yourimagetitle
yourimagetitle
yourimagetitle
yourimagetitle
yourimagetitle

Adsense

Adsense

Adesense

Saturday, April 23, 2016

Debate: Plataporma panggobyerno ng mga kumakandidatong Presidente na tututukan ng bansang Pilipinas




Karen Davila (Tagapamagitan)

Maraming salamat, Secretary Mar Roxas. Senator Grace Poe, limang minuto panghuling pahayag.





SENATOR GRACE POE
MARKA
MAKATOTOHANAN
ILUSYON
PANGWAKAS NA PAHAYAG
17
0

Sa aking mga kababayan dito sa Pangasinan, salamat sa inyong inspirasyon at sa pagtanggap sa amin. At sa ating mga kababayan sa buong Pilipinas, kayo ang dahilan kung bakit ako naririto.

Napakaraming pagsubok ang aking pinagdaanan sa kampanyang ito. Subalit ‘pag minsan nag-iisip ako, binabalikan ko lang ang tunay na layunin kung bakit ako tumakbo. Dahil hindi ko gusto ito. Lalung-lalo na nung nakita ko ‘yung pinagdaanan ng aking ama na si FPJ.

Pero sa higit sa 100 milyong Pilipino, iilan lamang ang nabibigyan ng pagkakataon na baka sakaling makapag-ambag sa kinabukasan ng ating bansa sa ganitong paraan. (1)

Jessa, ikaw ang dahilan kung bakit ako naririto......dahil ako ay may anak na katulad mo rin. (2)

Bilang isang babae, bilang isang nanay, matitiis mo ba na malaman na milyun-milyong mga bata pa rin ang hindi makakain sa ating bansa? (3)

Matitiis mo bang malaman na ang pera na dapat mapunta sa pagpapagaling ng ating mga may sakit ay nabubulsa pa lamang o nasasayang sa hindi tamang paggastos? (4)

Matitiis mo ba na ang ating mga magsasaka na nagbibigay sa atin ng pagkain ay hindi man lang natin mabigyan ng pagkain ‘pag wala silang maani? (5)

Matitiis mo ba na ang mga teachers natin umaalis na lang para maging katulong sa ibang bansa? (6)

Mga kababayan ang daming puwedeng gawin para sa ating bayan.

Maaring ako, maaring hindi ako. Pero dapat kung mabigyan ng pagkakataon ay sumubok sapagkat tayo'y Pilipino, mahal natin ang ating bansa. (7)

Sabi ng iba, kaya ba ng isang babae ang mamuno sa gitna ng lahat ng hinaharap ng ating bansa? Kaya bang labanan ang problema ng krimen at droga?

Kaya bang labanan ang Tsina at iba pang banta sa ating bayan?

Mga kababayan, ang mga babae ay mapagtimpi. Ang mga babae ay pasensiyosa. Ang mga babae ay mapagmahal. Pero ‘pag nilagay mo sa alanganin ang mga mahal nito sa buhay, ang mga babae ay hindi sumusuko. Ang mga babae ipinaglalaban ang mga asawang inaagaw sa kanila. (8)

Sabi rin ng iba, bago daw ako. Totoo. Pero ang problema natin ay hindi na bago, ang problema natin ay ganun pa rin. (9)

Baka naman kailangan ng bagong perspektibo?


Walang masama sa bago. Gusto nga natin bagong saing, bagong ligo, bagong boyfriend……bagong bayan……bagong pag-asa at bagong Pilipinas kung saan ang bawat bata sa public elementary school ay puwedeng kumain ng libreng pananghalian,  (10) na puwedeng makatapos ang anak ng mahihirap, (11) na ang ating magsasaka ay magkakaroon ng libreng irigasyon, (12) na maraming magkakagustong mamuhunan sa ating bansa sapagkat lalabanan natin ang
korapsyon, (13) na ang ating mga kakampi ay tutulong sa atin sapagkat tayo ay isang bansang mahalaga sa komunidad ng ibang mga bansa. (14)

