lugar para manood ng debate ay walang pinanghahawakang talaan.  Ang gobyerno, lokal at nasyonal, at ang mismong taon na nakaranas nito ng mayroong direktang personal na ideya patungkol dito. Natural na marinig ang reaksiyon dahil ang hating supporters na nandun ay ugali na ang magbenggahan.



Karen Davila (Tagapamagitan): San – sandali...
Sec. Mar Roxas: (Sandali lang. Ito...)
Karen Davila (Tagapamagitan):  ...na lang po ito, Mayor.
Sec. Mar Roxas: Pinalitan na naman.
Karen Davila (Tagapamagitan): Secretary Mar…
Sec. Mar Roxas:Binago na.
Karen Davila (Tagapamagitan): Pakisagot po.





SECRETARY MAR ROXAS
MARKA
MAKATOTOHANAN
ILUSYON
PANGLIMANG ISYU – KALUSUGAN (DEBATE)
1
1
No, ito na naman. Ito yung style ni Mayor Duterte kaya huwag natin – sa mga kabataan, huwag nating tularan ito.

Ang importante dito, Mayor Duterte may sasabihin. Tapos, kung palagan siya or pakitaan siya ng facts, aatras, magsasabi na naman ng iba. Ito ang hamon ko, ito ang hamon ko simpleng-simple. Sinabi ko ito, sinabi niya “Oo.” May mapapakita ako actual, naka-video ng mga tao na natulungan ng PhilHealth sa Davao City. Libu-libo po yan. (1)

Sinabi niya aatras siya. (1)

KOMENTARYO:

1). Kagaya ng sabi ni Mar Roxas, ang bawat isa ay dapat nakatuon sa inpormasyon.  At ang hamunin ang kalaban na umatras sa kandidatura kapag nakapagprisinta ng pruweba ay hindi pagtuon sa inpormasyon.  



Karen Davila (Tagpamagitan): Magpatuloy po kayo,
Sec. Mar Roxas: Tingnan natin...
Karen Davila (Tagapamagitan): Magpatuloy po kayo.
Sec. Mar Roxas: Kung tutuparin niya ang sinabi niya.





MAYOR RODRIGO DUTERTE
MARKA
MAKATOTOHANAN
ILUSYON
PANGLIMANG ISYU – KALUSUGAN (DEBATE)
0
1
Mayor Rodrigo Duterte: Alam mo, ma'am, nakikinig ang buong Pilipinas sa gobyerno araw-araw. Eh si Secretary Roxas naman hindi nagpapaiwan.

Ngayon, kung totoo talaga ang sinasabi mo at naniniwala ang Pilipino sa iyo at dapat ikaw ang maging presidente at bakit huli ka sa rating? (1)

KOMENTARYO:

1). Isa na namang pambatang tirada. Ang isyu na kanilang pinagdedebatehan ay ay tungkol sa Philhealth at hindi tungkol sa survey. Ito’y hindi payabangan kundi papano sasagutin ang ipinupukol na isyu ng bawat isa.


Karen Davila (Tagapamagitan): Naku. Okay, ganito. Kailangan nating magpatuloy sa ibang pagkakataon pero dahil diyan – kailangan kong hayaang sumagot si Secretary Mar. Pero kailangan nating ipagpatuloy si Senator Grace Poe pagkatapos. Secretary sige po...
Roxas: Simpleng-simple...
Karen Davila (tagapamagitan):  ... tugon.
Sec. Mar Roxas: Nakikita ng ating mga kababayan ang asal mo, Mayor Duterte, na hindi ka karapat dapat. Kaya sa Mayo a nuebe, ang mananalo ang matuwid, ang mananalo ang disente, ang mananalo ang karapatdapat si – walang iba kundi si Mar Roxas.
Mayo Rodrigo Duterte: Susmaryosep!

Karen Davila (Tagapamagitan):  Sige. Tayo’y magpatuloy. Senator Grace Poe, mayroon kang limang minutos pagkatapos. Kung gusto mong ipaliwanag ito, nasa yo ang pagkakataon. Senator Grace, 30 segundo.
Sen. Grace Poe: Jun.
Karen Davila (Tagapamagitan):  Mayor, Senator Grace Poe.
Mayor Rodrigo Duterte: Ah, akala ko ako.
Karen Davila (Tagapamagitan):  Turno na po niya. Susunod pong segment, meron kayong panahon po. Senator Grace.





SENATOR GRACE POE
RATINGS
REALISTIC
IDEALISTIC
PANGLIMANG ISYU – KALUSUGAN (DEBATE)
2
0

Alam mo, Karen, yung kinikita ng gobyerno sa SIN tax ay mga Php140 billion. Sa aking pag-iikot, ang daming mga local government na nagrereklamo na pinabayaan sila ng gobyerno. Basically, silang gumagasta sa kanilang hospital. (1)

Sa Php140 billion, kung bigyan natin ang bawat isang probinsya sa kanilang provincial hospital ng Php1 billion, mapapa-rehabilitate nila di ba Manong Jun? At least hindi - mukhang yung mga kisame mahuhulog na, walang tubig, wala man lang bed sheet. Ito yong mga bagay......na gagawin ko. Bilang isang babae, alagaan ko yang ating mga hospital. (2)






PAGES


1


2


3


4


5


6


7


8


9








No comments:

Post a Comment

Adsense

Adsense

Adesense



yourimagetitle
Visit us @ FRIENDS OF THE DIVINE MERCY
Visit us @ FRIENDS OF THE DIVINE MERCY

Adsense

Adsense