Tony Velasquez (Tagapamagitan): Nasa huling bahagi na po tayo ng ating PiliPinas 2016 Presidential
Town Hall Debate.
Ang huling harapan, eh, sabi nga po, tuwing may
halalan,
pagkakataon ito ng bagong panimula. Para bang sinasabihan ang lahat,
puwede pa. Umayos na tayo bilang isang bansa.
Karen Davila (Tagapamagitan): Kaya sa ating mga kanditato, para po sa inyong panghuling salita,
pagkunan niyo po ng inspirasyon ang batang si (Jessa) mula po sa Bohol.
Pakinggan niyo po ang kwento niya.
Karen Davila (Tagapamagitan): Kasama po natin ngayon, mga kandidato, ito po si Jessa at ang kanyang
ina. Gaya po ng lahat ng batang Pilipino, hindi pa po siya puwedeng bumoto.
Pero siya po ang punong-puno ng pangarap at pag-asa.
Tony Velasquez (Tagapamagitan): Eh, pakisama niyo naman po sa
inyong mga panghuling pananalita, kung ano po ba ang maaari niyong gawin para
hindi mabigo ang mga pangarap ni Jessa at iba pang mga bata na katulad niya.
May hanggang limang minuto po kayo bawat
kandidato. At batay sa naging bunutan, ang mauuna po ngayon ay si Mayor
Rodrigo Duterte. Lima...
Karen Davila (Tagapamagitan): At ang entablado ay sayo hanggang limang minutos.
|
MAYOR RODRIGO DUTERTE
|
||
MARKA
|
||
MAKATOTOHANAN
|
ILUSYON
|
|
PANGWAKAS NA PAHAYAG
|
||
11
|
7
|
|
Sa aking mga kababayan, ako’y tumatakbo bilang
pangulo. Ako’y
isang ordinaryong mamayan lamang. (1)
Wala akong kredensyal kagaya ng sa summa cum
laude. Wala din akong karangalan noong
kapanahunan. Eh (tamang-tama) lang ho.
Pero awa ng Diyos sa amin, kami ay dayo lamang sa Mindanao. Siyempre ang nanay ko ay taga
Mindanao.
Ang pangako ko sa inyo ito, droga
(papakasikapin) ko, susupilin ko ito hanggang sa kadulu-duluhan kung hindi ko
kayang hulihin. (1) Ang kriminalidad ay laganap sa siyudad at maging sa kanayunan
– alam mo pati droga ay umaabot na sa bukid, pinagbibilihan na nila yung mga
anak ng magbubukid. At nakukuha nila ang mga kalabaw at mga baboy. (2)
Alam niyo, galit talaga ako. Sabi nila
na mamamatay-tao ako, baka talaga. Ang hinihingi ko lang, tigil at isasayos
ko ang gobyerno. Ang korupsiyon ay dapay matigil. Kung ako’y magiging Pangulo, sa loob ng
dalawang linggo tapos walang maniwala sa akin, walang susunod, tapos kahit
bibigyan ninyo ako ng 10 taon, hindi ko magagawa ito. (2)
Pero ako kasi, sabi ko, ordinaryong tao lang ako,
ayaw kong mapahiya. Kaya ‘pag sinabi kong huminto kayo, huminto kayo. At para doon sa mga talaga - alam ko na, mayroon akong
isang salita, para sa lahat ng pamunuan dito sa Pilipinas, tigil. T-I-G-I-L.
Tigil lang. Sumunod lang sa batas.(3) At sa mga sibilyan wala akong hihingiin. Sabi nila may
extra judicial killing. Hindi sa ako’y – alam niyo, ang kapakanan talaga ng
bansa. Gagawin ko po iyan. (3)
Ititigil ko ang korupsiyon. Walang droga, kung maaari lang maubos ko.