Mga kababayan, dapat mas maraming mga babae, sa totoo lang, ang bigyan ng
pagkakataon sa gobyerno, sapagkat tayo ay nakakaramdam. Inaalagaan natin ang ating pamilya. (15)

Totoo, (haligi ng tahanan) – kailangan ng ilaw ng tahanan pero higit sa lahat kailangan ng pagmamahal, pag-aruga at pagprotekta. Kaya ng mga babae. (16)

Ginagawa ko ito para sa inyo. Ginagawa ko ito para din sa aking mga anak.
Sabay-sabay po tayo sa kinabukasan na maipagmamalaki natin, sa isang bansang maipagmamalaki natin, sa isang bansa kung saan hindi lamang iilan ang mayaman, kung saan hindi lamang iilan ang maligaya, kung saan lahat tayo ay sama-sama. (17)

Puti ka man, pula, dilaw o kung anumang kulay. Pagkatapos ng halalan, tayo ay iisa.

Pilipinong nagmamahal sa bansa.

Maraming salamat po.

KOMENTARYO:

Bilang baguhan sa pulitika, hindi ako nag-alinlangan sa kanyang kakayahan na hango taus-pusong mga pangako. Base sa mga nakaraan at sa kasalukuyan na pinamunuan ng mga batikan, matatanda, may mga academic honsrs at edukasyon sa mga prominenteng unibersidad sa loob at labas ng bansa, pero ang korupsiyon at kawalan ng hustisya ay nanatiling hindi kontrolado maging ito man ay lokal o nasyonal, at ang mga asal ay nahubog hindi ng taus-pusong paninilbihan kundi ng pandaraya sa bansa.  Kung kaya’t panahon na siguro para makasubok ng isang bagito. 



Karen Davila (Moderator): Maraming salamat po, Senator Grace Poe.







PAGES


1


2


3


4


5


6


7


8


9









[1] Maila Ager, Trillanes: Duterte has more hidden wealth, 12:58 PM April 27th, 2016, http://newsinfo.inquirer.net/781913/trillanes-duterte-has-more-hidden-wealth

[2] Pia Ranada, Duterte to Binay: No extrajudicial killings, I still have values
Published 5:43 PM, April 08, 2016, Updated 11:30 AM, April 09, 2016, http://www.rappler.com/nation/politics/elections/2016/128742-duterte-binay-extrajudicial-killings-values

[3] Bea Cupin, Duterte and Davao Death Squad: 'Defending the indefensible,'
Published 7:00 AM, May 26, 2015, Updated 7:00 AM, May 26, 2015, rappler.com

[4] Marvin Sy, Philippine Star, Senators slam RH budget cut, January 9, 2016, https://sg.news.yahoo.com/senators-slam-rh-budget-cut-000000373.html?nhp=1

[5] Fritzie  Rodriguez, Where do VP bets stand on education, K to 12?, Published 7:51 PM, April 05, 2016, Updated 7:51 PM, April 05, 2016, http://www.rappler.com/nation/politics/elections/2016/128762-chiz-escudero-vp-debate-preparations 

[6] Agence France-Presse,  Millions to remain in poverty as Philippines re-sets target,  Published March 19, 2014 6:46amPublished March 19, 2014 6:46amhttp://www.gmanetwork.com/news/story/353181/money/economy/millions-to-remain-in-poverty-as-philippines-re-sets-target
.
[7] Fritzie  Rodriguez, Where do VP bets stand on education, K to 12?, Published 7:51 PM, April 05, 2016, Updated 7:51 PM, April 05, 2016, http://www.rappler.com/nation/politics/elections/2016/128762-chiz-escudero-vp-debate-preparations

No comments:

Post a Comment

Adsense

Adsense

Adesense



yourimagetitle
Visit us @ FRIENDS OF THE DIVINE MERCY
Visit us @ FRIENDS OF THE DIVINE MERCY

Adsense

Adsense