yourimagetitle
yourimagetitle
yourimagetitle
yourimagetitle
yourimagetitle

Adsense

Adsense

Adesense

Saturday, April 23, 2016

Debate: Plataporma panggobyerno ng mga kumakandidatong Presidente na tututukan ng bansang Pilipinas



Pambungad na Talumpati
Pangarap para sa Pilipinas sa Loob ng anim (6) na Taon
Karen Davila (Tagapamagitan)

Sa loob ng dalawang minuto sagutin nyo ang taumbayan, kung ikaw ay mahahalal bilang pangulo, paano mo isasalarawan ang Pilipinas sa 2022 pagkatapos ng iyong termino?




SENATOR MIRIAM DEFENSOR-SANTIAGO
MARKA
MAKATOTOHAHAN
ILUSYON
PAMBANSANG AMBISYON SA LOOB NG ANIN (6) NA TAON
5
2
Republika ng Pilipinas, halika hawak ka sa aking kamay at papaimbulog tayo patungo sa hinaharap.

Magkakaroon ng patas na batas, hindi ng Tao o mga Tao na nagsusuhol ng husgado at ibang negosyador sa isang pagdinig ng kaso. (1)

Ang ating ekonomiya ay nakatuon sa pagtayo at pagpapaibayo ng mga dati nang naitayo at laging nakadepende sa pagitan ng 5% to 7% of the GDP. (1)

Ganunpaman, sa kabila ng lahat ng masidhing aktibidad, pananatilihin natin ang 3% budget ng GDP. (2)

Sa agrilkultura, imomordernisa natin ang irigasyon, pasilidad ng imbakan ng tubig, imprastraktura, pautang para sa mga pamilyang mahihirap at iba pang makabagong teknolohiyang pang-agrikultura na pinakanibangan ng ibang mga bansa. (3)

Sa usaping pangkapayapaan, ang pulisya at militar ay magkakaroon ng mas malaking pondo, mas maigting na pagsasanay, at mas mabuting pasilidad. (4)

Higit sa lahat, ang kapana-panabik sa lahat, magkakaroon tayo ng alternatibong siyudad sa gawi ng Clark kung saan ay magkakaroon tayo sa wakas ng kalayaan na dulot ng trapiko. (5)

Higit sa lahat, ako’y nakatuon sa kabataan ng bansang ito.  Minahal ko lagi ang kabataan at kailanman ay di ko sila bibiguin sa darating na anin na taon. (2)

Salamat.

KOMENTARYO:

1). Ang mga naturang numero ay naging klarado sana kung inilatag ang panggagalingan nito. 

Ang GDP ay hindi maunawaan ng ng mega hindi edukadong tao kaya ito’y ipinaunawa sana sa simpleng termino na mauunawaan ng mas nakakarami. Matatandaan na inaatake niya si Grace Poe sa pagkakaroon nito ng American Citizenship pero heto siya hindi makapagsalita ng Tagalog ng may tatas samantalang yung isa ay nagsasalita ng natural at deretsong Tagalog.  Lumabas na mas Pilipino pa si Grace kaysa sa kanya.

2). Mabuting malaman na mayroong pagtuon ng pansin sa mga kabataan, ngunit ito’y mas naging mabuti kung nagprisinta siya ng partikular na proyekto para sa kanila.  Dahil ito’y lalabas lamang na imahinasyon kung hindi konkreto.




MAYOR RODRIGO DUTERTE
MARKA
MAKATOTOHANAN
ILUSYON
PAMBANSANG AMBISYON SA LOOB NG ANIN (6) NA TAON
3
3

Hayaan ninyo akong kausapin ang bansa, ang mga Pilipino at mga Pangasinense, magandang hapon po sa inyo!

Tayo’y nalalapit na sa pagtatapos ng kompetisyong ito. Inalatag namin dito ang aming programa ng hindi klarado, ngunit balang araw ay magkakaron ito ng kaliwanagan. (1)

Ipiniprisenta ko ang aking sarili bilang kandidato ng pagkapangulo. 

Nasundan ninyo ako sa pampubliko, kung paano ako umakto at napakinggan ninyo ang aking mega pagkakamali sa pananalita. (2) At alam ninyo, mayroon tayong mega pagkakamali. Akoy’ mayroon nito sa aking buhay. (3)

Pero isa lang ang maipapangako ko sa inyo kagaya ng mga nagawa ko sa nakalipas, at ito ang  aking sadya, kung mapakikinggan ninyo ang aking mega kahinaan, pagmumura, masamang pananalita, tingnan ninyo ang aking likuran, para makita ninyo ang mga Pilipinong naninikluhod, nagugutom at galit sa bansang ito dahil sa hindi pagkilos. (1)

Gusto kong itama ang partikular na kawalang hustisya sa gobyernong ito, at kayo’y magkakaroon ng mapayapang bansa. (2) At siyempre kagaya ng sabi ko, ang droga ay puntirya ko.  Ako’y umaasang masugpo ito sa bandang huli. (3)

Ang masasabi ko lang, marami akong mega plano. Maaari ko ring kopyahin ang mega plano ng aking mga kaibigan dito, kay Grace at Ma’am Miriam.  Una sa lahat, ang mga ito’y produkto ng katalinuhan na aking magagamit.

