yourimagetitle
yourimagetitle
yourimagetitle
yourimagetitle
yourimagetitle

Adsense

Adsense

Adesense

Saturday, April 23, 2016

Debate: Plataporma panggobyerno ng mga kumakandidatong Presidente na tututukan ng bansang Pilipinas





Tony Velasquez (Moderator)

Pahabol na katanungan mula kay Senator Miriam, 15 segundo.




SENATOR MIRIAM DEFENSOR-SANTIAGO
MARKA
MAKATOTOHANAN
ILUSYON
HARAPAN
0
0

Sa mahabang panahon, ikaw ay hinubog ng elitistang kapaligiran kung saan ikaw ay nagmula at umikot.  Sa palagay mo ba na ang landas ay naging makipot para maging isang Pangulo ng Pilipinas?




SECRETARY MAR ROXAS
MARKA
MAKATOTOHANAN
ILUSYON
HARAPAN
1
0

Sabi nga ni Batman, “Hindi importante kung paano ka lumitaw sa mundong ito, ang mahalaga’y kung ano yung nagawa sa buhay na ito.” At ang buhay ko….sa mahigit na 20 taon ay naging pampublikong talaan.  Ikaw mismo ay nasundan ang maraming elemento ng aking buhay dahil magkasama tayong nagtrabaho sa Senado, lumaban para sa murang gamot, lumaban sa mga bangko at sa mga kumpanyang pangkaseguruhan para sa  kapakanan ng mga tao, lumaban para sa oportunidad pang-ekonomiya sa pamamagitan ng JPEPA at iba pang kasunduang pang-ekonomiya. (1) Ang aking talaan ang siya mismong titindig. Ito’y hindi tanong tungkol sa kung paano ako lumitaw sa mundong ito, ngunit kung ano ang nagawa ko sa aking buhay at kung paano natulungan ko ang aking mga kababayan sa pamamagitan ng aking dedikasyon.



Karen Davila (Tagapamagitan): Ang huling pares natin, si Vice President Binay magtatanong kay Senator Grace Poe.




VICE PRESIDENT JEJOMAR BINAY
MARKA
MAKATOTOHANAN
ILUSYON
HARAPAN
0
1

Senator Poe, di ba ho sa America pwede ho kayo magtrabaho kahit na hindi ho kayo mamamayan?

KOMENTARYO:

1). Ito’y di naaakmang tanong.  Ang katotohanang si Poe ay bumalik sa Pilipinas, nagtrabaho bilang MTRCB Chair, senador, at ngayon ay gustong manungkulan bilang tagapamuno ng bansa ay isang indikasyon na mahal niya ang bansa kaysa sa bansngg kung saan nagkaroon ng panunumpa ng kasunduan.




SENATOR GRACE POE
MARKA
MAKATOTOHANAN
ILUSYON
HARAPAN
2
0

Sen. Grace Poe: Ano po?

VP Jejomar Binay: Hindi ho kailangan itakwil niyo, ikahiya ninyo na ikaw ay mamamayan ng Pilipinas. Makakapagtrabaho ka rin kahit……hindi ka mamamayan, di ba?

Tony Velasquez (Tagapamagitan): Ano po ang katanungan?

VP Jejomar Binay: Di ba?

Sen. Grace Poe: Totoo po. Ano po yung tanong niyo? Yun na po?

VP Jejomar Binay: Yun na ho yung tanong ko.

Sen. Grace Poe: Totoo po. Pero nung mga pagkakataon na iyon, iniisip ko rin, sa totoo, kasama ko ang aking pamilya at hindi po sa kakulangan ng pagmamahal sa bansa, kundi dahil parang iniisip ko hindi ako mawawalay sa kanila.(1) Marami namang ganung sitwasyon. Bumabalik rin naman dito. Hindi naman po nababawasan ang pagmamahal sa bayan. (2)



Karen Davila (Tagapamagitan): Vice President, pahabol na pahayag. Mayroon po kayong 15
 segundo. Tuloy po.




VICE PRESIDENT JEJOMAR BINAY
MARKA
MAKATOTOHANAN
ILUSYON
HARAPAN
1
0

Hindi ho. Dahil sa sinumpaan ho ninyo tinatakwil ho ninyo eh. Kinakahiya ninyo ang pagka-Pilipino ninyo para kayo ho eh maging mamamayan ng Amerika. Eh, pwede naman ho kayong magtrabaho doon kahit na hindi ka American citizen. Di po ba? (1)

KOMENTARYO:

1). Ang Panunumpa ng Pangako panunumpa ng pangako sa kasunduan ay hindi kasingbigat ng ikinakahiya ang paigiging Pilipino.  Dahil kung ganun, itong mga taong ito na naging kurakot sa bansa umpisa pa ng kanilang paninilbihan sa mga tao at nagpapatong ng kamay sa puso nila habang inaawit ang Lupang Hinirang kapag mayroong pormal na pagtitipon ay pwede nang tawaging nagmamahal sa bansa.