Pati tao - okay lang sa akin, sabay na sa droga. Krniminalidad, ganoon rin. (4)
Ako’y hindi – ako’y
magiging malupit. (4)
At binabalaan ko kayo sa isang
posibilidad, ang paglitaw ng terorismo. Pareho ‘yan. Pero ako’y makikipagpulong sa mga
taga-Mindanao para sa kapayapaan. Hindi ito makakaya kung anu-anong usapan o
giyera. Kasi ito, noon unang panahon pa. (5)
At kahit ang mga NPAs, sabi nga ni
Sison, “Kung ako’y pangulo” - or si Grace - “Siya ay luluwas para
makipagpulong.” Yan ay katanggap-tanggap na paglago. (6)
Wala akong hangarin bukod sa aking bansa. At ako’y nanalangin sa Panginoong Diyos na - hindi ko sinasabing bumoto kayo sa akin. Ako’y nanalangin sa Panginoong Diyos na ang bansa ay
liwanagan sana ng kanyang grasya at kayo’y makapili ng lider. (7)
Bahala kayo kung sino. Kung sino
ang makakagawa nito. Kung ito’y – yung dito sa mga katabi ko – sila’y
karapat-dapat. At sa palagay ko’y magagawa nila. (8)
Pero ako ‘pag sinabi ko at - ang
mga DavaoeƱos sanay na ito – pag sinabi kung huminto, huminto ka dyan. ‘Pag
sinabi ko sayo gagawin ko dyan, ginagawa ko talaga kahit nakataya minsan. (9) Kung ang nakataya ay
honor o reputasyon o pagiging presidente. Wala akong pakialam, basta ako may
trabaho at gagawin ko. (5)
‘Yang tanim-tanim ng bala, hintuan
talaga niyo ‘yan. Maliban na lang kung handa kayong lumulon ng bala at
ipagagawa ko ito sa inyo. Kung hindi niyo alam ‘yan, pumunta kayo ng Davao.
Marami ng barya doon sa Central Bank na kinakain sa mga - tang-ina hindi maniwala.
(6)
Eh ako’y taong maiksi ang
pasensiya. (7) Wala nga akong
ipagyabang eh. Ipagyabang ko trabaho lang.
Hindi ako kailanman nakagawa ng kasikatan. Wala
akong recognition sa eskwela hanggang high school, 75 lang lahat. Okay lang
yan. (10)
Pero noong nag-abogado ako, medyo matino na ako.
At natuto ako ng maraming rason, pero ako’y hindi
tututok masyado tungkol sa – mga
detalye ng buhay.Kung ito’y para sa kapakanan ng bansa, ito’y gagawin ko. (11)
At higit sa lahat, gusto kong magpasalamat kay
Alan Peter Cayetano, ang aking bise presidente sa pagsali sa akin, sa
pagkandili sa akin nung sinabihan ko siyang sumali sa akin. Maraming salamat po.
|
||
KOMENTARYO:
|
||
1).
Sinabi ni Senator Antonio Trillanes IV na siya diumano’y may mga tagong-yaman
maliban sa naianunsiyo sa pahayagan na P211 million deposito sa bangko na
hindi niya idineklara sa Statement of Assets, Liabilities and Networth (SALN)
noong 2014. Kung tutuo ito, hindi siya
isang ordinaryong mamayan. [1]
2).
Ang paglilinis ng korupsiyon sa bansa ay naumpisahan na ng house arrests kay
dating presidente Gloria Macapagal Arroyo, Senators Bong Revilla, Jinggoy
Estrada at Juan Ponce Enrile (na nakalaya sa bisa ng bail dahil sa kanyang
kalusugan), na nangangahulugan na ito’y posible, bagamat ito’y hindi makukuha
sa isang iglap dahilt ito’y epidemya na umpisa pa noong sinaunang panahon
hanggang sa ngayon.
3). Sinabi niya
sa isang pahayag na ayaw niya sa extra judicial killing dahil mayroon pa siyang moralidad.[2] Sa ibang
pahayagan naman, sinabi ni Duterte, “Sa lahat ng mga nagdurugo ang puso diyan
sa tagamasid ng krimen na base sa Amerika:
Gusto ninyong makatikim ng aking estilo panghustisya? Pumunta kayo
sa Davao City, Pilipinas, at subukan
ninyong mag-droga. Bibitayin ko kayo sa pampublikong lugar. At higit sa
lahat, kayo SOBs, hindi ako nagbibigay ng dahilan o humihingi ng despensa.
Kaya eto yun.”[3] Saan
nanggagaling ang tiwalang ito sa pagbitay ng kriminal gayong wala namang
batas na bitay sa Pilipinas?
4). Ang
lupit na na pinairal sa mga nakaraang gobyerno ay hindi nakatulong sa bansa
kaya hindi rin ito makakatulong kung uulitin.
5). Ang
itaya ang karangalan, reputasyon, o ang posisyon bilang pangulo ay panganib
para sa seguridad ng bansa dahil ito’y mangangahulugan ng pagbali ng batas
kapalit ng personal na kagustuhan at ng benepisyo ng mas nakararami.
