yourimagetitle
yourimagetitle
yourimagetitle
yourimagetitle
yourimagetitle

Adsense

Adsense

Adesense

Saturday, April 23, 2016

Debate: Plataporma panggobyerno ng mga kumakandidatong Presidente na tututukan ng bansang Pilipinas





Karen Davila (Moderator)

Ang susunod po nating Mabilisang Pag-uusap. Mayor Duterte Mabilisang Pag-uusap po ito.




MAYOR RODRIGO DUTERTE
MARKA
MAKATOTOHANAN
ILUSYON
MABILISANG PAG-UUSAP
5
5

Mayor Rodrigo Duterte: Oo, ma'am.

Karen Davila (Tagapamagitan): Yes or no, kung paliwanag – sandali lang po.
Magandang ehemplo ba kayo sa kabataan?
Mayor Rodrigo Duterte: Oo. (1)
KOMENTARYO:
1). Ang rurok ng tagumpay (ng walang korupsiyon) ay magandang halimbawa ngunit hindi ang pagmumura, pambababae at pakikipaghiwalay sa asawa.
Karen Davila (Tagapamagitan):  Sa palagay...
Mayor Rodrigo Duterte:  ibinalik ko ang kaayusan ng publiko sa aking siyudad at ang lahat ay naging protektado. (1)
Karen Davila (Moderator):  Anong posisyon sa Gabinete ang ibibigay niyo sa babae?
Mayor Rodrigo Duterte:  Turismo at – kung talagang siya’y matalino, sa finance, kahit anong katungkulan. (2)
Karen Davila (Tagapamagitan):  Pangalanan ninyo ang malaking tagasuporta pangkampanya.  Sino siya?
Mayor Rodrigo Duterte:  Nasa bukid ma'am. (2)
KOMENTARYO:
2). Kinukumpirma ba ito na si Jose Maria Sison na isang lider ng  komunista ang tagasuporta niya?
Karen Davila (Tagapamagitan):  Anong pangalan sir?
Mayor Rodrigo Duterte:  Emilio Aguinaldo, sa palagay ko. (3)
KOMENTARYO:
Ang seryosong tanong ay nangangailang ng seryosong sagot.
Karen Davila (Tagapamagitan):  Sabi niyo po, “Hindi ka pwedeng maging Pangulo kung hindi mo kayang pumatay.”  Papatay ba kayo…
Mayor Rodrigo Duterte: Talaga.
Karen Davila (Tagapamagitan):  ...kung kayo'y Pangulo?
Mayor Rodrigo Duterte:  Hindi, hindi aktuwal – takot ka mamatay, takot kang pumatay, wag kang mag Presidente. (3)
Karen Davila (Tagapamagitan): Anong sitwasyon ang posibleng mag-udyok sa inyo para magdeklara ng Martial Law?
Mayor Rodrigo Duterte:  Rebelyon, bayolenteng hindi masawata at -  Rebelyon, bayolenteng hindi masawata. (4)
Karen Davila (Tagapamagitan):  So posible ang Martial Law sa panunungkulan niyo?
Mayor Rodrigo Duterte:  Hindi, hindi na puwede. Wala naman – hindi na ganun kalawak ang rebelyon natin. (5)
Karen Davila (Tagapamagitan):  Papayag ka bang mailibing sa Libingan Ng Mga Bayani si dating Pangulong Marcos?
Mayor Rodrigo Duterte:  Oo, sigururado dahil ito’y nagdulot ng pagkabaha-bahagi ng bansa hanggang ngayon. Halos lahat ng Ilocano galit kung bakit ganun ang nangyari. (4)
KOMENTARYO
4). Ang mga Pilipino ay nagkabaha-bahagi hindi dahil sa pagharang sa pagpapalibing sa dating Pangulong Marcos sa Libingan ng mga Bayani kundi dahil sa hindi na makontrol na korupsiyon at kawalang hustisya sa Pilipinas.
Karen Davila (Tagapamagitan): Kaaway na ba...
Mayor Rodrigo Duterte:  Panahon na para maghilom. (5)
KOMENTARYO:
5). Ang paghilom ay nag-uumpisa hindi sa pag-ari ng korupsiyon at Martial Law bilang kabayanihan para ang taong naturan ay mailibing sa Libingan ng mga Bayani kundi sa pamamagitan ng pagbabago ng mga lider ng gobyerno mula sa pagiging kurakot tungo sa servant leadershirs
Karen Davila (Tagapamagitan): Kaaway na ba natin ang America kapag kayo'y naging Pangulo?
Mayor Rodrigo Duterte:  Sila naman ang nag-aaway.   

