Karen Davila (Tagapamagitan)
Sige. Susunod na isyu po muna tayo. Mamaya po
pwedeng ipaliwanag pano niyo gagawin yang isang bilyon kada probinsya. Tony.
|
Tony Velasquez (Tagapamagitan)
Salamat, Karen. Buwis buhay para sa kapayapaan.
Marami sa mga kababayan natin sa Mindanao hindi na makausad ang buhay dahil
laging naiipit sa giyera.
Dinggin natin ang hinaing ni Aling Amina na gusto
lang na mamuhay ng tahimik ang kanyang pamilya. Kasama natin po ngayon dito
sa University of Pangasinan si Aling Amina. Nagmula pa po sya sa Maguindanao.
Aling Amina, kamusta po kayo?
Amina: Mabuti naman po.
Tony Velasquez (Tagapamagitan): Ano po ang – ano po ang inyong katanungan ngayon sa mga kandidato?
Amina: Gusto ko lang pong itanong kung makakamit pa ba namin ang kapayapaan
sa probinsya namin? Dahil hanggang ngayon andun pa rin kami sa evacuation
center. Hindi kami makauwi dun dahil sa bakbakan dun sa amin.
Maliit pa ako, wala na akong alam na marinig
kundi bakbakan. Hanggang ngayon may asawa na ako, may mga anak na ako,
bakbakan pa rin doon sa amin. Ngayon, hiwalay ako sa asawa ko, mag-isa kong
tinataguyod ang mga anak ko. Paano ko bubuhayin ang mga anak ko, kung hindi
ako makapunta dun sa bukid namin dahil sa giyera doon?
Mauubos na yung mga kangkong na ipapakain ko sa
mga anak ko. Wala na akong maisip na paraan para mabuhay ko lamang ang mga
lima kong anak. Pinapag-aral ko yung tatlo kong anak para naman sana magkaroon
sila ng kaalaman.
Tony Velasquez (Tagapamagitan): Paano po natin matatapos ang hidwaan sa Mindanao? Simulan po natin.
Ang sasagot, si Senator Miriam Defensor.
|
SENATOR MIRIAM
DEFENSOR-SANTIAGO
|
||
MARKA
|
||
MAKATOTOHANAN
|
ILUSYON
|
|
PANG-ANIM NA ISYU – KAGULUHAN
SA MINDANAO
|
||
0
|
0
|
|
Una, bubuwagin natin ang pribadong army. Merong pribadong army na kaiba pa sa Armed
Forces of the Philippines. Yan ay nanggagaling sa isang pulitiko diyan na
maraming perang ninakaw sa gobyerno kaya kaya niya magbuo ng isang army.
At tapos itong army na ito, hindi na madisiplina
dahil sinasabi nila nagtutulong naman daw sila sa gobyerno. Kaya yun ang
unang-unang tutukan diyan sa iba na yan.
Pangalawa, para matigil
ang hidwaan diyan sa Mindanao, kailangang iangkla natin ang kanilang sinauna
o tradisyunal na batas sa ating kanluraning estilo ng modelo ng hustisya – ng
sistema panghustisya. (1)
Halimbawa, maganda
naman yung mga ugali ng Tausog kaya ginawa na – may ordinansang pangmunisipyo
ng isang – ng isang bayan. Pagkatapos, meron silang sharia court, so maganda
rin ang mga base. Kaya sa dalawang paraan na ito, maaaring – magkatagumpay na tayo sa wakas at mahinto
na ang giyera o terurismo sa Mindanao.
|
||
KOMENTARYO:
|
||
1). Sa
panahon ng pananakop ng mga Español, ang mga taong Islamic ng Mindanao,
Visayas at Luzon ay may socio-cultural at
pulitikal na pagkakakilanlan na hiwalay dun sa mga Español at mga
Kriistiyanong Indios. Sa bandang huli
ng 16th century ay mayroon nang nabuong kaisipang pangrelihiyon,
pangkultura at pagkakilanlan sa komunidad ng Islamic na tinatawag na
Bangsamoro, isang nasyon, komunidad at pulitika ng Moro.
Yung pagkaakilanlan bilang isang nasyon ay nabuo
na sa kaumpi-umpisahan at sa mahigit na 300 daang taon ay kinontra nila ang
mga serye ng kampanyang military ng pwersang Español at ng kanilang mga
tagasunod na Kristiyanong Indio, na sinundan ng tropa ng mga Amerikano.
