yourimagetitle
yourimagetitle
yourimagetitle
yourimagetitle
yourimagetitle

Adsense

Adsense

Adesense

Saturday, April 23, 2016

Debate: Plataporma panggobyerno ng mga kumakandidatong Presidente na tututukan ng bansang Pilipinas




Karen Davila (Tagapamagitan)

Ang ating pang-limang issue ng taumbayan, tumbukin na natin ito: sakit ni Juan, sakit ng buong bayan.

Sa ilang liblib na lugar o ilang mga barangay, alam niyo ba, ang simpleng sakit, lumalala o minsan namamatay pa ang tao, dahil na rin po sa kawalan ng mga sapat na pagamutan at kagamitan.

Bagamat mga lokal na pamahalaan na po ang dapat tumugon sa ganitong sitwasyon, anong pagbabago sa larangan ng kalusugan ang gagawin ng isang Pangulo?

Ito po ang sinapit ni Mang Jun.

Nandito po si Mang Jun. Mang Jun, ito po ang kumakandidato, humihingi ng inyong boto, ano po ang tanong niyo Mang Jun?

Jun: Ma’am, Sir, ano pong solusyon niyo sa lugar namin? Walang doktor, kulang sa kagamitan, at walang gamot. Marami na nagkasakit, namatay sa lugar namin, tulad ng tatay ko. 

Buhay pa sana siya ngayon kung mayroon sana akong nalapitan. Kailan pa po bang maghihirap yong – ang aming...

Karen Davila: All right, Mang Jun. Okay. Emosyonal si Mang Jun. Naiintindihan po natin, no. Mauuna po ngayon si Secretary Roxas.




SECRETARY MAR ROXAS
MARKA
MAKATOTOHANAN
ILUSYON
PANGLIMANG ISYU - KALUSUGAN
3
1

Mang Jun, nakikiramay po ako sa iyong pagdadalamhati.

Gayunpaman, ito ang ating programa. Naniniwala ako na ang kayamanan ng isang tao ay nasa sa kanyang kalusugan. Ang kalusugan ay kayamanan kumbaga. Kaya dadalhin natin ang kalusugan sa pinakaliblib na mga lugar sa ating buong bansa.

May programa tayo, Php 42 billion ito, isang milyong piso para sa bawat barangay. (1)

Magkakaroon ng health station ang bawat barangay sa halagang isang milyong piso para may – mapatayo ang isang pasilidad, kumpleto sa kagamitan at bibigyan natin ng allowance ang ating mga BHW (barangay Health Workers) para merong mga propesyonal na nakatutok doon at makakapagtingin sa – kung sino man ang lalapit doon. Importante ito dahil yung mga malalayo sa poblasyon, ay hindi nga nakakarating at nakakakita ng doktor. 60% ng ating mga kababayan ay namamatay ng hindi man lamang kailanman nakakita ng medical professional. (1)

Kaya importante na dalhin natin ang mga pasilidad, ang mga doktor, ang mga nurse, ang mga BHW lalung-lalo na sa primary health care doon sa mga pinakamalalayo, pinakaliblib na mga lugar.

Dagdag pa doon, papalawakin natin ang ating PhilHealth, kung saan ay mababago naman ito.

Pag sakaling nakita na may karamdaman, meron din namang pondo na sasagot sa pagpapagamot sa kanila. (2)

Ngayon po, 93% na po ang coverage ng PhilHealth, 93% ng buong populasyon 100% ng lahat ng mahihirap. Sigurado, gobyerno ang magbabayad sa pagpapa-gamot sa kanila. (3)

Yan ang ating programa.

KOMENTARYO:

1). Ang nakarating na reklamo ay kakapusan ng ospital at kagamitan.  Kung kaya dapat ay klinaro kung ang Php 1 million para sa kada barangay ay eksakto sa pangangailangan.  Kung eksakto, paano masisiguro ng gobyerno ang tamang paghawak ng pondo sa kadahilanang laganap ang korupsiyon sa bansa.




VICE PRESIDENT JEJOMAR BINAY
MARKA
MAKATOTOHANAN
ILUSYON
PANGLIMANG ISYU - KALUSUGAN
3
0

Alam mo Jun, yang problema mo, talagang nakakaiyak, ha.

Sa akin, lahat ng barangay, magkakaroon ng barangay health center. Lahat ng barangay health center, kumpleto sa gamit. At lahat ng barangay health center, magkakaroon ng isang barangay health worker. (1)

Ang primary health, yung primary health care, eh ang problema sa primary health care eh lulutasin natin kasi walang konsultasyon yun. Para ikaw ay makagamit ng benepisyo ng health care, kailangan eh ikaw ay ma-confine, ha. Ngayon babaguhin natin yun. Pati sa konsultasyon, kasama sa health care. (2)

At yung mga gamot – gamot, pagpapa-ospital, eh libre. Libre sa mahirap. (3)

Tulad sa Makati, walang mamamatay na mahirap dahil sa sakit. Ito ay naranasan ko. Ang pakiramdam mo, naramdaman ko rin kasi ang nanay ko namatay, namatay sa cancer of the breast. Dahil sa kakulangan ng aming pera, hindi halos napagamot.