Maraming salamat po.

KOMENTARYO:

1). Itoy’ panghuling debate na at sa kanyang pagbisita sa buong bansa, kahit paano’y napakinggan niya ang mga isyung ibinahagi ng mga local government units.  Kaya yun sana ang binigyang diin na binigyan niya ng kaukulang solusyon kaysa haluan ito ng mga di klaradong isyu na nangunguhulugan lamang na nagpiprisinta siya ng inbalidong kaisipan.

2). Bagamat mabuting alam ang kanyang pagkamali, dahil senyales ito na natitimbang niya ang mali at tama, na isang indikasyon tungo sa posibleng pagbabago.  Ngunit kailan siya magbabago.  Siya’y 70 anyos na at sa edad na ito ay hindi na angkop ang kakitaan ng hindi kaiga-igayang kilos laLo pat siya’y hindi lamang nasa pampublikong serbisyo kundi siya rin ay edukado.  Yun ay kauna-unawa kung siya ay hindi madunong.  Ito’y kabaliktaran, ang mega taong nasa bundok ay nakakakilos ng may kawastuan samantalang ang ilan sa mga ito ay hindi nakapag-aral.  Paano magiging posible itama ang kawalan ng hustisya ng bansang ito kung ang gustong magtama nito ay kailangan ding itama.

3). Ang pag-amin na marami siyang pagkakamali sa buhay ay maaaring mangahulugan na mayroon pa siyang ibang mga pagkukulang bukod sa mga di kaaya-ayang pananalita, bilang edukado.  Ang pag-amin ay hindi laging nangangahulugan ng pagbabago o paghilom lalo pa’t nasasalamin sa kanyang pananalita kaya maaaring ang ilan sa mga ito ay parte pa rin ng kanyang buhay, na maaaring maging multo sa kanyang panunungkulan.




VICE PRESIDENT JEJOMAR BINAY
MARKA
MAKATOTOHANAN
ILUSYON
PAMBANSANG AMBISYON SA LOOB NG ANIN (6) NA TAON
7
1

Pagdating po ng 2022, nakaranas po ang ating bansa sa Binay Administration, ang bansang Pilipinas ay umunlad, ang mamamayang Pilipino ay angat po ang buhay. (1)

Bakit? Sa bahagi po ng pamilya, halos lahat ng Pilipino ay magkakaroon ng sariling disenteng pamamahay. (1)

Dyan po naman sa kalusugan, ang mga Pilipino ay magiging malusog at malayo sa sakit. (2) Ang ating pong mga ospital ay de kalidad at makapagbibigay ng libreng pagamot at pagkaconfine sa mga mahirap. (3)

Sa bahagi po naman ng edukasyon, ang buong Pilipinas ay makakaranas ng may computer ang lahat ng eskwela, at ang mga pangangailangan ng ating mga bata sa eskwelahan, libre lahat. (4)

Sa bahagi po naman ng hanap-buhay, ang employment po, wow, halos lahat ng Pilipino ay may trabaho. Bakit? Kasi dadagsa po ang mga foreign investors, gaganda ho ang ating mga pa-trabaho sa agriculture, sa manufacturing, sa export, sa tourism, at sa BPO. (5)

At sa pagkain po naman. Sa Binay administration, lahat po ng pamilyang Pilipino ay nakakakain ng tatlong beses. (6)

Sa bahagi ho ng pamahalaan. Ah, wala na hong kapalpakan. Hindi na ho nangyari yung analysis by paralysis. Sapagkat ang aking pong mga kasamang mamumuno, eh, may competence at merong integrity. Yan po ang mangyayari. (7)

At sa bandang huli, ang Pilipino ay maipagmamalaking sya ay Pilipino.

KOMENTARYO:

1). Madaling sabihin na ang bansa ay magiging maunlad sa kanyang panunungkulan.  Ngunit ang katanugan ay:  ano ang mga konkretong detalyE?  Saan at sino ang panggagalingan ng kaunlarang ito. 