Sa
kabilang banda, ang mga Pilipinong Kristiyano ay naideklara ang kanilang
pagkakilanlan bilang nasyon ay noon lamang nang ang rebolusyon laban sa mga
Espanyol ay nagsimula ng taong 1896.
Nang ang pagkakakilanlang ito ng mga Pilipino nag-umpisang mabuo, ang
mga pinuno at tagaisip ng komunidad na Muslim ay tinutulan ang hakbang na
ilagay ito sa batas ng Pilipino.
Ang
sari-saring kampanya, pangmilitar o di kaya ang Español o Amerikano, at
gobyernong Pilipino na pagsakop, at pagsasama ng Bangsamoro sa pangkalahatang
aspeto ng pulitika ay isang kawalan ng hustisya para sa Bangsamoro sa usaping
Kultural, relihiyon at pagkakakilanlan. [1]
Kung
kaya ang gulo sa Hilaga ay kawalan ng hustisya – aspetong pangkasaysayan,
pangkultura, komunidad, ekonomiya, pulitika at pangrelihiyon .
|
SECRETARY MAR ROXAS
|
||
MARKA
|
||
MAKATOTOHANAN
|
ILUSYON
|
|
PANG-ANIM NA ISYU – KAGULUHAN
SA MINDANAO
|
||
5
|
0
|
|
Kay Aling Mina, naiintidihan ko ang sitwasyon
mo. Si Ina Ambolodto na isang kagaya
mo ay nagkwento rin ng kaparehong karanasan at talagang nawalan ng
pag-asa.
Kaya natin isinulong
yung Comprehensive Agreement on Bangsamuro, para magkaroon na nga ng
kapayapaan. Alam natin kung walang development, walang kapayapaan. Pero kung
wala namang kapayapaan, wala ding progreso at development. (1)
Kaya't dalawang – dalawang kilos po ito. Sa isang
parte, yung ating gobyerno, sinusulong ang usapin
para sa kapayapaan sa lahat ng mga sektor lalung-lalo na sa MILF doon sa
Mindanao. At sa kabilang sektor naman, sa kabilang parte, yung development,
yung imprastraktura. (2)
Yung imprastraktura na naparating
natin sa Mindanao ngayon ay doble sa nakaraang limang taon kumpara sa lahat
ng imprastraktura na naparating doon noong nakaraang labing-dalawang taon
noong nakaraang dalawang pangulo. (3) Ganun ang pagtingin natin sa Mindanao. Ito,
may konkreto tayong ginawa.
Ginawa natin yung Comprehensive
Agreement, isinulong natin ang BBL. (4) Sa kasawiang palad, hindi ito naipasa sa
Senado at sa Kongreso.
Kung ako’y magiging pangulo,
isusulong ko ito. Dahil ang kapayapaan na walang kaunlaran at ang kaunlaran
na walang kapayapaan ay hindi mangyayari. (5) Dapat panahon na maisakatuparan ang pangako ng
Mindanao..
|
||
KOMENTARYO:
|
||
1). Tinanggap
kong makatotohanan ang kanyang paninindigan patungkol sa Bangsamoro Basic Law
dahil ito’y tumatalakay ng pagbababalik ng soberanya ng mga Moros.
Noong unang panahon, ang mga Pilipino
ay Moro ang tawag bilang mga mamamayan ng Pilipinas, na naging Pilipino nang
dumating ang mga mananakop na Español at pinangalanang Moro.
Ang
Bangsamoro (galing sa salitang bangsa, nasyon) bilang termino na maaaring
bagong konseptong pangkomunidad at pangpulitikal, pero ang realidad tungkol
sa termino ay nagbabalik-tanaw sa kasagsagan ng 14th century nang
ang Islam ay dinala sa mga animist na
Indo-Malayan na naninirahan sa Mindanao at Sulu sa pamamagitan ng
“misyonerong aktibidad ng mga mangangalakal na Arabs at mga Guro o Sufis na
dumating sa ruta ng pangnegosyo. Ang komunidad ng Muslim ay malaganap na
hanggang sa huling bahagi ng 14th century. Ang Sultanate na Muslim
ay naitatag sa kalagitnaan ng 15th century. Ang mga pagkilos ng
misyonerong Islamic sa bahagi ng 15th at 16th centuries
ay naging matagumpay din sa pagtatag ng mga sultanate sa bahagi ng Lanao at
Cotabato. Sa mga huling taon ng 15th
century, inabot ng Islam ang norte, Rajah Sulaiman Mahmud, Rajah Matanda, and
Rajah Lakandula ay namumuno sa tinatawag natin ngayon na Manila.