Kaya, pinangangako ko sa inyo, wala ka ng idadaing pag ako'y namuno. Bibigyan namin kayo, libre lahat. Ang kailangan ninyo eh ospital at gamot.




SENATOR MIRIAM SANTIAGO
MARKA
MAKATOTOHANAN
ILUSYON
PANGLIMANG ISYU - KALUSUGAN
3
1

Para hindi na mangyari uli iyon, ito ang gagawin natin: una, palakasin natin ang CCT program – Conditional Cash Transfer Program – sa pamamagitan ng budget. (1)

Pangalawa, dapat itong PhilHealth ng gobyerno na naka-insure – ang indibidwal ay dapat insured sa ilalim nito, ang saklaw ng PhilHealth ay dapat sa pangkalahatan. (1) Lahat ng tao ay dapat mayroong PhilHealth coverage.

Pangatlo, dapat naman mino-monitor itong mga barangay health centers, kasi kung minsan, wala na silang stock ng medisina nila or mga vaccines nila. (2)

At panghuli, dapat ang ating motto ay, “Pigilan kesa kaysa gamutan.”

Dapat may information dissemination campaign tungkol dito para sa lokalidad alam nila kung anong mga pumapasok na mga virus. (3)

Yun lang.


KOMENTARYO:
1). Kadalasan ang pinaggagalingan ng kakulangan ay nag-uugat sa korupsiyon.  Ang mga botante na nagbabayad ng buwis at nagpapasahod ng mga empleyado ng gobyerno ay may karapatang malaman kung paano aabot ng kumpleto ang Conditional Cash Transfer sa mga kanayunan sa katotohanang laganap pa rin ang korupsiyon hindi lamang sa nasyonal kundi maging sa lokal.  Siya’y nakipaglaban sa korupsiyon ngunit ito’y  sakit pa rin hanggang ngayon, bagamat may may mga naaresto na.




MAYOR RODRIGO DUTERTE
MARKA
MAKATOTOHANAN
ILUSYON
PANGLIMANG ISYU - KALUSUGAN
2
2

Gusto ko – ito’y hindi sa pagbubuhat ng sariling bangko, pero ako’y naging isang Mayor ng Davao City sa nakalipas na 22 taon.  Ngayon, ang aking karanasan ay sa mga doktor, sa mga nurses at mga gamot, balak ko pong dagdagan.  Dahil ito’y nangyayari sa kasalukuyan, walang kumukuha sa malalayo.  Dito sa mga lalawigan.

Pero yan ay magandang ideya kung ikaw ay makapaglalagay ng isang doktor kada barangay at tatayo bilang dokktor ng naturang barangay. (1)

Ngayon, kung ito’y tertiary - kung ito’y nangangailangan ng pagpapaospital, operasyon, daldalhin nito ito lagi – may 911 kasi ako. Ito’y libre. (Ako na lang) 911, hatid sa ospital at ako ang magbabayad. (2)

Ako ang magbayad.

Ngayon sa buong Pilipinas, ipinapangako ko ang pondo ng PAGCOR, yan ay humigit-kumulang 30 billion, hindi ba? Ipinapangako ko ito bilang trust fund na gagamitin lamang para sa pagbabayad ng mga Pilipinong nasa hospital sa mga gastusing pang-medical nila. (1)

Uobligahin ko ang lahat ng hospital – hospital ng mayaman, hospital ng mahirap – na bumalik sa pasilidad ng pargreserba ng 8 kama or 20 depende sa puhunan. (3)

Doon sila at huwag silang matakot dahil mayroong palagiang  pambayad. Ang bilyong…… pondo ng PAGCOR para dyan. (2)

KOMENTARYO:

1). Sinabi niya na ang mga tao ay hindi dapat matakot kung maospital dahil palaging mayroong perang pambayad, sa pangakong pondo na manggagaling sa PAGCOR  na nagkakahalaga ng Php30 billion para sa pagpapagamot ng mga Pilipinong nasa  opsital at gastusin pangmedikal.

2). Sa kabilang banda, ang kasalukuyang administrasyon ay mayroong programa na inilatag ni Sec. Mar Roxas na mayroon silang alokasyong pondo na nagkakahalaga ng Php 42 billion (Php 1 million kada barangay) para madala ang kalusugan sa mga liblib na lugar.