6). Ang
pagpapalulon ng bala sa mga salarin ng tanim-bala scam ay hindi ang
pinakahuling para supilin ito.
7). Ang
kawalan ng pasensiya ay walang lugar sa pamumuno. Kung ganoon, ito’y magdudulot maging ng
pagpatay ng mga taong nangurakot kaysa ikulong ang mga ito.
|
Karen Davila (Tagapamagitan): Sige. Senator Miriam Defensor Santiago, panghuling pahayag po. Meron
po kayong limang minute.
|
SENATOR MIRIAM
DEFENSOR-SANTIAGO
|
||
MARKA
|
||
MAKATOTOHANAN
|
ILUSYON
|
|
PANGWAKAS NA PAHAYAG
|
||
6
|
2
|
|
Mayroong mga paninira laban sa
akin, ang pinakabago ay itong mga huling buwan na ako’y umatras diumano dahil
sa aking kanser. Ipinakita ko na sa
inyo ngayon kung ano ang kalagayan ko.
Ako’y ako kung ano ako noong nakalipas. At kung ano ako bukas. (1)
Tayo’y
hindi naghahanap ng ordinaryong lider o ordinaryong manedyer o
adminsitrador. Tayo’y naghahanap ng
presidente ng Pilipinas. Kaya….ako’y naniniwala na ang unang kwalipikasyon ay dapat nahubog
pang international na magiging malaking tulong sa mga polisiya sa loob at
labas ng Pilipinas. (1)
At higit sa lahat, inuulit ko, may tatlong
kuwalipikasyon upang maging isang presidente.
Kalidad ng galing
pang-edukasyon. (2) Ako ay may Doctorate in Juridical Science mula sa
Amerika.
At saka, Valedictorian ako ng lahat ng klase ko.
Hindi naman puwede na 'yung nauupo sa likod ‘yun ang magiging Presidente ng
Pilipinas.
Pangalawa, kalidad ng
galing pangpropesyunal. Binigyan ako ng prestihiyosong Magsaysay Award for
Government Service, “para sa matapang at may moralidad na pamumuno sa
paglinis ng isang kurakot na ahensiya ng gobyerno. Mayroon ba silang ganoon? (2)
Pangatlo, kalidad ng
galing pang-moral. Maliban diyan sa dalawang galing na ‘yun, mayroon pang
kalidad ng galing na siyang pinakaimportante. (3)
Sa kasawiang-palad, walang makina na pwedeng
ikabit sa tao para ika’y makapagsabi kung ang taong yan ay mapagkakatiwalaan
o hindi.
Maaaring bolero lang, maaaring magaan ang bibig,
maaaring kung anu-anong sinasabi basta kung anong unang dumating sa isipan
niya. Kaya pag-isipan niyong mabuti itong ginagawa natin.
Pumipili tayo ng ating maging leader sa loob ng
sunod na anim na taon. Hindi tayo puwede mamili base lang sa kursunada o
dahil uso doon sa mga gang ninyo o sa mga tribo ninyo sa eskuwela.
Tayo’y nagkakaisa sa gawaing ito para mapaunlad
at mabago ang Pilipinas. Akala ng iba
palaging ganito na lang tayo? Hindi. Lalabanan
natin itong korupsyon na naging bunga at sanhi ng ating kahirapan.
Malalabanan natin ang korupsiyon. Ipinakita ko ito sa Immigration Commission.
(4)
Hindi ko hinayaang matalo ng aking mga salita ang
aking mga gawa.
At sa mga nag-iisip na dapat ako’y umatras dahil
ako’y minsan naging pasyente ng kanser, ito ang aking masasabi, “ako ngayon ay normal at ako’y makakagalaw at
makakapanalangin.” (5)
Ngayon, gusto niyo akong umurong? Sinasabi na nga
ninyong umurong na si Miriam.
Biro mo, ang lakas pati sa radyo? Ang sagot ko sa
kanila, “Hindi ako bibigay. Hindi ako titigil. Hindi ako aatras.”
Gusto nating lahat baguhin ang mundo para sa mas
mainam. Pero ang taong nananalangin ay dapat pamarisan. Sabi niya, “Panginoon,
pangalagaan Niyo po ang bansang ito at umpisahan Ninyo sa akin. (6)
Salamat.
|
||
KOMENTARYO:
|
||
1). Lamang ang may pang-internasyonal na kagalingan dahil itoy
nagangahulugan ng malalim na kaalaman na puwedeng pakinabangan ng bansa,
ngunit hindi laging makakabuti kundi nagiging dahilan para makompromiso ang
ilang sektor.