Bagamat walang konkretong detalye patungkol sa panggagalingan ng pondo, hindi ko kokontrahin ang mga nagmumukhang suntok sa buwan na mga pangako dahil ako mismo ay hindi nakaramdam ng progreso dahil sa kahirapan ng pagkuha ng trabaho lalo na sa isang may edad na katulad ko. 

Ang tatay ko ng maospital ay di namin naramdaman ang magandang handog ng Philhealth, at sa siyam (9) na magkakapatid ay apat  (4) lamang kaming nakatapos dahil sa katotohanan ay wala naman talagang libreng edukasyon (libreng tirahan at pagkain at 100% libreng bayad sa tuition)

Hindi ko alam kung paanong posibleng makakahikayat siya ng maraming banyagang mamuhunanan sa bansa sa gitna ng tanim-bala scam, sukdulang korapsiyon, mataas na buwis (pinakamataas sa  anim na bansa ng ASEAN (Philippines 30%, Thailand 20%, Indonesia 25%, Malaysia 25% , Vietnam 22% and Singapore 17%), pero tatanggapin ko ang kanyang mga pananalita dahil sa kanyang administrasyon sa Makati, na naging produktibo kaya posible na ang kanyang panunungkulan sa pagiging presidente ay maaaring maging progresibo din.

Kung ang mga kasalukuyang akusasyon laban sa kanya hinggil sa korupsiyon ay tutuo, at manalo pa rin siya sa kabila ng lahat (sa kadahilanang iba-iba ang pananaw ng mga tao tungkol sa pagpili ng kandidato), ako’y umaasa na sana’y mapaunlad niya ang bansang ito sa pamamagitan ng pagkopya hindi ng mga alegasyon na ibinabato sa kanya kundi lahat ng progreso na ginawa niya sa Makati.  Nang dahil dito, ay inari kong makatotohanan ang kanyang mga pangako kahit hindi siya nagprisinta ng konkretong detalye ng kanyang mga proyekto.




SENATOR GRACE POE
MARKA
MAKATOTOHANAN
ILUSYON
PAMBANSANG AMBISYON SA LOOB NG ANIN (6) NA TAON
3
1

Masantos ya labi ed sikayo amin. Naimbag nga rabi-i kadakayo amin apo.

Ang akin pong ama, ang kanya pong tatay na si Fernando Poe Sr. ay pinanganak po dito sa Pangasinan.

Ikinalulugod po namin na ang pinaka-huling debate ng Comelec ay dito ginanap sa aming lalawigan.

Sa atin pong mga kababayan, sa darating po na halalan dalawa lang po ang landas na pwede nating tahakin. Ang isa ang landas na pwede nating ipagmalaki sa ating mga anak. Ang isa naman ay landas ng pabalik o kadiliman.

Ayaw na natin ng gobyernong manhid, na hindi pinapakinggan ang daing ng ating mga kababayan, na bulag sa kahirapan. (1)

Na marami pa ring mga batang nagugutom. Na marami pa ring mga batang ginagapang ang kanilang pag-aaral at nagpapakamatay dahil hindi makatapos ng kolehiyo. Na ang ating mga magsasaka ay nagbabayad ng irigasyon na wala namang tubig. Na ang ating mga mangingisda ay mag-isang pumapalaot, nilalabanan ang mga bangka ng Tsina na bato lamang ay gamit.

Ang atin pong bagong administrasyon ay tututok sa tunay na pangangailangan ng ating mga kababayan. Permanenteng trabaho, pagkain sa bawat mesa, (1) paggalang sa karapatan ng lahat, lalung-lalo na ang mga kababaihan na dapat siguro ay bigyan ng pansin at hindi maliitin at hindi apihin. (2)

Sa atin pong administrasyon dadalhin ko kayo sa isang lugar kung saan ang lahat ay may patas na pagkakataon at hindi ang iilan lamang. (3)

Mga kababayan, pinakamadilim po ang gabi bago mag umaga. Manalig po kayo, darating din po tayo dun, pero kinakailangan po, mamili tayo ng tama at higit sa lahat isipin natin ang makakabuti sa bansa…. Salamat.

KOMENTARYO:

1). Hindi ako naniniwalang walang pakialam sa hinaing ng mga mamamayan ang administrasyong ito. Kaya lamang ang kaban ng bayan ay halos said na dahil sa malaganap na korupsiyon sa bansa kaya may mga sektor na nakukumpromiso dahil sa masikip na pondo.  Ang anim na taon ay maaaring kulang para lubusang maaksiyunan ang malalim na ugat ng mga problema ng gobyerno dahil sa tiwaling panunungkulan umpisa pa ng sinaunang panahon hanggang sa kasalukuyang henerasyon.  Kaya bawat uupong presidente ay kailangan maging matindi ang pagnanasang malinis ang gobyerno sa mga tiwaling opisyal.  Kung hindi, ito’y magiging panghabang-buhay.

