Tony Velasquez (Tagapamagitan)
At ngayon
po ay iikot pa rin tayong muli sa ating mga kandidato. Bibigyan pa po natin
sila ng 30 ssegundo para dagdagan ang kanilang mga sagot. Kung sakali man,
kung gusto niyo mag react po kayo sa mga narinig niyo na mula sa inyong mga
katunggali. Magsimula po tayong muli kay Vice President Binay.
|
VICE PRESIDENT BINAY
|
||
MARKA
|
||
MAKATOTOHANAN
|
ILUSYON
|
|
UNANG ISYU – KARAGDAGANG
REAKSIYON UKOL SA PHILIPPINE SEA
|
||
0
|
0
|
|
Okay na. Nasabi ko na yung dapat kong itulong sa
ating kababayan sa problema niyang hinaharap.
|
SENATOR MIRIAM SANTIAGO
|
||
MARKA
|
||
MAKATOTOHANAN
|
ILUSYON
|
|
UNANG ISYU – POSISYON UKOL SA
PHILIPPINE SEA (KARAGDAGANG REAKSIYON)
|
||
1
|
1
|
|
Napakadaling sabihin na i-giyera natin
ang Tsina. Eh kung matalo ang Tsina at nagsurrender silang lahat? Anong
ipapakain natin sa kanila? (1)
Kundi kailangan niya sa lahat ng
bukas na paraan, bintana o pinto, papasok tayo doon sa diplomasiya. (1)
Dalawang klaseng diplomasiya eh, una, yung tulong
estado at pangalawa.
|
||
KOMENTARYO:
|
||
1). Matatandaan na sa kanyang naunang pahayag na
tatawagin niya ang Coast Guard para bombahin ang mga nanawid-bakod. Kung kaya ito ay hindi makatotohahan dahil
sa salu-salungat na pahayag.
|
MAYOR RODRIGO DUTERTE
|
||
MARKA
|
||
MAKATOTOHANAN
|
ILUSYON
|
|
UNANG ISYU – KARAGDAGANG
REAKSIYON UKOL SA PHILIPPINE SEA
|
||
2
|
2
|
|
Oo. Kailangan nating bigyan
ng diin ang legalidad ng ating pagmamay-ari. Kailangang
hawak-hawak natin ang dokumentong nanalo tayo sa korte. At, igigiit natin sa
Tsina na lisanin ang lugar. Amin yan, ekslusibong economic zone. (1)
Kaya kung ayaw ninyo at ayaw tayong
tulungan ng Amerika at magka-giyera, dadanak ang dugo. (1) Hindi ko ibibigay ang buhay ng mga
Pilipinong sundalo. (2) Kaya ako na lang ang pupunta doon, no. Bakit magsasayang ng
panahon? (2)
Ako na lang…Kung ganoon, okay lang.
|
||
KOMENTARYO:
|
||
1). Wala na
bang ibang alternatibo kung tumanggi sa pagtulong ang Amerika? At kung ito’y mamamagitan, paano isasagawa
ang seguridad ng mga tao sa seguridad?
2). Ang
pagtanggi ng Amerika na tulungan ang Pilipinas sa krisis na ito ay nangangahulugan
ng mga nakatayang buhay, kagaya ng sabi niya, na tutuo naman dahil ito’y
potensyal na away pangkapayapaan.
Nawa’y maghari ang kalooban ng Panginoong Diyos!)
Ganunpaman, ang pagpunta doon ng solo na wala ang
kanyang puwersa ay para na ring pagpapatiwakal, na hindi kaibig-ibig dahil
nandito tayo bilang isang bansa, bilang isang grupo, bilang pinagsamang kilos
sa hirap at ginhawa, kung kaya’t bakit kailangang pumunta dun na walang
kalaban-laban?
|
SENATOR GRACE POE
|
||
MARKA
|
||
MAKATOTOHANAN
|
ILUSYON
|
|
UNANG ISYU – KARAGDAGANG
REAKSIYON UKOL SA PHILIPPINE SEA
|
||
1
|
0
|
|
Alam niyo po yong sitwasyon dito sa Tsina parang
sa paaralan kung saan binu-bully yong mga Grade 1. Tayo yon. Yong ating mga
ibang kakampi naman sa Asya parang mga Grade 2. Yong iba nating mga kakampi
nasa high school, gusto tayong tulungan, gusto tayong tayuan.
Pwede nating hingin ang kanilang
tulong basta wala tayong isinu-surrender sa kanila na ating soberanya o
kalayaan dahil hindi naman natin pwedeng isugal din ang buhay ng ating mga
Navy. (1)
Pero kasama rin dun, kailangan tayong manindigan
dito sa ating teritoryo.
|
||
KOMENTARYO:
|
||
1). Ito’y
pangalawang pagkakataon na mawawalan ng teritoryo ang Pilipinas dyan sa South
China/West Philippine Sea. Ang puwersa ni Marcos sa Pugad Island noong 1975
nawalan ng teritoryo nang silay’s dumalo ng birthday party ng kanilang
commander sa karatig na Parola island. [1]
Ayon sa balita, sila’y tinukso ng mga bayarang babaeng nakaabang dun bilang
handog ng mga kaibigang Vietnamese.
Pagbalik nila kinaumagahan ay may nakaabang nang puwersa ng Vietnamese
kasama ng kanilang kanyon na nakaumang sa sinumang gagawi doon. Kaya anong kasiguruhan na hindi ito
mangyayari ulit sa kadahilanang laganap na korupsiyon sa bansa?
|
SECRETARY MAR ROXAS
|
||
MARKA
|
||
MAKATOTOHANAN
|
ILUSYON
|
|
UNANG ISYU – KARAGDAGANG
REAKSIYON UKOL SA PHILIPPINE SEA
|
||
2
|
1
|
|
Ang pagiging pangulo ay pagiging
Commander-in-chief din ng ating Sandatahang Lakas. (1) Dapat maging mahinahon tayo (1) dahil bawat salita ng isang pangulo, ng
isang Commander-in-Chief ay sinusundan ng ating mga kasundaluhan at ng ating
kapulisan.
Buhay nila ang nakataya dito. Hindi ito isang
laro. Hindi ito isang ping pong. Mahalaga po na
makahanap tayo ng diplomasya para malutas ito. (2) Talo ang mga... ...mamamatay ang mga sundalo natin.
|
||
KOMENTARYO:
|
||
1). Bilang
Commander-in-Chief, muli ang panahon ay mahalaga para maipahayag kung kailan
mareresolba ang isyung ito patungkol sa gulo dahil nasa eksena na ito mula pa
noong 2011.
Matatandan
na noong Setyembre 2012, si Sen. Trillanes at Senate President Juan Ponce
Enrile ay nagkaroon ng bangayan hinggil sa galaw ni Trillanes bilang negosyador
ng Pilinas sa Tsina ukol sa gusot sa Scarborough Shoal[2] pero
walang klaradong nangyari sa bandang huli makalipas ang 16 na beses na
pakikipag-miting sa Tsina dahil isinampa pa rin ang usaping ito dito sa
debate.
|
PAGES
|
||||||||||||||
[1] Rigoberto D. Tiglao,
Congress should probe Aquino, Trillanes and del Rosario, June 28, 2015 9:53 pm, http://www.manilatimes.net/congress-should-probe-aquino-trillanes-and-del-rosario/195919
[2] Trillanes, Enrile clash over China talks
David Dizon, Ira Pedrasa,
ABS-CBNnews.com, Posted at Sep 19 2012 04:28 PM | Updated as
of Sep 20 2012 07:10 AM
No comments:
Post a Comment