Ang mga grupong Islamic ay
nagsasalita sa sari-saring lenguwahe at nagpapahayag ng malaking kaibhan
pagdating sa kustumre at tradisyon. Sa pamamagitan ng malaganap na islam na
kumukonekta sa bawat isa ang bumuo ng kanilang istruktura pangkomunidad, ng
kanilang relasyon, ng kanilang moralidad, pamamaraan ng buhay, na siyang
nagdala sa kanilang pagkakasundo sa kanilang paggkakaiba at pagkakakilanlan. Sila’y nasa pagkakaisa na sa kanilang
pagkakakilanlan bago pa dumating ang terminong “Filipino” bilang katawagan sa
mga Indio na sinakop ng mga Español sa huling kalahating bahagi ng 16th
century.
Marami sa mga lider ng Moro ay galit
na tinutulan ang katawagang Filipino.
Sila’y nagprotesta laban sa kilusang pangkalayaan ng mga Filipino, na
mas ginusto ang mamalagi sa ilalim ng bandilang Amerikano kaysa maging Malaya
at samakatwid sa ilalim ng
“Kristiyanong Filipino.”
Ang Kiram-Bates treaty ay nagbigay
daan ng pag-ookupa ng mga Amerikano.
Noong 1903, ang probinsyya ng Moro na binubuo ng mga distrito ng Sulu,
Zamboanga, Lanao, Cotabato at Davao ay binuo at inilagay sa ilalaim ng direktang
superbisyon ng Civil Governor of the Philippine Islands and the Philippine
Commission. Noon 1904, idineklara ni
Pres. Theodore Roosevelt ang treaty na ito bilang inbalido. Noong 1912, si Brig. Gen. John C. Pershing,
pinuno ng Moro Province nagtatag ng unang Kristiyanong pananakop sa mga
naninirahan sa Mindanao. Siya rin ang responsable sa pagdis-arma ng mga
Moros, bagamat walang labanan kagaya
ng ipinakitang masaker sa Bud Bagsak noong 1913.
|
MAYOR RODRIGO DUTERTE
|
||
MARKA
|
||
MAKATOTOHANAN
|
ILUSYON
|
|
PANG-ANIM NA ISYU – KAGULUHAN
SA MINDANAO
|
||
4
|
0
|
|
Ang giyera sa Mindanao ay malalim
ang pinag-uugatan. Alam niyo, maaaring nakakatawa ito pero nung lumapag si
Magellan sa Leyte, ang Islam ay naitatag na sa Mindanao dahil sila’y sakop ng
ibang (sultanate). Ang makakaintindi lang yong Sabah papuntang Malaysia. (1)
Pero alam niyo, ang mga mananakop
at mga Amerikano, at mga Espanyol, kinuha nila ang Mindanao na isa nang
islam. Kaya nung pumunta ang mga
Espanyol pati Amerikano, giyera talaga. (2)
Kailangan natin ng dayalogo para
maitama ang kawalang hustisya ng nakalipas.
(3) Sinasabi ko ito sa inyo bilang Mayor ng Davao
City…walang kapayapaan. Hindi
magkakaroon ng federal government hanggat hindi tayo nakikipag-usap sa mga
NPA na nakikipaglaban sa atin, alam ko, ‘70s estudyante na ako. Ngayon, 70 anyos na ako.
Alam mo, ang
pagsulong ang dapat ngunit kailangan muna ng kapayapaaan bago ka
makagalaw. Pag hindi mo nakausap 'to
sa pamamagitan ng usaping pangkapayapaan, ang lahat ay mauuwi sa wala. Gusto kong sabihin sa inyo at sinasabi ko
sa Republika ng Pilipinas, kung hindi mo ibigay sa mga taong Moro ang BBL,
yan ang kanilang pinaka………. (4)
|
||
KOMENTARYO:
|
||
Ako’y
hindi ipinanganak sa Mindanao at hindi supporter ni Duterte pero ako’y isang
daang porsyento na umaayon sa kanyang paniniwalang ito patungkol sa BBL dahil
umpisa pa noong kauna-unahang panahaon hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa
naibabalik ang soberanya ng mga Moros.
