Tony Velasquez (Tagapamagitan): At eto na nga po, bibigyan pa po natin ng additional 30 seconds ang
ating mga kandidato para dagdagan pa ang kanilang mga naunang binigay na
pahayag. Uulit po tayo.
Magsimula tayo kay Senator Miriam Defensor.
|
VP Jejomar Binay: Si Senator Defensor.
|
Tony Velasquez (Moderator): Si Senator Miriam, wala na pong idadagdag?
|
VP Jejomar Binay: Hindi na. Wala nang idadagdag.
|
Tony Velasquez (Tagapamagitan): Okay. Sige po. Si Vice
President Roxas po, 30 seconds.
|
VP Jejomar Binay: Bakit naman dinemote mo yun?
|
Tony Velasquez (Tagapamagitan): Pasensiya na po. Secretary Mar Roxas. Akoy’ nagkamali.
|
VP Jejomar Binay: Ah promoted pala.
|
Roxas: Pero kung pino-promote mo ako, bakit
hindi, di ba?
|
Tony Velasquez (Tagapamagitan): Ako’y nagkamali, humihingi po
ako ng paumanhin. Ala Steve Harvey.
|
Roxas: Aling...
|
Tony Velasquez (Tagapamagitan): Pasensiya na po.
|
SECRETARY MAR ROXAS
|
||
MARKA
|
||
MAKATOTOHANAN
|
ILUSYON
|
|
PANG-ANIM NA ISYU – KAGULUHAN
SA MINDANAO (KARAGDAGANG SAGOT)
|
||
1
|
0
|
|
Aling Amina, maaasahan po ninyo yung kapayapaan
pag tayo po ang nagging pangulo. Ang katanungan po ninyo: sino sa amin ang
maghahatid ng kapayapaan – pangmahabaang kapayapaan at progreso sa inyo.
Maaasahan po ninyo, ginagawa na
natin ngayon yan at ipagpapatuloy natin yan sa inyong lugar. (1)
|
Tony Velasquez (Tagapamagitan): Okay. Maraming salamat. Susunod po ang sasagot si Mayor Duterte.
|
MAYOR RODRIGO DUTERTE
|
||
MARKA
|
||
MAKATOTOHANAN
|
ILUSYON
|
|
PANG-ANIM NA ISYU – KAGULUHAN
SA MINDANAO (KARAGDAGANG SAGOT)
|
||
2
|
0
|
|
Sabi ko kailangan natin ng
dayalogo. Hindi habang-buhay tayo
maglalaban-laban, maliban na lang kung maitama ang kawalan ng hustisya. (1)
Payag naman sa kompromiso ang mga
Moro. Sabi ko, hindi kasalanan ng mga
Kristiyano, sila’y pumunta ng grupo. (2)
Kaya sabi kasi ng Amerikano, “Pumunta kayong
Mindanao dahil ito’y Lupang Pangako,” sa simpleng kadahilanang walang Moro
magtrabaho sa kanila. Dito nag-umpisa ang pangibang bayan.
Kailangannating mag-usap. Kailangan nating itama,
sinabi ko na ang kawalang hustisya, sa kung hindi…..
Salamat.
|
||
KOMENTARYO:
|
||
Umpisang
1899 hanggang 1941 ay nagkaroon ng maraming Moro military revolutions laban
sa mga Amerikano. Ngunit sa
pamamagitan ng military, pulitikal at pang-edukasyong estratihiya ng
gobyernong Amerikano ay unti-unting nakuha ang soberanya ng mga Moros. Bukod dito, ang pagpapakilala ng
Kristiyanismo sa mga naninirahan sa Mindanao na nag-umpisa sa ilalim ni
General Pershing noong 1912 ang naging sanhi ng dati nang mayoryang
populasyon para maging isang minorya at maisantabi. Noong 1913, ang kalkulang
populasyon ng Mindanao ay ang sumusunod: 324,816 Moros; 193,882 hindi-Moros.
Ang mga Moros ay binubuo ng mayorya 76%. Makalipas ang (dalawamput-isa) 26
taon, noong 1939, ang populasyon ng Moro ay 34% lamang sa kabuuan ng
populasyon ng Mindanao; noong 1990, 19% ng kabuuang 14,269,456 populasyon ng
Mindanao, gamit ang 1990 Census of Population and Housing.