Halimbawa, ang Reproductive Health Bill na
ginaya sa labas ng bansa ay nakakapagpondo ng
P1.157-billion[4] na naging daan para makompromiso ang ibang
sektor kagaya ng pagkakaroon ng may kalidad na edukasyon para sa mahihirap
dahil sa mababang klase ng silid –aralan at kakulangan sa libro ayon sa
pahayg ni Sen. Bong Bong Marcos.[5]
2). Ang
katalinuhang pang-edukasyon ay isa ring naiibang taglay ngunit hindi
naggagarantiya ng tuwid na pamunuan.
Ang bansang ito ay pinamunuan ng mga matatalino na nagtapos sa loob at
labas ng bansa ngunit ang korupsiyon ay nanatiling multo para sa magandang
buhay ng lipunang ito.
25 porsiyento ng presidente ng Amerika ay hindi
mga tapos ng kolehiyo kabilang ang mga prominenteng sina George Washington at
Abraham Lincoln, ngunit ang bansang ito ay naging prominenteng.
|
Karen Davila (Tagapamagitan)
Alright.
Vice President Binay, may limang minuto po kayo. Sa ating mga kandidato, you
– ang entablado po ay sa inyo. Puwede kayong maglakad, gamitin ang entablado.
Vice President Binay
|
VICE PRESIDENT JEJOMAR BINAY
|
||
MARKA
|
||
MAKATOTOHANAN
|
ILUSYON
|
|
PANGWAKAS NA PAHAYAG
|
||
4
|
1
|
|
Lalakad po ako.
Narinig na po ninyo, mga pangako at paninindigan
ng mga kandidato. Narinig na rin ninyo, na naman, eh ‘yung lumang issue na
puros bintang. Bintang, bintang, bintang na wala namang kinararatnan na ako
ay nahatulan, ha.
Sabi ko nga, eh mahirap, yung bintang sa akin,
hindi raw ako nagpapaliwanag. Eh yung mga taong ‘yan,
eh sabi ko, eh kung ayaw tignan, eh nagbubulag-bulagan. Eh kung ayaw
pakinggan ang paliwanag, eh nagbibingi-bingihan. (1)
Ano pa't ito hong mga pangakong 'to balewala ho
lahat yan. Karamihan nga ho ng mga pangako dyan at mga programang yan eh kung
hindi man galing sa kandidato, eh karamihan doon ho sa mga advisers nila.
Ang importante po ay ang magiging pangulo po ba
ay may kakayahang ipatupad, ha, yung kanyang ipinapangako? Mayroon bang track
record? May karanasan ba ho? Kung may karanasan naman eh baka naman puros
kapalpakan, ha.
Eh, ito ho si Jojo Binay, sa lawak ng karanasan
eh wala na hong makakapantay sa akin.
Karanasan bilang nanungkulan sa executive
department ng ating bansa.
Dalawampu't isang taon po akong
naging mayor. At nung akin hong madatnan ang Makati, eh ‘yung problema na
haharapin ng pangulo naharap ko po ‘yan. (1)
Inabutan ko sa Makati ‘yun hong mga
taga-Makati kumakain pa ho ng kanin at bagoong lang. Kanin at toyo't
kalamansi lang. Oh, sa tamang pamamahala ni Jojo Binay, angat ang naging
buhay ng mga mamamayan ng Makati. Kahit na sino ang tanungin ninyo, ‘yan ho
ang buhay na masarap, buhay na matira sa Makati. (2)
Kakayahan? Kakayahan po? Aba, bago nga pala ho,
pagkatapos ng mahigit dalawampu't isang mayor po ako, oo nga pala, naging
gobernador ho ako ha. Na-appoint bilang governor. Pumalit po kay Mrs. Marcos
sa Metro Manila Commission.