SENATOR GRACE POE
MARKA
MAKATOTOHANAN
ILUSYON
HARAPAN
4
0

Alam niyo po......okay, meron po tayong batas na kinikilala. Ang mga kababayan natin na umalis nagkaroon ng citizenship sa iba pero dual dito dahil nagmamahal pa rin sa ating bansa at may kontribusyon. (1)

Sa ating mga kababayan, wala naman akong ibang intensyon kundi mabuhay ng marangal kasama ng aking pamilya, pamilyang Pilipino saan man sa mundo. Hindi po nawawala, sabi ko nga, pwede mong alisin ang Pilipino sa Pilipinas, pero hindi mo maalis ang Pilipinas sa puso ng Pilipino. (2) Basta......basta Mayor......ay sorry po, basta po Vice, patuloy ang pagmamahal ko sa bansa. Pati yung ating nais mangyari. Totoo natira ako sa ibang bansa. Nakita ko kung anong pwedeng gawin para sa atin dito. (3)

Mas malawak na ang aking pananaw. Hindi po ako nagkaroon ng mga pribilehiyo doon na kung nanatili ako dito siguro hindi ko matututunan. (4)



SENATOR MIRIAM DEFENSOR-SANTIAGO
MARKA
MAKATOTOHANAN
ILUSYON
MABILISANG PAG-UUSAP
5
3
Sen. Miriam Defensor: Hindi ko naman masabing natalo ko, pero nahinto ko. (1)  Kasi ang cancer, hindi makikita yan ng naked eye mo, sa mata mo. Kinakain niya ang mga katabi niya. Ngayon kung tama ang gamot, mahihinto yun sila at mamamatay. Namatay na sila. (2)
Tony Velasquez (Tagapamagitan): Okay. Yun pong inyong sinasabi na magic pill na nirekomenda sa inyo ng inyong kapatid, irerekomenda niyo rin po ba sa BFAD na magkaroon ng clinical trials dito sa Pilipinas?
Sen. Miriam Defensor: Oo, kung ito’y pumasa ng mediko – pandaigdigang pangmedikong pagsubok, sigurado.  Gagawa din ako ng mga hakbang kung pwede itong sagutin ng gobyerno para sa mga walang kakayanan.  (3)
Tony Velasquez (Tagapamagitan): Okay.  Nagkaroon po ba kayo ng pagkakataon na inisip nyo ang paggamit ng medical marijuana?
Sen. Miriam Defensor:  Hindi kailanman.
Tony Velasquez (Tagapamagitan): Gagawin niyo po bang legal ang medical marijuana sa Pilipinas?
Sen. Miriam Defensor: Yan ay pababa – pababang anggulo. Hindi ako payag, pero bukas akong kumbinsihin ang aking sarili na ito’y epektibong maipapatupad. (4)
Tony Velasquez (Tagapamagitan):  Mm hmm.
Sen. Miriam Defensor: Doon lamang para sa mga may kakayahan para dito.
Tony Velasquez (Tagapamagitan):  Ano po ang magiging papel ng inyong mister sa inyong administrasyon?
Sen. Miriam Defensor: Dapat nandiyan siya sa bahay pag-uwi ko.
Tony Velasquez (Tagapamagitan): Payag po ba kayo na ipalibing na ang bangkay ni dating Pangulong Marcos sa Libingan Ng Mga Bayani?
Sen. Miriam Defensor: Maganda siguro magreferendum tayo. Kung anong sabi ng mayoriya, yung ang sundin natin. (1)
Tony Velasquez (Tagapamagitan): Mm hmm.
Sen. Miriam Defensor: Tama na yung banggaan natin. (2)
Tony Velasquez (Tagapamagitan):  Mag-aaproba pa ba kayo ng mga bagong kontrata sa mga minahan?
Sen. Miriam Defensor: Hindi dahil sobra ng dami ng mga mining companies dito. (5)
Tony Velasquez (Tagapamagitan):  Mm hmm. Si dating pangulong Gloria Arroyo po ba ay palalayain niyo na sa hospital arrest at ilipat sa house arrest?
Sen. Miriam Defensor: Oo, sigurado.  (3)
Velasquez: All right. Maraming salamat, Senator......Miriam.
KOMENTARYO:

1). Ang Libingan ng Bayani (Heroes’ Cemetery) hango sa salitang bayani ay para lamang sa mga taong may kabayinahng nagawa para sa bansang Pilipinas. Ang kulang-kulang $5 billion hanggang $10 billion nakaw na yaman st Martial Law na nagkaroon ng bayolenteng epekto sa ekonomiya at kapayapaan ng mga Pilipino ay hindi kabayanihan. Hindi ito’y tungkol sa pagiging hindi mapagpatawad kundi ang pagtalima sa nauukol na aksiyon sa tamang lugar. 

2). Si Sen. Santiago ay tanyag sa pakikipaglaban sa korupsiyon at ito’y maganda.  Kung kaya’t ang harangain ang pagpapalibing sa Libingan ng mga Bayani ay hindi masama dahil ang puno’t dulo ng pagharang ay korupsiyon at hindi kabayanihan.  .

3). Ang implementasyong ng hustisya ay dapat patas para sa mga mayayaman at mahihirap, sa mga malalalakas at mahihina.  Ang dating Pangulong Gloria Arroyo  ay nahaharap sa alegasyong pandarambong kaya marapat lamang na harapin ang kaukulang hustisya. 





PAGES


1


2


3


4


5


6


7


8


9







No comments:

Post a Comment

Adsense

Adsense

Adesense



yourimagetitle
Visit us @ FRIENDS OF THE DIVINE MERCY
Visit us @ FRIENDS OF THE DIVINE MERCY

Adsense

Adsense