Ang orihinal na katawagan sa mga Piliipino ay Moros na naging Pilipino
dahil nang ang mga nasakop na indio ay tinawag na ganun ng mga mananakop na
mga Español.
|
VICE PRESIDENT JEJOMAR BINAY
|
||
MARKA
|
||
MAKATOTOHANAN
|
ILUSYON
|
|
PANG-ANIM NA ISYU – KAGULUHAN
SA MINDANAO
|
||
2
|
1
|
|
Alam po ninyo, Aling Amina, ako ho eh sanay na sanay makipag-usap. Bago ho ako
napunta sa gobyerno, nakikipag-usap ako dun sa mga manggagawa at saka sa
kanilang pinagta-trabahuan. (1)
Nung naging mayor po ako, yung mga hostage problems, nagkakaroon po ako ng resultang maganda. (2)
Ipagpapatuloy ko po, Aling Amina, katulad ng
bawat Pilipino na tayo ho eh magkaroon ng talagang katahimikang, ah, na
matagalan. Lasting peace, yun nga po ang sabi.
Sa akin, sa aking palagay, yan hong lasting peace na yan eh makakamit kung mahaharap po
natin ang problema ng kahirapan na naglipana po don sa inyong lugar. (1)
Yan po ang pinagmulan kung bakit ho meron hong
gustong umalis, ito ho ay gumagamit ng dahas para ibagsak ang pamahalaan.
Pero, ang puno't dulo po nyan ay yung kahirapan.
Sa aking pamumuno, aangat at aangat ang buhay po
dun sa inyong lugar sa Mindanao, at yan ho ang magiging pangunahing dahilan
kung paano ho tayo magkakaroon ng lasting peace sa inyong lugar.
Oh, yun po ang aking pangako ho sa inyo. At
nakatitiyak kayo, kasi ako ho aksyon agad, ginagawa ko, ha. I make decisions.
As a leader, I am decisive. Mangyayari po yan.
|
||
KOMENTARYO:
|
||
1). Sabi ni
Sen. Grace Poe, ang Mindanao ay nakakapagbigay ng mahigit Php200 billion sa
bansa sa pamamagitan ng mga produktong pang-agrikultura nito. Ibig sabihin ang Mindanao ay hindi
nanganganib kontra sa gutom.
Kagaya ng nabanggit ko, ang mga Filipino ay mga
Moros na napalitan bilang Filipino noong panahon ng pang-uukopa ng mga
Español. Mag-umpisa noon hanggang
ngayon ay hindi pa naibabalik ang soberanya ng Moro. Ang BBL ay isnulong sa Kongreso at Senado
ngunit ito’y hindi pumasa na binaggit ni Sen. Mar Roxas.
Ang isyu dito ay nasyonalismo. Ito’y para bang sinasabi na walang sinuman
ang makapipilit na ilagay sa konstitusyon na ako ay Amerikano o Español
bilang naninirahan sa Pilipinas kung ang aking pagkakakilanlan bilang citizen
ng bansa ay Moro. Kung ito ay walang
kabuluhan sa sa mga gumawa ng konstitusyon dahil sa malalim na impluwensiya
ng mga Amerikano at Kastila habang binubuo ang konstitusyon, ito’y napakahalaga sa mga may
pagmamahal sa pagkakakilanlan.
|
Tony Velasquez (Tagapamagitan)
Iikot po tayong muli sa ating mga kandidato at
hihingi po tayo ng karagdagan pang mga sagot.
Ay, pasensya na po. Nakalimutan ko po si Senator Grace
Poe.
Senator Grace, may oras pa po pala kayo.
Paumanhin po.
|
SENATOR GRACE POE
|
||
RATINGS
|
||
REALISTIC
|
IDEALISTIC
|
|
PANG-ANIM NA ISYU – KAGULUHAN
SA MINDANAO
|
||
4
|
1
|
|
Amina, bilang isang babae, naiintindihan kita.