Yun ay sagot sa tanong galing sa media. Yun ay isang palagay, hindi makatotohananang tanong at sinagot ko lamang ito. At oo, kung gusto nila di... (6)
KOMENTARYO:
6). Matatandaan na pinagsabihan niya ang mga Ambassador ng US at Australia (mga bansang pinakamalapit na kakampi ng Pilipinas)  na itikom nila ang kanilang mga bibig pagkatapos punain ng mga ito ang tungkol sa pagbiro niya ng below the belt sa isang Awstralyanong misyonero, at nagbababla na handa siyang putulin ang relasyon ng Pilipinas sa  mga bansang ito kapag siya ay nahalal bilang prwsidente.[1]
Karen Davila (Tagapamagitan): All right. Kaaway mo ang ilegal na droga. Anong gagawin niyo sakaling malaman po ninyo na isa sa mga anak niyo ay gumagamit ng ilegal na droga?
Mayor Rodrigo Duterte:  Patayin mo. (7)

KOMENTARYO:
Ito’y terible.  Bilang isang ama, ito ang kaagaran niyang solusyon kaysa ipadala ang kanyang anak sa isang rehabilation center?
Karen Davila (Tagapamagitan): May anak po ba kayong nalulong o gumamit ng ilegal na...
Mayor Rodrigo Duterte: Wala.
Karen Davila (Tagapamagitan):...droga?
Mayor Rodrigo Duterte:  ang lahat at – ang lahat ay ayos, sir.  Ang aking utos ay – kahit siya ……(ay miyembro ng pamilya), patayin siya. (8)
KOMENTARYO:
8). Paanong maatim ng isang ama na patayin ang kanyang anak na nabulag ng impluwensiya ng kapaligiran kaysa ang dalhin ito sa isang rehabilitation center?
Karen Davila (Moderator): Sige.  Salamat.



Tony Velasquez (Tagapamagitan)

Ang susunod po natin tatanungin si Senator Grace Poe. Bibigyan natin ng dalawang minuto.

Senator Grace, kapag ka po'y – kayo po ba ay naluklok sa Malacañang, may Amerikano bang papasok din kasama ninyo?




SENATOR GRACE POE
MARKA
MAKATOTOHANAN
ILUSYON
MABILISANG PAG-UUSAP
9
1
Sen. Grace Poe: Wala po, ako lang naman ang hinalal eh. (1)
Tony Velasquez (Tagapamagitan): Mm hmm. Ang ibig sabihin po ba nun ay matatapos na ring iiiwan ng iyong mister ang kanyang American citizenship?
Sen. Grace Poe: Na-iiwan na po. (2)
Tony Velasquez (Tagapamagitan): Kailan po siya nag renounce?
Sen. Grace Poe: Siguro mga isang buwan na nakalilipas. Pero siya ay talagang Pilipino na pinanganak......ng mga magulang na Pilipino. (3)
Tony Velasquez (Tagapamagitan):  Sa makatuwid...
Sen. Grace Poe: Yan po ay para lamang mawala ang duda, pero siya po ay natural born. (4)
Tony Velasquez (Tagapamagitan):  Para linawin lang, sinauli na niya ang kanyang US passport?
Sen. Grace Poe:  Opo. Di...
Tony Velasquez (Tagapamagitan):  Walang...
Sen. Grace Poe: Kung ano po yong nakalagay sa batas. (5)
Tony Velasquez (Moderator): Opo. Ngayon po ba ay maaaring tumulong na ang mga Amerikano sa pagtugis sa Abu Sayyaf?
Sen. Grace Poe:  Kahit sinong mga kakampi natin dapat tumulong sa atin. (6)
Tony Velasquez (Tagapamagitan):  Sino po ang magiging Defense Secretary ninyo?
Sen. Grace Poe:  Babanggitin ko na lang po pag binigay na sa atin ang tiwala ng ating mga kababayan.
Tony Velasquez (Tagapamagitan):  Okay. Ano po ang pinakamagandang ugali ng Pilipino o pinakamasamang ugali ng Pilipino na gusto niyong baguhin?
Sen. Grace Poe:  Siguro yung kawalan ng – masyadong mapatawad. Minsan hindi rin mabuti yun. (1)
KOMENTARYO:
1). Ang sobra-sobrang pagpapatawad ay magiging mali lamang kung binabalewala ang pananagutan.  Ang lahat ay marapat lamang na bigyan ng pagkakataon kahit ito’y nangangailangan ng sobra-sobrang patawad ngunit dapat papanagutin sa batas.
Tony Velasquez (Tagapamagitan):  Kaya ang susunod na tanong ay mapapatawad niyo na ba at ipalilibing sa Libingan Ng Mga Bayani (Heroes’ Cemetery) si dating Pangulong Marcos?
Sen. Grace Poe:  Kung anuman ang opinyon ko, ang masasabi ko lang yung batas ay nagsasabing hindi pwede, RA 10368, na nagsasabi, kilalanin ang mga nagsakripisyo noong panahon niya. (7)
Tony Velasquez (Tagapamagitan):  Si dating Pangulong Gloria Arroyo po ba ay dapat isailalim na lang sa house arrest?
Sen. Grace Poe:  Kung pumayag ang doktor, hindi ko hahadlangan. (8)
Tony Velasquez (Moderator):  Ang mga bagong mining contracts po ba ay aaprubahan niyo sa inyong administrasyon?
Sen. Grace Poe:  Tignan muna natin baka sobra-sobra na. Tignan natin kung yong mga mining companies na bukas na ay tumatalima sa batas at kung talagang kailangan ng isang kumunidad.