Kung
kaya ang kanilang ipinakikipaglaban ay makatuwiran kaysa makasarili. [1]
|
Tony Velasquez (Tagapamagitan): Sige. Maraming Salamat. Vice President Binay.
|
VICE PRESIDENT JEJOMAR BINAY
|
||
MARKA
|
||
MAKATOTOHANAN
|
ILUSYON
|
|
PANG-ANIM NA ISYU – KAGULUHAN
SA MINDANAO (KARAGDAGANG SAGOT)
|
||
0
|
2
|
|
Uulitin ko po, uulitin ko na yan ho ang problema sa Mindanao, eh ang
pinagsisimulan po niyan kahirapan. (1)
Ah, kung angat ang buhay dyan sa lugar na ‘yan,
hindi po tayo dadako na makakaisip na humiwalay sa ating buong bansa. Hindi
ho madadako na gagamit ng mga baril para maka-ibagsak ang pamahalaan.
Kahirapan po ang problema at sabi ko
nga ho, yun din ang problemang
naharap ko sa Makati, magagawa po nating…...maiangat ang buhay ng bawat
Pilipino. (2)
|
||
KOMENTARYO:
|
||
1). Ang
Mindanao ay hindi nasa panganib ng gutom.
Samakatwid, ito’y nagbibigay ng Php200 billion sa bansa sa pamagitan
ng mga produkto nito pang-agrikultura.
2). Ang
Makati ay hindi maikukumpara sa Mindanao dahil ang ipinakikipaglaban ng
Mindanao ay soberanya na kinuha sa kanila ng mga mananakop.
|
Tony Velasquez (Tagapamagitan)
Maraming salamat po, Mr. Vice President.
At ang huli pong kasagutan mula po kay Senator
Grace Poe. Thirty seconds ma’am.
|
SENATOR GRACE POE
|
||
MARKA
|
||
MAKATOTOHANAN
|
ILUSYON
|
|
PANG-ANIM NA ISYU – KAGULIHAN
SA MINDANAO (KARAGDAGANG SAGOT)
|
||
2
|
0
|
|
Sen. Grace Poe: Salamat di mo ako nakalimutan.
|
||
Tony Velasquez: Oo ma'am
|
||
Sen. Grace Poe: Yung ating tagtuyot sa Mindanao, halimbawa na lang, Region 12 yata –
South Cotabato. Halos lagpas dalawang daang
bilyon ang binibigay sa atin, sa kanilang mga agricultural products. Pero pagdating sa tulong sa El Niño, 9 million lang ang
binibigay natin sa napakalaking budget na inilaan para dito. (1)
Makita mo talaga, kulang ang suporta sa Mindanao.
Hindi ko alam kung bakit.
Pero sa tingin ko bilang nanay, dapat patas ang pagtrato sa lahat, malayo mang lugar sa
Pilipinas o malapit. (2)
|
Tony Velasquez (Tagapamagitan): Nasa huling bahagi na po tayo ng ating PiliPinas 2016 Presidential
Town Hall Debate.
Ang huling harapan, eh, sabi nga po, tuwing may
halalan, pagkakataon ito ng bagong panimula. Para bang sinasabihan ang lahat,
puwede pa. Umayos na tayo bilang isang bansa.
Karen Davila (Tagapamagitan): Kaya sa ating mga kanditato, para po sa inyong panghuling salita,
pagkunan niyo po ng inspirasyon ang batang si (Jessa) mula po sa Bohol.
Pakinggan niyo po ang kwento niya.
Karen Davila (Tagapamagitan): Kasama po natin ngayon, mga kandidato, ito po si Jessa at ang kanyang
ina. Gaya po ng lahat ng batang Pilipino, hindi pa po siya puwedeng bumoto.
Pero siya po ang punong-puno ng pangarap at pag-asa.
Tony Velasquez (Tagapamagitan): Eh, pakisama niyo naman po sa
inyong mga panghuling pananalita, kung ano po ba ang maaari niyong gawin para
hindi mabigo ang mga pangarap ni Jessa at iba pang mga bata na katulad niya.
May hanggang limang minuto po kayo bawat
kandidato. At batay sa naging bunutan, ang mauuna po ngayon ay si Mayor
Rodrigo Duterte. Lima...
Karen Davila (Tagapamagitan): At ang entablado ay sayo hanggang limang minutos.
|
PAGES
|
||||||||||||||
[1] Abp.
Orlando B. Quevedo, OMI, DDon ARCHIVES: Quevedo on Injustice: the Root of
Conflict in Mindanao, February 23 2014
6:58 pm
No comments:
Post a Comment