Ito’y nangangahulugan na ang pondong isinusulong ni Dutetre ay mababa kumpara sa pondo ni Roxas na nagkakahalaga ng Php12 billion.  Dapat ay ipinaliwanagg niya kung anong posibleng solusyon kung kumulang ang pondo at kung ito man ay sapat na bilang pondo sa loob ng taon, dapat ay ipinaliwanag niya rin kung paano masisiguro na ang bawat sentimo ay hindi mapupunta sa korupsiyon.




SENATOR GRACE POE
MARKA
MAKATOTOHANAN
ILUSYON
PANGLIMANG ISYU - KALUSUGAN
5
1

Sa pagiikot ko sa buong Pilipinas, ito ang nakaka-iyak. Sinasabi nila importante ang health care pero sa mga ibang ospital, wala man lang tubig ang mga ospital. (1)

Katulad sa Catbalogan, galing ako doon. Paano mo pagagalingin ang mga pasyente kung hindi mo man lang malinis ang sarili mo?

Pangalawa, pag ako ang naging pangulo, sisiguraduhin ko na ang mga mahihirap zero billing sa mga ospital......sapagkat ngayon sa ating PhilHealth kailangan pa rin may out-of-pocket. (2)Kaya pong bayaran ng gobyerno. (1)

Pangatlo, importante para may doctor, bigyan natin ng scholarship, isang bayan, isang doktor. Bawat isang bayan magkakaroon ng iskolar. (3)

Pag nag-graduate sila na binayaran ng gobyerno, magsilbi sila ng apat na taon tapos magpapalit para hindi magkukulang. (4)

Ang nakakalungkot sa PhilHealth, kung mayroong nakitang bukol sa iyong tiyan, hangga’t hindi ito dumudugo, hindi ka puwedeng ma-confine at hindi ka pagagalingin. (5)

Kaya, kailangan lang sa ating mga kababayan, ginagarantiya ko sa inyo, isang makataong gobyerno kung saan ang mga mahihirap ay pwedeng magpagaling at hindi na iisipin kung magkano para lamang isalba ang kanilang mga mahal sa buhay. Pasensiya na po Mang Jun.

KOMENTARYO:

1). Ang realidad na merong nagrereklamo ay isang indikasyon na hindi lahat ng mga tao sa Pilipinas ay nakakatanggap ng tulong pinansyal.

Benerepika niya na kaya ng gobyerno tugunan ang pinansiyal pang-ospital na walang kahit isang sentimong gasto, paano niya masisiguro na ang lahat ay makakapagbenipisyo nito, sa hindi maikakailang katotohanan na para bang hindi masupil na korupsiyon na siyang sanhi ng pondong ito na hindi mapakinabangan ng mga tao?



Karen Davila (Tagapamagitan)

All right, next round, 30 seconds. Pwede niyong klaruhin, hamunin o pwede magbigay kayo ng pahayag o magdagdag. Secretary Mar.




SECRETARY MAR ROXAS
MARKA
MAKATOTOHANAN
ILUSYON
PANGLIMANG ISYU – KALUSUGAN (DEBATE)
0
0

Alam mo natutuwa ako dahil sa mga sagot ng aking katunggali, ina-affirm nila ang mga programa na kasalukuyang ginagawa na.

Pinapangako pa lang nila, ginagawa na natin. Halimbawa, yung trust fund na sinabi ni….

KOMENTARYO:

1). Sinabi ni Sen. Garace Poe na galing siya sa Catbalugan at napag-alaman na wala diumanong malinis na tubig.  Dapat ay binigyan niya ng katugunan ito.

   



MAYOR RODRIGO DUTERTE
MARKA
MAKATOTOHANAN
ILUSYON
PANGLIMANG ISYU – KALUSUGAN (DEBATE)
0
0

Eh, meron na tayong mahigit Php1 bilyong trust fund sa PhilHealth para tugunan ang lahat.

Sa nakaraang taon, ang PhilHealth ay nagbayad ng Php 75 billion para sa 6.5 milyong pasyente na binayaran niya. Ngayon po, sinabi naman ni Senadora Grace, zero-based billing na po tayo para sa mga pinakamahihirap na mga kababayan natin.

Ito lahat ay dahil tinutugunan natin ang mga tao, pag hindi nakabayad sa paggastos, sa pagpapagamot, balik sa wala, may butas pa ang bulsa. Kaya't ginagawan natin ang lahat para manatali siyang - silang malusog at may matatakbuhan silang may reresbak sa kanila...

KOMENTARYO:

1). Dahil nagprisinta siya ng  numero, humingi sana siya ng paliwanag patungkol sa mga benepisyo na hindi umaabot sa ilan nating mga kababayan, sa kabila ng malaking alokasyong pondo ng Philhealth.