Naging chairman po ako tatlong beses MMC, MMA,
MMDA. Naging chairman po ako ng Development Authority. At ako ho eh naging chairman ng mga – dyan
sa shelter sector. Lalung-lalo na ho dito sa
shelter sector, marami ho akong naibigay na lupa, marami akong napabahay
bilang chairman ng NHA. (3)
Pero, ang akin hong pinagmamalaki lagi, nagawa ko ho ang Pag-IBIG bilang isa sa pinakamahusay
na ahensiya ng gobyerno. (4)
Ako ho eh inihalal ninyo sa pagka-pangalawang
pangulo at hindi naman ho kayo nagsisi sa pagkakaboto sa akin. Kasi, ginampanan
ko ho lahat ng mga ipinagawa sa akin. Ang pagkaka-gampanan ko ho eh ayus-ayos
lang.
Pinakita ko ho na ako ay, ako ay executive, ako
ay administrador, ako ay lider na nakakapagdesisyon ng mga kumplikadong bagay.
Ngayon, ito ho eh – ‘yun hong kailangan pa ay
‘yung galing sa kahirapan. Galing po ako sa kahirapan. Marunong po akong
maglaba, marunong po akong mamalengke, marunong po akong mamlantsa.
Pero, tatapusin ko muna hong lahat ito, at sa
pagsasabi bilang pangulo, lagi kong iisipin kung paano ko maiaangat ang buhay
ng bawat Pilipino.
Bilang pagtapos, gusto ko hong magpasalamat sa
aking pamilya na dahil ho sa aking pagkakandidato eh kung anu-anong paninira
ang inabot nila. Eh, hindi ho naman nila ako iniwanan.
Nagpapasalamat din po ako sa taga-Makati dahil sa
binigyan nila ako ng pagkakataong ipakita kung ano ang leadership ni Jojo
Binay.
Nagpapasalamat ako sa ahensyang aking natulungan
at saka don ho sa mga lugar na nasiraan. Si Jojo Binay, pinakita na sila ay
kasama ko. Tungkulin ng isang namumuno na laging kasama sa hirap at ginhawa
ang kanyang pinamumunuan.
Ako po si Jojo Binay. Kung sa ABS-CBN merong
BFF......ay meron din naman pong Binay Filipino Forever.
Jojo Binay sa pagka-pangulo.
|
||
KOMENTARYO:
|
||
1). Ang
tagapamagitan ng debate sa Cebu ay hindi pumayag magdala ng anumang uri ng
kodigo kaya hindi naiprisinta ni Bise Presidente ang mga dukomentong
nagpapatunay laban sa mga akusasyon sa kanya.
Ngayong binigyan siya ulit ng pagkakataon na liwanagin ang alegasyon,
tumanggi siya. Kaya ito’y itinuring
kong hindi makatotohana itong hindi
mabilang na karansan sa paninilbihan dahil sa hindi ring mabilang na
imperpeksiyon na kinokekta sa kanya.
Kung kayat, ang kanyang paninilbihan sa mahabang panahon ay magiging
walang kabuluhan at hindi makatotohanan dahil sa kontrobersiya.
|
Tony Velasquez (Tagapamagitan): Salamat po.
VP Jejomar Binay: Number 1 sa balota.
Tony Velasquez (Tagapamagitan): Salamat po, Vice President.
Tony Velasquez (Tagapamagitan): Susunod po si Secretary Roxas.
Secretary Roxas, limang minutos po sa inyo. Sige po. Magpatuloy po kayo.
|
SECRETARY MAR ROXAS
|
||
MARKA
|
||
MAKATOTOHANAN
|
ILUSYON
|
|
PANGWAKAS NA PAHAYAG
|
||
14
|
2
|
|
Maraming salamat sa inyong lahat at lalung-lalo
na sa lahat ng mga sumalubong sa amin ni Leni sa aming pag-iikot sa ating
bansa, mga nagpakita ng suporta, kumamay, kumupkop, yumakap sa amin.
Nakakataba ng puso. At sa init ng inyong pagsalubong sa amin, nasasariwa ang
mga dahilan kung bakit ipinaglalaban natin ang ating bayan.
Maraming salamat muli, espesyal doon sa ating
shout-out sa mga taga-Luneta na nanonood ngayon.
Patapos na ang kampanya, panghuling
debate na ito. Ang kampanya ay magpapahinga. Ito’y naging malupit at magulo.
Maraming mga nasaktan: Kababaihan, LGBT, mga taon may kapansanan, senior
citizens. Madalas ang mga pinakawalang kalaban-laban. (1)
Ngunit hindi ito tayo bilang
mamamayan. Tayo’y mapagparayang mamamayan. Tayo’y palakaibigan. Tayo’y
mapagmahal. Mapagbigay tayo. Ang magulang, isusubo na lang, ibibigay pa sa
anak. (2)
Tayo’y gumagawa ng may kaunting
nakukuha dahil gusto nating magkaroon ng mas higit ang mga kabataan. At
sila’y karapat-dapat na magkaroon ng mas higit. Bawat Pilipino ay
karapat-dapat na magkaroon ng mas higit.