Kung may iba namang trabaho doon bakit pa tayo magbibigay ng permit? (9)
Tony Velasquez (Tagapamagitan):  All right. Maraming salamat, Senator Grace.



Karen Davila (Tagpamagitan):
Secretary Mar, Ito’y Mabilisang Pag-uusap.

Kung sakaling maging bise presidente mo si Bongbong Marcos, bibigyan mo ba ng Cabinet position?




SECRETARY MAR ROXAS
MARKA
MAKATOTOHANAN
ILUSYON
MABILISANG PAG-UUSAP
5
3

Sec. Mar Roxas: Oo naman kung siya nga ang nanalo. Pero naniniwala akong mananalo si Leni Robredo. (1)
Karen Davila (Tagapamagitan): Palpak ba ang Administrayong Aquino sa pagresolba ng tanim-bala?
Sec. Mar Roxas: Ano po?
Karen Davila (Tagapamagitan): Oo o hindi?
Sec. Mar Roxas:  Ano po?
Karen Davila (Tagapamagitan): Palpak ba ang Administrasyong Aquino sa pagresolba ng tanim-bala scam?
Sec. Mar Roxas: No. Iniimbestigahan nila at papanagutin nila kung sinong may - dapat na managot. (2)
Karen Davila (Tagapamagitan): Kaya mo bang solusyunan ang tanim-bala scam, sir?
Sec. Mar Roxas: Oo, simpleng-simple. Tatanggalin ko yung mga scanner doon sa harapan ng airport dahil may scanner na doon sa baba. Walang - walang pangangailangan na i-scan - walang airport sa buong mundo na nag-sa-scan bago ka pumasok sa airport. (1)
KOMENTARYO:
1). Hindi ang teknolohiya ang may pagkakamali kundi ang mga operatiba na nagtatanim ng bala sa mga bagahe ng mga pasahero.
Karen Davila (Tagapamagitan): Sapat...
Sec. Mar Roxas: Lahat ng mga scanner ay naandun sa baba. Kaya doon na lang dapat na ma-scan, na hindi kailangan ng tao. (3)
Karen Davila (Tagapamagitan): Secretary, sapat po bang nagawa ninyo nung tumama ang bagyong Yolanda, oo 0 hindi?
Sec. Mar Roxas: Oo. Ginawa ko ang lahat, tinaya ko ang aking buhay. (4)
Karen Davila (Tagapamagitan): Papayag po ba kayo sa pagpasok ng mga bagong minahan sa Pilipinas?
Sec. Mar Roxas: Mayroon pong batas.  Lahat po tayo ay gustong maging presidente ng Pilipinas.

Una, ay ipatupad ang batas.  Pero itong mga batas na ito ay dapat tumalima sa ating mga patakaran, ang pagtanggap lokal at nakaangkla sa usapang pangkapaligiran. (5)
Karen Davila (Tagapamagitan): Masama po ba para sa kalikasan ang coal o carbon, oo o hindi?
Sec. Mar Roxas: Yung maduming coal at maduming carbon, masama. Pero may mga coal-plants sa Finland, sa Germany, sa Sweden, sa gitna ng lungsod na pinapaandar dahil ito'y tinatawag na clean coal. (2)
KOMENTARYO:
2). Walang tinaguriang   clean coal. Anuman ang lumabas galing sa powerstation na makapal na usok ay kalahati lamang ng katotohanan. Ang  napakamapanganinb na dulot ng uling ay bumbabalik sa pinanggalingan nito, kung saan ang bukas na mina ay nagududulot ng malawakang respiratory ill-health, lumalason sa supply ng tubig at  umaabuso ng karapatang pantao at ng mga manggagawa
Karen Davila (Tagapamagitan): Nangangahulugan ba itutuloy nyo po ang pagpapatayo ng 23 nakabinbin na coal plants sa Administrasyong Aquino.
Sec. Mar Roxas: Kasabay nun ay isusulong natin yung natural gas, para manatiling 50-50 yung ating balanseng enerhiya sa pagitan ng malinis, ang coal (3) and oil, at saka sa natural gas sa renewables at saka sa......geothermal.
KOMENTARYO:
3). Kagaya ng nabanggit sa naunang pahayag patungkol sa coal.
Karen Davila (Moderator): Sige, sayang sir, dalawang minuto na po. Marami pa akong tanong sa inyo.
Sec. Mar Roxas: Pwede mong – pwede mong i-email, sasagutin ko.




PAGES


1


2


3


4


5


6


7


8


9











[1] Agence France-Presse,Duterte says he may cut US, Australia ties, http://www.rappler.com/nation/politics/elections/2016/130271-duterte-cut-ties-australia-us

No comments:

Post a Comment

Adsense

Adsense

Adesense



yourimagetitle
Visit us @ FRIENDS OF THE DIVINE MERCY
Visit us @ FRIENDS OF THE DIVINE MERCY

Adsense

Adsense