Ang mga lalake, pasan siguro nila ang armas, pero pasan natin ang mundo sa
ating balikat pag may giyera. Sapagkat tayo ang naiiwan para bantayan ang
ating pamilya.
Sa Mindanao, ang kapayapaan ay
napakahalaga. Pero doon doon sa mga terorista na nananakit o pumapatay, hindi
natin dapat sila pagbigyan kung ayaw nilang makipagbalikan, makipag-usapan sa
gobyerno. All out war sa mga nagbabanta sa atin, pero dapat all out
development rin. (1)
Sa Maguindanao, wala pa yata kayong
provincial hospital. Isa yan sa pangangailangan natin. (2)
Importante rin na pangalagaan
natin ang imprastraktura sapagkat kung konektado kayo sa isa't isa, mas
madaling mababantayan ang mga teritoryo natin sa Mindanao. (1)
Ngayon, may problema, hindi lamang sa Pilipinas
kundi sa Malaysia. Kung hindi ako nagkakamali, binara na nila yung border na
hindi makakapunta doon ang ating mga kapatid sa Tawi-Tawi para mag trade or
barter.
Kailangan magkaroon tayo ng
bilateral talks para talagang sugpuin ang terorista sapagkat nawawala ng
trabaho ang ating mga kababayan. (3)
Kung ako maging pangulo,
ipagpapatuloy ko ang usapin kapaya – pang kapayapaan pero dapat kasama ang
lahat. At hindi tayo dapat namimili ng iilang grupo lamang. (4)
|
||
KOMENTARYO:
|
||
1). Marapat
lamang na pangalagaan ang mga inprustruktura dahil ito’y pinuhunanan ng bansa
at ng mga tao sa pamamagitan ng buwis at pinagsamang pagkamalikhain.
Ganupaman, gaano man natin kamahal ang mga imprastrakturang ito kung walang
pagpapahalaga sa soberanya ng mga Moros na kinuha ng mga Amerikano at Kastila
na lalo pang pinaigting ng mga sari-saring namuno sa bansa, ang pagkakaisa ay
hindi mapagtatagumpayan. Kung ang
pagkakaloob sa mga Moros (ang orihinal na katawagan sa mga Pilipino ay Moros
na napalitan ng Filipino sa panahon ng pang-uukopa ng mga Kastila) bilang
hiwalay na gobyerno ay makaturungan para maitayo muli ang soberanya ng Moro ay narararapat
lamang. Ang bansa ay mabubuhay rin
naman kahit hiwalay sa Moro. Ang
Singapore na linalakbay sa pamamagitan ng bus papuntang Malaysia ay
maikukumpara sa sa ganitong sitwasyon, na naging maunlad sa kabila ng maliit
na lawak ng bansa nila. Kapag inalis
ang Moro sa mapa ng bansa, ang Pilipinas ay magiging maunlad pa rin dahil ang
Singapore na mas maliit sa Luzon ay nanatili bilang isa sa mga first world
coutries.
Hindi
hinihing ng mga Moros ang buong
Mindanao, dahil sa mga kaganapan hango sa nakalipas. Ang gusto lamang nila ay ang bahagi nito,
partikular kung saan sila natatag. Ito’y magbibigay daan sa kanilang henerasyon para
mamuhay sa pananampalataya at kabanalan, bilang pagatalima sa Islam. Ang mga katutubong Lumad ay maaaring
gustuhin nilang makaipag-isa sa mga kadugo nila, ang mga Moros, at sila’y
tanggap. Higit sa lahat, ang dalawang
komunidad na ito ay hindi mapaghihiwalay sa pinagmulan nila. Hindi kalabisan ang halaga ng kalayaan at
tagumpay ng lahat.[2]
|
PAGES
|
||||||||||||||
[1] Abp. Orlando B. Quevedo, OMI, DDon ARCHIVES:
Quevedo on Injustice: the Root of Conflict in Mindanao,
February 23 2014 6:58 pm
[2] Abp. Orlando B.
Quevedo, OMI, DDon February 23 2014 6:58
pm, ARCHIVES: Quevedo on Injustice:
the Root of Conflict in Mindanao, http://www.mindanews.com/mindaviews/2014/02/23/archives-quevedo-on-injustice-the-root-of-conflct-in-mindanao/
No comments:
Post a Comment