At nandyan ang ugat ng ating hinaing. (3)
And iba ay gagamitin ang ating
hinaing para lokohin tayo, (4) para makalimutan natin na malayo na ang narating natin, para
makalimutan natin kung sino tayo bilang Pilipino, para makalimutan natin na ang tunay at makabuluhang pagbabago ay hindi nakakamit
sa paninisi, sa pang-iinsulto o sa pag-aanunsiyo lamang. Nangyayari ito dahil
tinatrabaho. (5)
At dito bumabagsak ang eleksiyon. Ang mga puro ngawa laban sa mga gumagawa. Yung mga
naglalabas ng pinakapangit sa atin laban sa mga naglalabas ng pinakamabuti sa
atin. (6)
Yung mga susunugin lahat ng
pinaghirapan natin kontra doon sa mga magdidilig at magbabantay sa mga
itinanim natin. (7)
Dapat panatiliin natin ang landas
dahil malago ang ating ekonomiya. Ito ang pumihit sa atin galing sa Baluktot
na nilalang ng Asya patungo sa tinaguriang makinang na bituin ng Asya. (8)
Marami ang nabigyan ng trabaho.
Nasa pinakababang lebel ang bilang ng mga walang trabaho sa loob ng 10 taon. (9)
Gumawa tayo ng mas maraming
silid-aralan (1) at nagtalaga ng mas maraming mga guro sa nakalipas na
limang taon kumpara sa nakalipas na pinagsamang limang administrasyon. (10)
May naiahon tayo mahigit dalawang
milyon nang ating mga kababayan mula sa kahirapan. Wala na sila sa
kategoryang mahihirap. (2)
Lumago ang ating kapaligiran at marami pang iba.
Pero alam ninyo? Pundasyon pa lang ito. Parating
na ang pinakamabuti.
Panibagong anim na taon ng
mapagkakatiwalaan, desente, masipag na pamamahala at mararating na natin ang
ating pinapangarap. (11)
Isang Pilipinas na maunlad at disente. Puno ng
pagkakataon, malaya sa takot, at malayang mangarap. Ito ang maunlad at
desenteng Pilipinas. May dangal. May takot sa Diyos. Maipagmamalaki mo.
Ito ang Pilipinas na ipinaglalaban natin. Dakila ang ating lahi. Dakila ang ating bansa. Ito ang
laban na karapat-dapat ipaglaban. Ito’y laban para sa ating bansa.
Nananawagan ako sa lahat sa inyo.
Magkaisa sa iisang adhikain. Katukin natin, kausapin natin, kumbinsihin natin
ang ating mga kamag-anak......ang ating kakilala, mga kaibigan, mga katrabaho.
Dalhin natin sa kanila ang
magandang balita na kinalalagyan na
natin ngayon. (12)
Huwag kayong matatakot. Hayaan
mapakinggan ang ating mga boses. Ito’y mabuting laban. Ito’y laban para sa
desente at tuwid na kinabukasan. (13)
Sa ika-9 ng Mayo, patunayan natin sa buong
Pilipinas at sa buong mundo, mas marami pa rin tayong mga disenteng Pilipino.
Mas marami pa rin tayong mga
mabubuting Pilipino. Mas marami pa rin tayong mga matutuwid na Pilipino. (14)
Samahan niyo po ako. Ipanalo na natin ang laban na
ito.
Maraming salamat po.
|
||
KOMENTARYO:
|
||
1). Si
Socio-economic Planning Secretary Arsenio Balisacan na orihinal na nagtantiya
na ang kahirapan sa Pilipinas pagkatapos ng termino ni Pangulong Benigno
Aquino ay nasa 16.6 porsiyento ng 100 milyong kabuan ng populasyon sa taong
1916 ay sinabing 18-20 porsiyento ang apektado ng kahirapan. [6]
2). Si
Senator Ferdinand Marcos, Jr. na hindi sang-ayon sa K to 12 program ay
itinuro ang kakulangan ng material at kagamitan pang-eskwelahan sa mga
dahilan[7]
|
No comments:
Post a Comment