Karen Davila (Tagapamagitan): Sige.
Sec. Mar Roxas: ...sakaling magkasakit sila.
Karen Davila (Tagapamagitan):  Oo. Okay. Sige.
Karen Davila (Tagapamagitan):  Sunod lang tayo – sandali lang. Vice President Binay, 30 segundo. Sige po.




VICE PRESIDENT JEJOMAR BINAY
MARKA
MAKATOTOHANAN
ILUSYON
PANGLIMANG ISYU – KALUSUGAN (DEBATE)
2
0

Alam po ninyo yun ang problema eh. Eh kung totoo yung sinasabi ni Secretary Roxas di tayo makakarinig ng ganitong reklamo. (1)

Ayan ang problema kasi eh, yung pagpapatupad eh. Yan ang problema. May kaya bang magpatupad? May karanasan bang magpatu – ipatupad ang ipinangangako? (2)



Karen Davila (Tagapamagitan): Sige.
Karen Davila (Moderator):  Secretary Roxas, pakisagot po.




SECRETARY MAR  ROXAS
MARKA
MAKATOTOHANAN
ILUSYON
PANGLIMANG ISYU – KALUSUGAN (DEBATE)
1
1

Hindi ko po alam yung kalagayan ni Mang Jun. Ang punto po dito ay doon sa mga programa na ipinapatupad natin, nangyayari na ngayon lahat yan. Kinalulungkot ko na hindi nasaklaw or hindi nasakop si Mang Jun doon sa mga programa. (1)

Pero hindi rin natin madedeny, 6.5 milyong pasyente. May mga pangalan yan, may mga ospital yan, may mga medical record yan. Ang natulungan last year, sa halagang Php75bilyones na dati-rati nanggagaling sa bulsa ng mga mamamayan mismo. Ngayon, nanggagaling......mula sa gobyerno. (1)

KOMENTARYO:

1). Ang dispensa sa kakulangang umiral ay nangangailangan ng pagprisinta/paglatag ng posibleng kaukulang solusyon para maiwasan ang kaparehong pangyayari sa darating na panahon.



Kare Davila (Tapamagitan): Senator Miriam, turno po ninyo sa loob ng 30 segundo.




SENATOR MIRIAM DEFENSOR-SANTIAGO
MARKA
MAKATOTOHANAN
ILUSYON
PANGLIMANG ISYU – KALUSUGAN (DEBATE)
1
1

Kailangang itigil ang paghingi ng Philippine Charity Sweepstakes ng rekomendasyon galing sa pulitiko bago nila harapin ang isinasangguning pondo…galing sa mahirap. (1)

Pangalawa, kinokontra ko ang pagsasapribado ng mga ospital dahil ito’y nag-aakyat ng presyo ng gamot.  (1)

KOMENTARYO:

1). Hindi iprinisenta ang dahilan kung bakit hindi kailangang humingi ng rekomendasyon galing sa  pulitika.



Karen Davila (Moderator): Sige. Mayor Rodrigo Duterte.




MAYOR RODRIGO DUTERTE
MARKA
MAKATOTOHANAN
ILUSYON
PANGLIMANG ISYU – KALUSUGAN (DEBATE)
0
1

Ako ang tinutukoy ni Secretary. Nilakad na ho namin yan – yang sinasabi niya. Eh, wala hanggang ngayon. Ako’y nag-apply para sa programang yan mga dalawang taon na ang nakakalipas. Patay na ho yung iniisip ko kung gamutin ko. At hanggang ngayon, ay wala – hindi yan tutuo. Wala sa Davao. (1)
KOMENTARYO:

1). Ang Davao ay malaking siyudad.  Maaaring tutuo na ang iba’y hindi nakinabang ngunit nakapagtatakang wala ang Davao.
Davila: Hindi yun tutuo.
Duterte: Pina-follow up na.


Karen Davila (Moderator): Secretary Mar, nabanggit ang inyong pangalan.





SECRETARY MAR ROXAS
MARKA
MAKATOTOHANAN
ILUSYON
PANGLIMANG ISYU – KALUSUGAN (DEBATE)
1
0

Siguro kathang-isip ito ni Mayor Duterte dahil totoo na may mga natutulungan ang PhilHealth sa Davao City. Bukas, alas-otso ng umaga, ibibigay ko sa kanya ang lista ng mga Davaoeño......na natulungan ng PhilHealth at ng gobyerno sa Davao City. (1)



Karen Davila (Tagapamagitan): Mayor?







PAGES


1


2


3


4


5


6


7


8


9







No comments:

Post a Comment

Adsense

Adsense

Adesense



yourimagetitle
Visit us @ FRIENDS OF THE DIVINE MERCY
Visit us @ FRIENDS OF THE DIVINE MERCY

Adsense

Adsense