Bagamat hindi malinaw dahil sa hindi niya paglatag ng mga konkretong pormula, kung paano at saan manggagaling ang pondo para matugunan ang kahirapan, kakulangan ng suporta sa mga magsasaka, at kagutuman, ay inari kong makatotohanan ang kanyang mga pangako (maliban sa isyo ng pagiging manhid sa numero uno) sa pag-aasang ang isang hindi batikan na kagaya niya ang makakapagtupad ng mga ipinangako ng mga matatandang  batikang iniluklok sa gobyerno pero kabaliktaran naman ang nangyari dahil korupsiyon ang umiral.




SECRETARY MAR ROXAS
MARKA
MAKATOTOHANAN
ILUSYON
PAMBANSANG AMBISYON SA LOOB NG ANIN (6) NA TAON
7
2

Magandang gabi po sa inyong lahat. Maraming, maraming salamat sa inyo.

Pagdatin ng taong 2022 nakikita ko ang ating bansa, maunlad at desente. Isang bansa na puno ng pagkakataon. Sampung milyong trabaho ang malilikha sa anim na taon ng ating termino. (1)  Itong mga trabaho sa pagawaan, pabrika, call centers, sa turismo, construction, sa small and microenterprises. Lahat ito ay uusbong dahil magiging malago ang ating ekonomiya. (1)

Nakikita ko ang isang bansa na malaya sa takot. (2) Kung mahirap ka, may tiyak kang tinitirhan. Kung ika'y tinamaan ng sakit, lindol, bagyo o kahit anong sakuna, ang gobyerno mo ang sasagot sa iyo. (2)

Kung ika'y magsasaka, mangingisda, merong weather-based insurance para hindi ka mapurnada. (3) Ang krimen, nilulutas sa batas, hindi dahas. Ang gulo, nilulutas sa pamamagitan ng kalye at kabuhayan, hindi sa pulbura. (4)

Nakikita ko ang isang bansa na malayang mangarap, kung saan dadamihan pa natin, milyong-milyon ang idadagdag natin sa 4Ps para mas marami ang matutulungan nito at mas marami ang makakasiguro na magga-graduate ang kanilang mga anak. (5) Ang ating mga graduates, magkakaroon ng scholarship para makapagpatuloy sa kanilang pag-aaral. (6) Hindi magiging hadlang ang inyong kahirapan para sa pagtanggap ng maayos na edukasyon. (7)

Ito ang disente at maunlad na bukas na nasa sa harapan natin. Ang kailangan lang na gawin natin ito at kunin natin ito.

Nasa sa kamay natin ang ating kapalaran. Inaasahan po, samahan nyo po ako para bumuo ng isang magandang bukas para sa ating lahat.

Maraming salamat.

KOMENTARYO:

1). Ang pangakong sampung milyong trabaho ay posible dahil ang mga call centers na dinala niya dito sa Pilipinas ay positibo ang resulta sa usaping madamihang tinatanggap na trabaho.  Ganunpaman, ay hindi klarado kung ang 35 taong-gulang pataas ay malayang matatanggap ng sari-saring industriyang (maliban sa call centers na tumatanngap ng halos lahat ng edad) ito sa kadahilanng ang mga industriya dito sa Pilipinas ay masyadong partikular sa edad, kung saan ay bihira sa kanila ang tumatanggap ng nasa pagitan 3g taong-gulang pataas.  Ang mga taong ito ay gusto ring mabuhay.  Sa Singapore ay mapapansin na ang mga ganitong edad ay nakakapagtrabaho bilang Service Crew sa McDonalds, na hindi makikita dito sa Pilipinas.  Bagamat may nakita akong isa sa Zapote, Cavite. 

2). Mabuting kalkulahin ang paglalayo ng bansa sa anumang banta sa katahimikan, ngunit paano?  Ang bilang ng mga tao na nakukumprumiso ang katahimikan dulot ng tanim-bala sa paliparan ay patuloy.  Ang mga taong ito ay lumalabas ng bansa para kumita ng pera hindi para pagkakitaan ng mga operatiba sa paliparan at arestuhin o makulong sa kasong hindi nila ginawa.  Sana isinama rin ito ni Mar Roxas sa kanyang plano.  Kung kaya ay itinuring ko itong hindi makatotohanan dahil ito’y hindi klarado.






PAGES


1


2


3


4


5


6


7


8


9







No comments:

Post a Comment

Adsense

Adsense

Adesense



yourimagetitle
Visit us @ FRIENDS OF THE DIVINE MERCY
Visit us @ FRIENDS OF THE DIVINE MERCY

Adsense

Adsense